TB Chapter 27: Payt

18 8 14
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!



Chapter 27

Phia's PoV

Lumabas ako ng sasakyan at sa di inaasahan ay nadatnan ko si Kuya na hinihintay ako plus masama pa ang tingin.

Alam ko na kung bakit ganyan siya....

Hindi kase ako nakapagpaalam kagabi na kina Allan ako magpapalipas ng gabi. Magpapaalam sana ako kaso nakalimutan ko.

Ulyanin era.....

Kaya ngayon, expected ko na magbabaon na naman ako ng sermon galing sa kanya. Paano pa kaya kapag nalaman niyang sa bahay ni Allan ako nakitulog? Sa bahay ng isang lalaki?

Naku Phia, paglalamayan ka na talaga bukas.....

Nawala ako sa kalutangan ko nang tawagin ako ni Kuya. "Phia? What's wrong?" tanong niya habang takang nakatingin sa akin.

Umiling naman ako bago sumagot. "W-wala. Naalala ko lang yung project na pinapagawa ni Prof. Malapit na kase deadline." pagpapalusot ko pero totoo talaga 'yon.

Matagal na talagang binigay ni Prof ang project na 'yon kaso di ko lang ginagawa, hinihintay ko lang mag-duedate bago ko gawin hihi.

Wag niyo ko tularan.....

"By the way, here's your bag." biglang sabi niya sabay bato sa'kin ng bag ko at mabuti nasalo ko.

Kailangan bang ibato?!

"Salamat." tugon ko na lang at kinalkal ang bag ko kung kumpleto ba ang gamit sa loob ngunit napatingin ulit ako sa kanya nang may maalala. "H-hindi ka galit sa'kin?" takang tanong ko habang nakaturo sa sarili.

Napataas naman siya ng kilay. "Magpasalamat ka sa kasama mo dahil hindi ka nakatikim ng sermon sa'kin." parang may pagbabantang sabi niya. 'Yan na naman siya sa full tagalog version niya.

Napalingon naman ako sa kasama ko ngunit nadatnan kong wala na siya roon. Saan na kaya 'yon? Pumasok na siguro.

"He left a few minutes ago." biglang sabi naman ni Kuya kaya napabaling muli ang tingin ko sa kanya.

"Mauna na pala ako. Malapit na magsimula ang klase." paalam ko at nagsimulang maglakad. "Salamat ulit dito!" sigaw ko pa nang makalayo na.

Nakarating na ako sa classroom at sakto namang nagsimula na rin ang klase. Habang nagkaklase ay naalala ko naman ang sinabi ni Kuya. Magpasalamat daw ako kay Allan dahil hindi niya raw ako pinagalitan?

Ibig sabihin, nagkausap silang dalawa? Aba, kailan pa sila naging close? Kilala ko toh si Kuya, hindi 'yan basta basta nakikipag-usap kung kani-kanino kaya nakakabahala na hindi niya ako pinagalitan dahil daw kay Allan?

Naalala ko rin na sinabi niyang layuan ko raw ang mga kupal na kasama ko sa club at isa na roon si Allan syempre kaya paanong ngayon na may parang koneksyon sila sa isa't-isa?

Napapraning na ako kakaisip.....

Hindi ko na lamang inalala iyon at nagpokus sa tinatalakay ng guro. Chichikahin ko na lang siguro si Allan mamaya pagkatapos ng klase.

-----

Natapos ang klase nang maaga at sinalubong naman ako ni Kiara mula sa labas ng pinto. Hindi na kami nagpatumpit-tumpit pa at dumiretso na ng clubroom.

Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang building one ngunit napatigil ako nang makita si Allan na naglalakad sa hallway.

Naalala ko naman yung nangyari kanina kaya naman dali-dali akong lumapit sa kanya at balak ko pang gulatin siya.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now