TB Chapter 27: Payt

Começar do início
                                    

Umiyak ka na bata.....

"What the f*ck!" singhal niya nang gulatin ko siya. Nakahawak pa siya sa dibdib niya na parang aatakihin sa puso.

Gulat yarn?

"What the hell are you doing?!" inis na tanong niya at natawa naman ako.

"Aba, hindi ko alam na magugulatin pala ang captain ng PIU....." pang-aasar ko at napansin kong naiinis siya.

Iba pala talaga ang feeling kapag ang alaskador na ang inasar.....

"Tsk!" singhal niya ulit at ilang minuto rin ang nagdaan ng pang-aasar ko sa kanya kaya naman napagpasyahan ko ng tumigil.

Baka madagukan pa ako.....

"Didiretso ka ba sa clubroom?" biglang tanong ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin.

Tumango muna siya bago sumagot. "Oo, wala naman practice ngayon kase may meeting sina Coach kaya tatambay na muna ako sa club." paliwanag niya naman at tumingin muli sa harapan.

Napatingin rin ako sa harap at natigil ang paningin ko sa isang bata na nakatayo sa entrance ng building one kasama ang dalawa nitong bodyguard. Kung titignan ay mukang may hinihintay sila.

Nang makalapit-lapit na kami, naaninag ko ang itsura ng bata at gulat na napatingin dito.

Alam niyo kung sino?

Edi yung mabait na kapatid nitong kasama ko.....

Nabaling ang tingin niya sa amin at dali-daling lumapit nang makita kami. Nakabuka ang dalawa niyang kamay habang papalapit at parang nagpapahiwatig na gusto niya ng yakap mula sa Kuya niya dahil nakatingin siya rito.

Napansin ko naman ang ekspresyon ni Allan habang nakatingin sa kapatid niya. Parang nakita ko na yung ekspresyon na 'yon? Hindi ko lang maalala.

Papunta sa direksyon ni Allan si Xandra ngunit nang malapit na siya sa pwesto ni Allan ay bigla itong lumiko sa direksyon......ko?

Wat da.....

Sinunggaban niya ako ng mahigpit na yakap bago magsalita. "Hi, Ate Phia! I've been waiting for you for a while." sambit niya habang nakayakap sa akin.

Pamilyar talaga 'tong scene na 'to.....

"H-hello...." nahihiyang sabi ko at napatingin kay Allan na mukang gulat pa rin sa nangyayari.

Inaasahan niya siguro na sa kanya lalapit si Xandra at katulad nga ito nung nangyari kaninang umaga.

Feeling ko, nagtatanim na ng sama ng loob 'tong si Allan sa'kin.....

Sabagay, ako rin naman kaya quits na kami.....

"Ate Phia, where are you going? Can i come with you?" may halong lambing na tanong niya sa akin.

Hindi mo 'ko madadala dyan.....

"Ahm.....papunta ako ngayon sa clubroom at kung gusto mo sumama....." sambit ko at napatigil saglit. Napatingin naman ako kay Allan na inip na nakatayo sa gilid at bakat sa mukha niya ang pagka-badtrip.

Sa nakikita ko, mukang galit si Xandra sa Kuya niya dahil sa nangyari kaninang umaga. Para sa akin, tama lang din naman ang ginawa ni Allan na pagalitan siya kaso mukang na-misunderstand niya ang ginawa ng Kuya niya.

Hindi ata siya sanay na napapagalitan ng ganoon at dinamdam niya yung mga sinabi ni Allan.

Hayyss, naiipit na naman ako.....hindi ko pa nga natatapos yung problema ko kay Kuya tapos dadagdag pa toh??

HIDDEN SEVENOnde as histórias ganham vida. Descobre agora