TB Chapter 18: Encourage

51 24 0
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!






Chapter 18

Phia's PoV

Araw ng biyernes, late na akong nakapasok dahil napuyat ako kagabi. Napuyat ako sa mga dakdak ni Mama sa'kin. Ilang oras ata siyang nag-seremonya dahil anong oras na akong nakauwi kagabi. Hindi nauubos ang mga sinasabi niya.

Kainis.

Nabalik ako sa reyalidad nang tumunog na ang bell, hudyat na break time na. Iniligpit ko naman ang mga gamit ko bago lumabas ng classroom.

Agad akong sinalubong ni Kiara kasama ang mga tukmol.

"Andyan na si Ate Phibss!" sigaw ni Neo.

"Tara na! Kain na tayo!" sabat naman ni Kiara.

Naglakad na kami papunta sa cafeteria at syempre hindi mawawala ang mga tsismoso't tsismosa sa paligid.

Lagi na lang silang ganyan, hindi ba sila maubusan ng chismis at nangingielam sila sa buhay ng ibang tao? Nakakairita.

Nagsalita ang HINDI tsismosa.

Hindi ko na lang sila pinansin at nanatiling kalmado kahit na naiinis ako. Nakarating naman kami kaagad sa cafeteria at humanap ng mauupuan.

Saktong pagka-upo namin ay dumating si Levor. "It's my treat today! Come on!" pag-aaya niya. Tuwang-tuwa naman ang mga loko dahil hindi sila gagastos, syempre ako rin.

Hays, nakalibre na naman kami.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain at bigla na lamang sumigaw si Allan.

"Guys!" sigaw niya dahilan upang matuon ang atensyon naming lahat sa kanya.

"Bakit? Anong meron?" takang tanong ko naman bago ibaba ang kinagatan kong turon.

Tumingin siya sa phone niya bago sumagot. "Nag-text sa'kin si Josh. Kailangan natin siyang tulungan, pinapaalis daw sila ng mga kamag-anak niya sa bahay nila ngayon." nag-aalalang saad niya at pare-pareho naman kaming naalarma.

"Ano?!" sabay-sabay naming sabi.

"Shuta, ano pang hinihintay niyo? Bilis, puntahan na natin sila!" sigaw ko dahilan upang magmadali silang iligpit ang mga pinagkainan nila.

Nakita ko pang kumakagat-kagat sa pagkain ang iba. Hindi pa nga ito ubos ngunit itinapon na agad sa basura.

Sayang 'yon!

Nagmamadali kaming lumabas ng cafeteria at tumatakbo papuntang parking lot. Katulad kahapon, dalawang sasakyan lang ang dinala namin. Sumakay na kami sa sasakyan at agad itong pinaandar ni Allan.

Cutting class kami!

Ipinarada mismo ni Allan ang kotse sa tapat ng bahay nila Josh. Nadatnan namin na hinahagis ng mga kamag-anak ni Josh ang mga gamit nila sa labas ng bahay kaya naman dali-dali kaming bumaba ng sasakyan upang tulungan sila.

"Itigil niyo 'yan!" sigaw ko sa mga kamag-anak niya habang tinutulungan sila Josh na pulutin ang mga gamit nila.

Base sa mga kwento ni Josh, grabe nga talaga sila!

"Hoy! Sino ka ba?! Wag ka nga mangielam dito! Usapang pamilya 'to!" sigaw naman sa'kin ng isa sa mga tita niya at napansin kong umiiyak si Joonie. Pinapalayas nila si Josh? Kasama si Joonie? Aba, hindi na sila naawa sa bata!

HIDDEN SEVENDonde viven las historias. Descúbrelo ahora