TB Chapter 16: Josh

46 23 4
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!













Chapter 16

Phia's PoV

Hindi ko naisip na ang bahay na lang pala niya ang nag-iisang lugar na hindi pa namin napupuntahan para hanapin ang kupal na 'yon.

Aba, may isip pa rin pala itong kupal na'to.

"Oo nga noh?!" pagsang-ayon ni Kiara sa sinabi ni Allan.

"Hindi niyo naisip 'yon?" di makapaniwalang tanong samin ni Allan.

"Hindi na mahalaga 'yon. Sabihin mo na lang samin kung saan siya nakatira?" direktang sambit ko sa kanya.

"Sige, samahan ko na lang kayo. Kailan ba?" agad niyang tanong.

"Kailan ba kayo free?" tanong ko rin.

Sasagot palang sana silang dalawa ngunit hindi nila naituloy dahil may sumingit na namang kupal.

"Oyyy! Anong meronn?! Sali naman!" si Neo. Ito talagang bulinggit na 'to. Kahit pala wala si Josh, maligalig pa rin!

"Pupunta sila sa bahay ni Josh." biglang singit din ni Gent. Nako! Hindi ako aatakihin dito ng dahil sa kunsomisyon kundi dahil sa gulat.

"Ano ka ba naman? Bigla-bigla kang sumusulpot na parang kabute, aatakihin ako sa'yo sa puso eh!" biglang singhal ng babaita sa kanya.

"Sorry." paghingi nito ng tawad.

Segundo lang ang lumipas ay may panibago na namang bugwit na sumingit kaya naman natuon sa kanya ang aming atensyon.

"Anong ganap dito?" si Ian naman ngayon. Napansin ko namang lumapit na silang lahat sa pwesto namin dahil ramdam konng siksikan na kami.

"I-share niyo naman yung tsismis!" pahabol pa ni Levor bago lumapit.

Nakita ko namang kumpleto na kami maliban kay Josh kaya naman nagsimula na rin akong magsalita.

"Tutal nandito naman na kayong lahat, sasabihin ko na. Kanina, pinag-uusapan namin si Josh. Lahat naman siguro, alam na ang tungkol sa pag-absent ni Josh at sa hindi niya pagpunta rito. Hindi ko alam ang eksaktong dahilan kaya napagpasyahan namin na puntahan na lang siya sa bahay niya upang alamin kung anong nangyayari at para na rin kamustahin siya." mahabang sabi ko at pansin ko na nakikinig naman sila.

Nakita ko namang nagsitanguan sila ngunit napatigil 'yon nang biglang sumingit si Ian. "So, anong plano niyo?" tanong niya.

"Kailangan pa ba 'yon?" kontra sa kanya ni Allan.

"Ewan." sagot naman ni Ian. Wala talaga laging magandang kahahatungan yung mga usapan nila.

"Demahin na 'yan. Pag-usapan na lang natin kung kailan tayo pupunta sa kanila." singit ko naman.

"Pwede namang ngayon na, diba? Wala naman tayong ginagawa rito sa clubroom." suggest naman ni Levor.

"Free ba kayo ngayon?" tanong ko naman at sabay-sabay silang nagsitanguan. "Sige. Mag-ayos na kayo, aalis na tayo." dagdag ko at nag-ayos na rin ng mga gamit.

------

Nasa parking lot na kami at napagpasyahang konting sasakyan na lang ang dalhin dahil masikip daw ang daanan papunta sa bahay nila Josh.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now