TB Chapter 21: Neo

40 15 17
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!







Chapter 21

Phia's PoV

Kumakain ako ngayon sa loob ng convenience store habang pinapanood si Neo na nag-aasikaso ng mga nagche-check out sa may cashier.

Tumitingin-tingin siya rito sa pwesto ko habang nagche-check out at nginingitian ko naman siya pabalik. Feeling ko nahihiya siya sakin.

Wala ng masyadong bumibili sa store kaya naman nakitambay rin sa'kin si Neo. "Pahinga ka muna." sabi ko sa kanya sabay bigay ng inumin. Tinanggap niya naman ito at ininom.

"Kamusta ka na? Bakit hindi ka pumapasok?" agad na tanong ko sa kanya. Napatigil naman siya sa pag-inom at ibinaba ang bote sa mesa.

"Kailangan ko kase magtrabaho para sa pandagdag sa pambayad sa school at sa mga gastusin, para na rin sa pangangailangan ng pamilya ko sa probinsya." sabi niya naman at nagtaka naman ako.

"Working student ka?" tanong ko.

"Diba halata?" sarkastikong sabi naman ni Neo at hindi ko na lang siya pinansin.

"Ay oo nga pala, di ba sabi mo may pamilya ka sa probinsya?" pag-iiba ko ng topic.

"Oo, miss ko na nga sila eh." sagot niya naman at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pangungulila. Nagkaroon ng sandaling katahimikan at napawi iyon nang magsalita ulit ako.

"Kwento ka nga, paano ka nakapunta rito sa maynila?" madaldal na tanong ko sa kanya.

Huminga naman siya ng malalim. "Grumaduate ako ng highschool sa probinsya namin last year, hindi sana ako magkokolehiyo ngayon dahil sa dami ng gastusin ngunit gusto kong makapagtapos kaya naman sinubukan kong mag-take ng scholarship at natanggap naman ako. Hindi pumayag si Mama nung una pero pinayagan niya rin ako kalaunan." pagke-kwento niya habang nakangiti pero may lungkot pa rin na hindi maaalis.

"Hindi na rin ako nagdalawang-isip na kunin ang scholarship dahil sagot na nito ang tuition ko at dorm pati na rin yung allowance ko every month. Pero hindi naman 'yon sapat para sa iba ko pang mga gastusin kaya nagpasya akong humanap ng part time job." pagpapaliwanag niya naman at napatango-tango na lang ako.

Ang hirap talaga ng buhay, kung ako ang nasa posisyon niya ganon din ang gagawin ko. Naranasan ko na rin kase ang mga naranasan niya kaya hindi na bago sa'kin ang mga ganitong senaryo.

"Sobrang hirap siguro non para sayo, wag kang mag-alala nandito lang kami. Kung kailangan mo ng tulong, wag ka mahihiyang lumapit samin." nakangiting sabi ko sa kanya.

Naalala ko tuloy ang buhay namin noon simula nang mawala si Papa, nasa junior highschool pa lang ako non kaya maaga kong naranasan ang kahirapan. Hayyss, na-miss ko tuloy si Papa.

Nabalik ako sa reyalidad at napatingin sa cellphone ko nang mag-vibrate ito.

Tumatawag si Kuya!

"Sagutin mo muna." sabi niya at pumunta ng cashier para asikasuhin ang kadarating lang na customer.

Panira ng moment....

Sinagot ko naman ang tawag ni kuya. "Hello, kuya?" mahinahong sabi ko. Mabait tayo ngayon kase siguradong galit na naman 'yan.

["Where the hell are you?!"] sigaw niya mula sa kabilang linya. Sabi sayo eh.

"N-nandito lang ako sa convenience store, bumili lang ako ng pagkain." pagdadahilan ko ngunit nagalit pa rin siya.

"Bakit lumabas ka pa ng bahay?! Pwede namang magpa-deliver ka na lang?!" sunod-sunod niyang tanong at napaisip naman ako. Ang mahal kaya magpa-deliver!

HIDDEN SEVENHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin