Baby, katatapos lang ng training namin. Nakasalubong ko si Celine, and she asked me to have lunch with her. Don't worry. Wala lang to sakin. Uuwi din ako agad after. I miss you na sobra. Catch up soon. :(

After ko masend, inoff ko na ulit ang phone ko at sumakay na sa kotse. At home na at home naman itong kasama ko, nakaseatbelt na at nagpapatugtog pa. Hays.

Hindi naman sa I don't enjoy her company, pero parang ganun na nga. I know we had our past together pero ang tagal tagal na noon and its not like we are the same persons we used to be. Never ko pa nafeel na magbackout sa pagkain, ngayon lang. Sana lang talaga may makasalubong kami na common friend just to lessen the awkwardness.

Sa Jollibee lang ako dumerecho, para mura din syempre tsaka para di kami masyado magtagal dahil madami customers palagi dito. Bumaba na kaming dalawa at dumerecho sa counter. Sabi niya, ako na daw ang bahala sa order naming dalawa, maghahanap nalang daw sya ng upuan sa taas. Umoo na lang ako.

What if, isang burger yum lang ilibre ko sakanya? Joke. Umorder na ko ng Chicken with Spaghetti for her, 2-piece Spicy Chicken and rice naman for me, tapos umorder na rin ako ng isang XL fries and dalawa pang extra rice. Saglit ko lang naman mauubos yun kaya di problema kahit gano pa karami orderin ko.

After ko makuha lahat ng order namin, hinanap ko kung nasaan si Celine. Punong-puno ang lahat ng upuan, after few minutes nang paikot-ikot, finally nakita ko rin siya. Nasa dulo pala siya nakahanap ng upuan. Good for two lang talaga yung table kaya okay narin. Iwas strangers na makikiupo sa table. Dagdag awkwardness pa yun for me.

"Wow, ang dami mong order! Ang lakas mo parin talaga kumain, Deanna." Ngumiti nalang ako at binigay sakaniya yung food niya. "Yieeee, ikaw ha? Alam mo pa rin ang favorite ko dito sa Jollibee." Ha? Favorite niya ba yun? Feeling ko kase ayaw niya ng rice kaya yun ang inorder ko. Ngumiti nalang ako ulit, ayoko naman madisappoint siya pag sinabi kong hula ko lang yun.

Kumain na kami at mukhang mauunahan ko pa siya. Ang bagal. Kung si Jema kasama ko dito, nakarami na kami. Hays. Miss ko na siya talaga.

"Musta si Jema?" Bigla naman ako nagising saking malalim na pagiisip sa bigla niyang tanong. "Okay naman siya, laging busy sa training." Matipid lang ako sumagot habang inuubos ko yung fries, mukhang ayaw naman niya e. May strict diet ata to e.

"Ano kaya feeling mahalin ng isang Deanna Wong?" Napatigil naman ako sa pagkagat ng fries ko. Hays. Gusto ko lang naman kumain ng mapayapa e. Bakit naman may ganung hugot? Malayo naman yung meron kami sa lovers e. Naudlot na agad bago pa naging seryoso.

"Ang weird naman ng tanong mo uy!" Natatawa ko na lang na pagiba ng mood ng usapan namin. "Hindi nga? Bakit nga ba tayo hindi nagwork, Deanna?" Napapalunok na lang ako sa bigat ng mga tanong niya. Mamaya pa yung Kumu with Pongs pero parang nahohotseat na ko agad sa mga tanungan niya. Warm-up ba to?

"ummm, we were too young, I guess? I don't really know and hindi ko naman talaga pinagiisip yun kase for me, we weren't that serious din naman that time." Dahan-dahan kong pagbitaw ng sagot ko sa tanong niya. I don't wanna hurt her naman or anyone else if ever ibang tao tong kausap ko. I just really want this to be over.

Hindi ko rin magets why she acts like ex ko siya or something serious like that kase sa pagkakaalala ko nga e parang ako lang yung interested talaga before. She was like, parang sinasakyan niya lang yung trip ko. Kaya eventually ghinost nalang rin namin isa't isa.

She was so quiet after ng sagot ko. Nasstress na ko. I want to go home. "Tapos ka na ba? Can we go na? I'll drive you na lang wherever you'll go next?" Gusto ko na rin talaga matulog at maghintay nalang sa chat ni Jema.

She just nodded and nagpunta na kami kung saan ko pinark car ko. Ang awkward. For the nth time. Ang tahimik lang ng byahe habang papunta kami sa condo niya. Kahit gusto ko basagin yung awkward silence, I can't think of the words din naman na makakatulong to lessen the tension between us. Hays. Pailang sigh ko na ba to for this day?

Nakarating na kami sa condo niya and tinigil ko car ko sa may entrance, iniintay na lang ang pagbaba niya. Hindi ko mabasa ang emosyon nya ngayon.

"Thank you for this day, Deanna. Finally alam ko na, na this is where I should really stop." She looked at me after saying those words and.. "Thank you din." Yun na lang ang nasabi ko. Para kase siyang naghihintay sakin e. Inalis na niya ang seatbelt niya and akala ko lalabas na siya when I leaned in para isara yung pinto niya nang bigla siyang lumingon ulit and we...

kissed.

Fuck.

Agad akong bumitaw and said sorry. Ang alam ko talaga ay lalabas na siya.

"Its okay. Alam kong hindi mo yun sinasadya. Let's just call it na goodbye kiss mo for me. Thank you again, Deanna." She smiled sadly and lumabas na nga ng tuluyan sa kotse ko. Inalis ko din muna ang seatbelt ko just to breathe. Sumasakit na ang ulo ko sa daming nangyayari. I just want this day to end.

After ilang minuto na nakatambay, nagseatbelt na ko ulit and pinaandar na ang kotse ko. Dumerecho na ko sa condo ko and nagpalit ng damit. Matutulog muna ko. For sure paggising ko, si Ponggay naman ang bubungad sakin. Hays. Ang haba-haba naman ng araw na to. Chineck ko muna ang phone ko at wala paring paramdam si Jema. Nagchat lang ako na nakauwi na ko and matutulog muna. Hindi na ko nag I love you, nakakatampo rin e. Para naman lambingin niya ko mamaya.

Ilang oras din ata ako nakatulog nang narinig ko ang paulit ulit na doorbell sa condo ko. I checked the time, 7:00pm. Siguro si Pongs na to. Antok na antok pa kong bumangon at dumerecho sa pinto. Di ko alam anong itsura ko, bahala na, si Ponggay lang naman to. Binuksan ko na ang pinto habang kinukusot pa ang mata ko.

"Hi baby!!!"

What?

Kinusot ko pa ang mata ko kase baka nananaginip lang ako. Pagmulat ko ulit, siya parin ang nasa harap ko. Nakatitig lang ako habang pinipilit magsink-in sa sarili ko na si Jema nga ang nasa harapan ko nang bigla niya ko niyakap.

"I miss you sobra, Deanna! Sorry for not replying talaga kanina. I really want to surprise you din e. Miss mo din ba ko?"

Si Jema nga.

After nang limang buwan at mga nangyari ngayong araw, mas niyakap ko siya ng mahigpit at siniksik ang sarili ko sa leeg niya.

"Miss na miss na miss na miss din kita, Jema."


A/N: Sorry sa tagal nawala. nagpahinga lang for a while. hehehe. We are now on our 15k reads! Yay! Thank you! Thank you! Sobra kong appreciated lahat. Please keep on supporting me, sobra kayong nagpapakilig sakin. Love you all :)))

Build Me UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon