CHAPTER 23 Voughn

667 21 17
                                    

Voughn

JAZE'S POV

Naka upo ako sa pwesto ko pansin kong panay lingon ng mga kaklase sakin simula pag balik ko rito.

Tumalikod ako para kunin sa bag yung proyo na bigay ni Seven nang mahagip ko ang malamig na titig ni Chaos, kagat kagat ang daliri para bang hindi mapakali na may gustong sabihin.

Hinayaan ko nalang siya't hinablot ang headset at bumalik sa harapan ang tingin.

Bigla akong natigilan nang i play ang music.

(Now playing: Ulan - Cueshé)

Sa kabila ng lahat ng aking pagsisikap
Na limutin ka ay di pa rin magawa♪

Hindi naman ako tanga
Alam ko nang wala ka na♪

♪Pero mahirap lang na tanggapin
Di na kita kapili----

Mabilis kong ni-next ang kanta.

Tangna biglang lumungkot pakiramdam ko ah.

(Next song: Taylor Swift - Wildest Dream)

He said, "Let's get out of this town
Drive out of the city, away from the crowds"

Sandali akong natigilan nang mapangiti na lang bigla nung may maalala ako.

Taylor Swift. Si Kaguluhan.

I thought Heaven can't help me now
Nothing lasts forever
But this is gonna take me down♪

Sumandal ako sa silya at linakasan ang volume ng music.

"He's so tall and handsome as hell."

Hindi ko namalayang napapasabay ako sa kanta.

♪Say you'll remember me
Standing in a nice dress
Staring at the sunset, babe♪

Napalundag ako nang may biglang may humila ng headset ko sa tenga.

"Red lips and rosy cheeks! Say you'll see me again even if it's just in your~" Si Zahabi!

Huminga siya ng malalim nang..."WILDEST DREAMS! AH-AHH! HAAA!!"

Sumabog sa mukha ko ang hininga niya habang siya humahaba ang leeg na halos pumutok na yung ugat.

"WILDEST DREAMS AH-AHH! HA---ACCKK!" Biglang hinablot ni Tres ang lukuran ng polo niya dahilan ng pag igting nya sa leeg.

"A-ARAAY!! Nubaaa!"

"Tss, amoy namin hininga mo." Tamad na usal ni Miles.

"Hahaha! Tigil kana Zabi." Si Tres.

Pagbitaw nila sa shirt parang bata itong si Zahavi na hinarap sila.

"Nag toothbrush naman ako tangina nyo!"

"Ang sabi tawagin mo Besprens mo hindi sabayan sa soundtrip niya." Si Cash naman.

"Eh nag le-leak yung sounds sa headset niya." Nguso nya. "Besprens gusto mo bili kita bagong headphone?"

Tinignan ko sila ng may pagtatakhang tingin, sila naman ay gumagawa ng lupong sa pwesto ko.

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Where stories live. Discover now