CHAPTER 21 Arrival

594 25 7
                                    

Arrival

LUCID JAZE'S POV

"Camille arrived."

Sinong Camille?

"Hmm? When?" Sa tono ng boses tila ba nabuhayan siya.

"Half an hour. She's waiting you at the airport. 12 am na, bro."

Napalunok ako ng matigas. Baka kapatid nya lang.

"She can ask their butler para sunduin sya."

Tila natigilan ako sa sinabi nya. Hindi nya kapatid.

"That's it. I received text from Manong. She doesn't want to leave at the airport hanggat hindi ikaw ang sumundo sa kanya." Ramdam ko ang pagka irita ni Seven.

"But...I can't leave Jaze."

Kumawala ng siya ng bugtong hininga. "Don't worry. I'll take care of her, dude."

Ramdam ko ang pag tayo ni Chaos sa kinauupuan.

"Go get your girl, Chaos."

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig na para bang may bumara sa lalamunan ko kasabay ng pag kirot ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan.

Your girl. Girlfriend ni Chaos.

"Thanks man."

Iyon na lamang ang katagang narinig ko bago siya tuluyang maka alis.




KINABUKASAN tumayo ako sa higaan dahil kahapon pa ako nakahilata sa kama.

Gumaan na ang pakiramdam ko kumpara kahapon.

Salamat kay Doc Kaguluhan.

Pag labas ko sa kwarto halos matunganga ako sa mga pulgas na natutulog sa salas.

Si Zahavi na halos matupi sa walo sa paghiga sa single sofa na baluktot na baluktot ang katawan.

Ang karamihan naman ay nasa lapag na may kanya kanyang pwesto nang sumalubong ang kilay ko dahil ginawa nilang kumot yung takip sa lamesa.

Hahaha! putangina. Anong kagaguhan to?

Pwedi naman sila kasing matulog sa kanya kanyang pamamahay nila nag siksikan pa rito.

"Good morning." Bati ni Seven na nasa kitchen, nag kakape.

"Sup." Kumuha ako ng isang basong tubig.

"Ayos kana ba?"

Matamis akong ngumiti. "Ayos na. Salamat sa luto mong sinigang."

Bigla naman namula ang pisngi niya at napa iwas ng tingin na kunyareng tinitignan ang wall clock.

"Bakit hindi pala kayo umuwi?" Takang tanong ko at nilingon ang mga natutulog.

"Dito muna raw sila until you'll feel better...ang pangit naman kung ikaw lang mag isa rito." Sagot nya bago humigop ng kape.

"Pero bakit buong angkan nyo ata sinama nyo?" Karamihan sa kanila pamilyar ang mukha sa Section namin.

Ibig sabihin hindi sila pumasok kahapon?

"Hahaha 'di naman."

Natigilan ako ng biglang pumasok sa isip ko si Chaos. Ano, nasundo na ba ang baby baby sun and moon niya?

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Where stories live. Discover now