TB Chapter 4: Introduce Yourself

200 104 87
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!









Chapter 4

Phia's POV

"Anong ginagawa niyo dito sa club room namin?!" sigaw ni Kiara sa mga lalaking nakapulong sa isang lamesa habang nakaupo. Mayroon pang nakaupo sa ibabaw ng lamesa.

"Bakit? Club room din namin 'to noh." sagot naman ng isa sa kanila.

"Anong bakit?! Eh samin naka-assign ang room na toh ah!" sigaw ulit ni Kiara.

Tsk! Bakit ba kase nandito iyang mga 'yan? Tyaka bakit hindi sinabi ng SSG President na may mga tao pala rito sa club room namin.

"Bakit ba kayo nandito?" kalmadong tanong ko naman sa kanila.

"Hindi niyo ba narinig? Room din namin 'to kaya club din namin 'to." nakakabwisit na paliwanag nung isa sa kanila.

Kapag di ako nakapagpigil tutuktok ko sa ulo niya yung hawak niyang paint brush!

"Eh dito rin naka-assign club namin eh!" patuloy pa rin si Kiara.

"Tama na 'yan...tama na 'yan! Ganyan ba ang tamang pagsalubong sa mga bisita?" singit naman ng isa sa kanila at lumapit sa amin.

"Hello. I'm Josh Mendez. Nice to meet you, beautiful ladies." bati niya at kinuha pa ang kamay ko. Akmang hahalikan niya ito pero agad ko naman itong hinila. Ginawa niya rin ito kay Kiara ngunit iniwas rin nito ang kamay niya. "Oh? Sorry, my bad." dismayadong sambit niya at bumalik sa inuupuan niya kanina.

Ang daming alam non! Kunyaring gentleman, halata namang babaero!

"Ako na magwe-welcome sa kanila!" sigaw nung isang lalaki na sa tingin ko ay batà-batà pa bago lumapit sa amin. "Hi! Ako si Neo, masaya akong makilala kayo! Tara, samahan ko na kayo kung saan ang pwesto niyo!" masiglang sabi niya naman sa amin.

Nakakatuwa naman tong batang toh, di tulad ng iba dyan!

Umupo naman kami nang maihatid na niya kami sa pwesto namin. "Bata...may tanong lang ako..." biglang sambit ni Kiara kay Neo dahilan upang mapabaling ang tingin namin sa kanya. "Gusto ko lang malaman kung bakit kayo nandito?" pagpapatuloy niya.

Medyo nagtaka pa ang muka ng bata ngunit sinagot niya na pa rin ang tanong. "Ahh....'yon? Nagkaubusan kase ng mga rooms kaya nandito ang room natin kung saan may malaking kwarto upang magkasya tayo. May patakaran kase na kapag kaunti lang ang miyembro ng isang club ay kailangan maki-share ng room ng ibang clubs na kakaunti lang rin ang miyembro. Konti lang kase ang mga rooms para sa iba't ibang club." mahabang paliwanag naman niya.

"Ganon? So sinasabi mo na, konti lang ang member niyo at ang member namin? Kaya dito tayo nagsama sama sa club? Pero parang hindi naman, ang dami na natin oh!" may halong inis na sabi ni Kiara bago kami tinuro lahat ng nasa loob ng kwarto.

"Bakit hindi man lang sinabi sa atin nung SSG President na 'yon na may ka-share tayo sa room? Lakas din amats non eh!" iritang sabi ulit ng babaita.

Laban na laban.

"Tumahimik ka na nga. Wala na tayong magagawa, nandyan na sila eh. Di tayo pwede magreklamo, baka mawala pa itong club natin." dahilan ko naman para matahimik na siya.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now