TB Chapter 26: Allan

13 8 4
                                    

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!





Chapter 26

Phia's PoV

Nakatulala ako sa kisame ng kwarto habang nakahiga. Hindi ako makatulog, namamahay ata ako.

Naalala ko naman ang nangyari kanina. Grabe, napakasalbahe ng batang 'yon. Hindi ko akalain na nakababatang kapatid pala 'yon ni Allan.

Magkaiba kase sila ng ugali.....

Ang tsismis naman sa akin ni Sir Fred ay ganoon daw talaga ang batang iyon at laging nang-aaway ng kung sino. Wala raw kase ang mga magulang nila kaya laging nagmamaldita sa bahay at feeling niya, siya raw ang pinakamataas kapag wala ang mga magulang, lalong lalo na kapag wala rin ang kuya niya.

Kapag nasa bahay naman ang kuya niya, parang hindi raw makabasag pinggan. Kay Allan lang daw kase nakikinig ang batang 'yon at mas malapit daw ang loob sa kaniya.

Sa tingin ko, kulang lang talaga sa aruga at pagmamahal ang batang 'yon mula sa mga magulang. Hindi na rin ako magtataka kung bakit mas malapit ang loob ng bata sa kuya niya dahil wala naman ang mga magulang nila para alagaan sila.

Napatigil ako sa pag-iisip nang makaramdam ako ng uhaw. Lumabas ako ng kwarto at dahan-dahang tinatahak ang daan papunta sa hagdanan ngunit bago pa man ako makarating doon ay may namataan akong liwanag na nanggagaling sa isang pintuan na nakabukas at sa pagkakaalam ko ay pinto ito ng kwarto ni Allan.

Dahan dahan akong lumapit sa pinto at nadatnang walang tao sa loob. Nagtaka naman ako kaya tuluyan akong pumasok sa loob ng kwarto.

Nasaan kaya si Allan?

Naglibot-libot naman ako sa kwarto niya at napansin ko ang mga litratong nakatayo sa may cabinet. Kinuha ko naman ito dahil sa kuryosidad.

Kitang-kita ko sa litrato ang malalawak na ngiti ni Allan at ng kanyang nakababatang kapatid. Silang dalawa lang ang nasa litrato at mapapansing masayang-masaya talaga sila sa litratong ito.

Ang cute pala ng kapatid ni Allan kapag nakangiti......

"Phia?" tawag ng kung sino kaya naman napabaling sa kanya ang aking atensyon ngunit kaagad akong napatalikod muli nang makitang nakatapis lang siya ng tuwalya.

Wala akong nakita!

"A-Allan, akala ko kase w-wala ka rito sa kwarto mo kaya p-pumasok ako para hanapin kung nasan ka." utal na pagpapaliwanag ko.

Pota ka self, bakit ka nauutal?!

Natawa naman siya bago magsalita. "Naligo lang ako saglit. Grabe ka naman, na-miss mo kaagad ako." sabi niya naman at inis naman akong napapikit.

Grabe na rin 'yang kakapalan ng mukha mo.....

"Psh, pwede bang magbihis ka na lang? Dami mo pang sinasabi." pagkontra ko sa sinabi niya at nananatili pa rin akong nakatalikod.

"Oo na. Eto na po." sarkastikong sagot niya naman.

Naghintay pa ako ng ilang minuto at napagpasyahan ko ng tanungin siya kung tapos na ba siya magbihis.

"Tapos ka na?" inip na tanong ko.

"Oo." sagot niya at humarap naman ako.

Saktong pagkaharap ko ay nagulat ako sa pagmumuka niyang sobrang lapit sa mukha ko kaya naman nagpanik ako at nadulas pa sa kinatatayuan ko dahilan ng pagbagsak ko sa kama kasama si Allan na nakapaibabaw sa'kin.

HIDDEN SEVENWhere stories live. Discover now