TB Chapter 7: Couple?!

173 96 71
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!








Chapter 7

Phia's POV

"We're couple." tangina.

Nudaw?!

Aba'y loko loko talaga toh si kuya! Ano bang pinagsasasabi niya?!

Couple?!

Di ko ma-imagine!

Tinanggal ko naman kaagad ang pagkaka-akbay niya sa akin. "Anong couple ka diyan?! Hoy hindi tayo mag-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

Napansin ko namang napataas ng kilay si Kiara. "J-just you wait, w-we're just going to talk about s-something." pagpapalusot ni Kuya sa kanya.

Ano bang mga pinagsasasabi nito?! Baka ma-issue pa ako nito eh! Madami pa namang tsismoso't tsismosa rito sa school.

"Mm! Mmmm!" pagpupumiglas ko at dahil mas malakas siya kaysa sa'kin, wala akong nagawa kundi ang tumigil sa pagpupumiglas.

Napansin kong mukang lalapit si Kiara ngunit pinigilan ko siya dahil kakausapin ko na itong si Kuya.

"Kiara, mauna ka na muna. May pag-uusapan lang kami. Sige na, Bye!" sambit ko naman sa kanya.

"Ahh okay. Sige, kita kits!" nagtataka ngunit nagawa niya pa rin sundin. Saktong pag-alis ni Kiara ay walang ano-ano na hinila ako ni Kuya papuntang waiting shed.

"Bitawan mo na nga ako! Ano ba kase 'yon?!" inis na sigaw ko sa kanya. Kanina pa ako naiirita sa kanya, di kase mapakali tapos kung saan-saan pa lumilingon.

Yung totoo?

Paranoid lang?

"I'm sorry, Phia. But---shit! How can I say this? Whatever. We'll talk about this later at home, okay?" parang nagpapanic na sambit niya at mukang desperado na.

Dahil naman desperado na talaga siya ay tumango na lang ako. Na-curious tuloy ako bigla? Parang tanga kase toh si Kuya eh.

Kanina parang ang cool ng dating tapos ngayon......hayys di ko alam kung anong itatawag sa kanya.

Tumingin muna siya sa orasan niya bago muling tumingin sa akin. "It's almost time, you're going to be late.....I'll take you to your class." prisinta niya naman at hinawakan pa ang braso ko upang hilahin ako paalis.

Tumango na lang ako bilang sagot at sabay kaming naglakad papasok sa loob ng university.

Pagkapasok namin sa loob, sinabi ko na hanggang sa may hallway na lang niya ako ihatid ngunit nagpapilit pa rin siya kaya eto, wala akong magawa.

Habang naglalakad, napapansin ko na namang lingon siya ng lingon sa kung saan.

Nakakairita siya, sa totoo lang.

Naku-curious talaga ako rito kay kuya eh. Kanina pa kase patingin-tingin sa paligid akala mo parang kawatan na nagtatago sa mga pulis. Ano kayang tinatago nito ni Kuya?

Malalaman ko din 'yon......

Nabalik ako sa reyalidad nang bigla akong nadulas at natumba sa sahig.

Arrraaaaayyyyyy!!

Tiningnan ko kung ano ang dahilan ng pagkadulas ko at nakita ang isang bracelet kaya naman pinulot ko ito.

HIDDEN SEVENDonde viven las historias. Descúbrelo ahora