TB Chapter 17: His Family

42 23 0
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!












Chapter 17

Phia's PoV

Muntik ko ng maibuga ang coke na nasa bunganga ko dahil sa sinabi ni Allan.

Hinahanap ako ng lola ni Josh?!

Wag mong sabihing....??

"Hoy, bakit parang kinakabahan ka? Wag kang mag-alala, hindi naman nangangain ng tao si Lola." natatawang sambit niya at lumapit pa sa tainga ko upang may ibulong. "Kinakatay niya muna." bulong niya dahilan upang magtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan pati na rin yung bulbol ko sa ilong.

Alam na siguro ng lola niya ang tungkol sa away namin sa clubroom ni Josh. Sinabihan ko pa naman ng masasakit na salita ang apo niya. Siguro, alam niya na rin na kasalanan ko kung bakit ilang linggo ng hindi pumapasok si Josh at ako rin ang magiging dahilan ng pagkasira ng pag-aaral ng apo niya.

Sobrang nalintikan na!

Inubos ko ang coke na nilagay ko sa baso, ininom ko ito ng isang lagukan lang.

Kinakabahan talaga ako.

"Hoy, bilisan mo! Naghihintay si Lola!" sigaw ni Allan mula sa pinto ng kwarto. Hindi ko na napansin na umalis pala si Allan dahil sa kalutangan ko. Agad naman akong lumapit sa kanya at binuksan niya naman ang pinto bago ako pinapasok.

Bumungad sa akin ang madilim na paligid dahilan upang lalo akong kabahan.

"Pumasok ka na!" sigaw ni Allan at tinulak pa ako papasok sabay sara ng pinto. Natakot naman ako kaya kinalampag ko ang pinto at sumigaw-sigaw.

"Hoy! Buksan mo yung pinto! Kapag nakalabas talaga ako rito, yari ka sa'kin!" pagbabanta ko sa kanya.

Mukang hindi niya ako naririnig kaya naman tumigil na ako sa pagkakalampag ng pinto at baka masira ko pa.

Huminga ako ng malalim at humarap sa madilim na paligid. Naalala kong may cellphone pala ako sa bulsa kaya naman kinuha ko ito at binuksan ang flashlight.

Saktong pagkabukas ko ng ilaw ay bumungad sa akin ang isang matanda na naka-upo sa isang maliit na sofa, napansin kong sinindihan niya ang kandila na nasa lamesa kaya naman pinatay ko na ang flashlight.

"Ikaw ba ang sinasabi ni Allan na nagngangalang Phia?" bungad na tanong niya sa'kin matapos niyang umupo.

"O-opo." kinakabahang sagot ko.

Mukha siyang nakakatakot.

Napansin kong umayos siya ng upo. "Maupo ka sa silya." sambit niya na ikinagulat ko pa. Agad naman akong naupo sa tapat niyang sofa.

"Sa tingin mo, bakit kita pinapasok rito? Alam mo ba na ang tanging tao lamang na maaaring pumasok sa kwartong ito ay ang apo kong si Josh?" paghinto niya at muling nagpatuloy. "Hindi ako basta-basta nagpapapasok ng kung sino-sino rito sa kwarto ko at ang pinapapasok ko lamang dito ay ang tanging tao na pinagkakatiwalaan ko." mahabang dagdag niya pa dahilan upang makahinga ako ng maluwag.

Ibig sabihin, pinagkakatiwalaan niya rin ako katulad ni Josh?

Paano nangyari 'yon??

Sa tingin ko, hindi naman masama na magtiwala pero parang nakakapagtaka naman na kaagad niya akong pinagkatiwalaan.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now