CHAPTER 17 Underground Fight

612 23 1
                                    

Underground Fight

LUCID JAZE'S POV

Pangisi ngisi akong nag iisang naglalakad sa tabi ng kalsada.

Natatawa pa rin ako sa mukha ni Chaos kaninang damang dama ang kanta ni Taylor Swift.

Ang tigasin na si Chaos Khan Swiftie pala?

Hindi ko mapigilang bumulas ang tawa kaya't napapalingon sa'kin ang mga nadaraanan.

Napailing na lang ako sa hangin ng maalala ko yung sinabi ko sakanya kanina.

'Mahal kong kaguluhan' ang nasabi ko imbis na 'mahal na kaguluhan'.

Baka kung anong isipin niya. Namula pa ang pisngi pagkasabi ko do'n.

Parati ko nalang siyang nahuhuling namumula ang pisngi. Mukha siyang tanga.

May oras rin na hindi ko mabasa ang ugali o nararamdaman niya.

Malabo pa siya sa malabo. Mahirap siyang intindihin.

Natigil ako sa paglalakad nang may marinig akong sigawan. Maraming tao sila para bang may liga.

"WOOAAHHH"

"FIGHT! FIGHT! FIGHT!"

"TANGINA 'WAG KANG PAPATALO!"

"BANGASAN MO!!"

"PUMUSTA PA AKO NG LIMANG DAAN!"

"OOOHHHH!!"

"BOBO TUMAYO KA!!"

"YOU FVCKIN' COWARD!"

Pinagmasdan ko kung saan nang gagaling yung sigawan hanggang sa makarating ako sa abandonadong gym na malapit lang rito sa eskwelahan.

Binalot na ng kalawang ang bubong ng court, ang bench na parang hangdan pataas sa gilid ay puno ng spray paint na naka guhit.

Laking gulat ko ng matanaw ko ang sandamakmak na estudyanteng nakapulong at ang iba naman ay nakatayo sa bench habang walang tigil sa paghiyawan.

Liningon ko kung saan sila nakatingin. Kumunot ang noo ko ng mapansin ko ang dalawang menorde edad na nasa kalagitnaan ng laban.

Kahit malayo kita ko ang dugo na umaagos sa noo ng isang bata, sa tingin ko galing sa ibang school dahil iba ang uniporme nya.

Ang isang bata naman at walang masyadong natamong sugat, kapareho ng uniporme nila sa SAHS. Tingin ko 3rd year na sya at ang kalaban nya 1st year pa lang.

Napakamot ako sa kilay. Sa tingin ko dito ang underground fight ng mga estudyante sa SAHS.

Halata naman sa uniporme nila at maraming malalaking puno ang nakapaligid kaya hindi sila madaling mahuli.

Parang kusang naglakad ang mga binti ko patungo sa mga nakapulong. Palakas nang palakas ang hiyawan nila.

"WOOOOOHHH!!"

"SINONG PUPUSTA KAY GIO?!"

"I BET 2,000!"

"5,000 SA'KIN!"

"FIGHT LEE!"

"I'LL FVCKING KILL YOU IF YOU LOSE!"

"C'MON! FIGHT, YOU DUMBASS!!"

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang