CHAPTER 35 Hide Out

537 24 10
                                    

Hide Out

LUCID JAZE'S POV

Hindi ko alam kung saan kami patungo dahil naka sunod lang ako sa harapan.

Ang bawat nadaraanan namin ay puro mga matataas na puno ng akasya sa gilid ng kalsada at ang malakas na hangin na sumasalubong sa'min.

Napahawak ako sa tagiliran ko habang ang isang braso ay hawak ng manobela.

"Ayos ka lang?" Si Devin.

Tumango ako at napalunok ng matigas sa sakit ng katawan ko.

Gago kasi yung ungas na umatake sa'kin eh mapayapa na ang buhay ko ako pa naging puntirya.

Biglang tumigil ang mga nasa harapan ng matanaw ko ang abandonadong gusali na lumang luma na ang dating dahil sa naglulumot na pader at spray painting.

Linibot ko ang paningin rito dahil sa mga magagarang bigbike at motor street na naka parke.

Nakapalibot rin ng mga matataas na puno ng manga at akasya ang gusali kaya't hindi mo akalain na may gusali rito.

"Let's go Jaze." Ngiti ni Seven na may mga galos sa mukha.

"Susunod ako." Sagot ko bago ilapag ang helmet sa tank fuel.

Lumingon ako sa pinang galingan namin, halos manlumo ako dahil walang bakas na Chaos ang nasa kalsada.

Ayokong isipin na nahuli siya ng mga polisya kahit na posible yon sa distansya ng takbo ng mga pulis kanina.

"Besprens tara na."

Napalingon ako kay Zahabi na tipid na ngumiti.

"Sad ka ba? Gusto mo ikiss kita na may tunog?" Ngising aso nya.

Sumalubong ang kilay ko at akmang aambahan siya sipa pero mabilis na umiwas na parang bulate.

"Namo ah."

"Hahahaha Joke lang! kadiri." Hagikgik nito.

Ngina neto walang ambag.

"Don't worry, darating si Chaos, papakasalan ka pa non! Yiieeee~" Taas babang kilay nya habang nakangisi.

"Ugok."

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa pang uuto nya bahagyang gumaan ang pakiramdam ko.

"Hahaha tara na gamutin natin ang sugat mo."

Sumunod ako sa kanya papasok sa abandonadong building ng tumungo kami pa akyat habang si Zahavi ay walang tigil sa pag kuda.

"Grabe! hindi ko akalaing ganon ka ka astig besprens!"

Rinig boses nya hanggang sa kabilang buhay.

"Akala ko isa ka lang hamak na dugyot may tinatago ka palang skills hahaha! tapos alam mo ba kanina pinapanood ka ni Chaos!"

Sumalubong ang kilay ko. "Ni Chaos?"

"Oo! lingon siya nang lingon sayo tapos yung mga eyes nya hugis puso, yieee~" Kinikilig na tono nya.

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Where stories live. Discover now