TB Chapter 12: Friend

150 66 8
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!










Chapter 12

Phia's POV

Nasa classroom ako ngayon, nakaupo at nakatanga sa kawalan. Shock at the moment ako kanina eh. Siya pala yung jowa ni Kuya! I mean, ex niya.

Di talaga ako makapaniwala!

Di ko expect na may magkakagusto kay Kuya na ganoon kaganda. Grabe! Di ko ma-reach ang beauty niya! Sana all!

Charot lang, baka malaman ni Kuya na binaback-stab ko siya.

Ilang minuto lang ang lumipas, dumating na ang prof namin at kaagad naman siyang nagsimulang magturo.

-----

Natapos ang klase at oras na ng break. Niligpit ko ang mga gamit ko sa desk at lumabas ng classroom.

Nagulat naman ako nang may biglang sumalubong sa harapan ko at nakitang si Kiara lang pala, may mga kasama pa ang loka maliban nga lang sa dalawa na laging wala.

Kilala niyo na kung sino yung dalawang yon.

Si Allan at Dave.

"Ey! Watsap!" bungad sakin ni Josh bago tumawa. Siraulo talaga.

"Ketsap!" dagdag pa ni Neo at nakitawa rin kay Josh. Tignan mo 'tong Josh na 'to, pati yung bata hinahawaan niya ng ka-abnoyan niya.

Tinignan ko naman ng masama si Josh dahilan upang mapatigil siya sa pagtawa. "Woah! Easy, ayaw mo bang sinu-surprise ka?" inosenteng tanong niya sa'kin kahit na halata naman sa pagmumuka ko ang inis ko sa kanya.

"Alam mo? Ang sarap mong tuktukan minsan. Ayy hindi, mas masaya pala kung palagi. Kung ano-ano kaseng kalokohan ang tinuturo mo kay Neo." inis na sermon ko sa kanya dahilan upang mapahimas siya sa batok.

"Sorry naman. Hehe." nahihiyang sambit niya at hindi ko na siya pinansin. Tumingin naman ako sa paligid at pansin ko ang mga tingin sa amin ng mga nakakasalubong naming estudyante.

Dukutin ko mga mata niyo eh.

Binalewala ko na lamang ang mga marites at inaya ang mga kasama ko sa cafeteria.

Agad naman kaming nakarating doon. Pagkapasok pa lang namin ay ramdam ko na ang mga titig ng mga estudyante sa amin.

Ano bang mga problema nito? Nakakairita sila.

Baka may tsismis na naman silang nasagap.

"Phia, bakit sila nakatingin sa'tin?" nagtatakang bulong sa'kin ni Kiara.

"Di ko nga rin alam eh." tugon ko naman at napatigil kami sa paglalakad nang may biglang humarang sa harapan namin.

O sabihin na nating sa harap ni Josh pati ng mga kupal naming kasama dahilan upang masiksik kami ni Kiara sa gitna. "Aray! Tumigil kayo! Naiipit kami, punyeta!" angal ni Kiara habang pilit na tinutulak ang mga nasa harap niya.

"Ow my ghadd!" Kunin ka na sana ni lord.

"Si Papa Josh 'yan di ba?!" Anak ka niya?

"Wala talagang kupas ang kapogian ni Papa Levor!" Maarte naman!

HIDDEN SEVENOnde as histórias ganham vida. Descobre agora