TB Chapter 25: Party

17 12 0
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!




Chapter 25

Phia's PoV

Kasalukuyan akong naghahakot sa damitan ko ng mga maaayos at disenteng damit dahil pumayag ako sa imbita ni Allan sa akin.

Hindi ko alam kung anong klaseng party 'yon kaya naman hindi ako makapili ng susuotin. Nakakahiya naman kung mukha akong basurera 'pag pumunta ako doon.

Habang nagteterno ako ng damit ay may narinig akong kumakatok sa pintuan. "Pasok!" sigaw ko.

Iniluwa naman ng pintuan si Mama at may dala-dala itong malaking rectangular na kahon. "Phia, kunin mo nga ito." utos sa'kin ni Mama at lumapit naman ako sa pwesto niya para kunin ang dala niya.

Nilapag ko naman 'yon sa kama. Ang laki naman, nasakop ng kahon yung buong kama ko. "Ano 'to, Ma? Tyaka saan galing? Sino nagbigay?" sunod sunod na tanong ko kay Mama dahil naguguluhan talaga ako.

"Aba'y hindi ko rin alam. Tignan mo na lang. Dineliver lang naman 'yan dito." sagot naman ni Mama. "O siya, baba na ako at may naiwan pa akong gawain doon." dagdag niya pa at lumabas na ng kwarto.

Nabaling naman ang atensyon ko sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. Bumungad sa akin ang pangalang 'Death Threat Target' sa phone ko.

Si Allan.....

Sinagot ko naman ito. "Hello, bakit?" bungad ko.

["Natanggap mo na?"] tanong niya mula sa kabilang linya at nagtaka naman ako bago napatingin sa malaking kahon na nasa kama ko.

"Yung kahon ba?" tanong ko pabalik at sumang-ayon naman siya.

["Iyan ang susuotin mo bukas, sinabi sa'kin ni Lee kanina yung theme ng party at naalala kong hindi ka mahilig sa mga ganon. Alam ko rin na wala kang damit na susuotin para bukas dahil sa kakaibang theme kaya binilhan na kita at pinadeliver dyan."] mahabang paliwanag niya naman at nagtatatango naman ako.

Advance din pala 'to mag-isip......

"Ahh. Sige sige, susukatin ko na lang mamaya." sagot ko naman.

["Geh. Sabihan mo na lang ako pag di kasya. Sige na, bye."] sabi niya at ibinaba na ang tawag.

Nilapag ko ang phone ko sa mesa at dumiretso sa kama para tignan ang pinadala ni Allan. Ano kayang theme ang sinasabi ni Allan?

Binuksan ko ang kahon at bumungad muna sa akin ang isang invitation letter. Bongga, may paganito pa. Binasa ko naman iyon at nabasa ko rin ang theme ng party.

Naughty.

Anong klaseng theme 'yon? May ganon ba? May mga saltik din ata 'tong mga ka-team ni Allan eh.

Lalo naman akong na-curious sa damit na pinadala ni Allan kaya dali-dali ko na itong binuksan, dami kaseng papel na patong-patong.

Sa wakas ay naalis ko na rin ang mga papel na nakapatong at bumungad sa akin ang isang kulay lilang dress na may butas sa magkabilang gilid.

Iniangat ko ito at isinukat sa akin. Sakto naman siya at maganda rin kaso masyadong labas yung sa tagiliran. Parang ayoko ng suotin, baka kase makita mga bilbil ko sa tyan.

Sinubukan ko itong suotin at isa lang talaga ang masasabi ko, ang ganda nito. Ngayon lang ako nakasuot ng ganitong damit at medyo hindi ako komportable dahil medyo lumilitaw yung dibdib ko, para kase siyang off shoulder tapos kitang kita yung taas ng dibdib.

So, ito yung naughty?

Okay na sana yung dress kaso nga lang nakalabas talaga yung dibdib at tagiliran ko. Baka pag nakita ako ni Kuya na ganito ang suot malintikan ako, lalo na si Mama.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now