CHAPTER 25 Stroll Rides

564 25 4
                                    

Stroll Rides

LUCID JAZE'S POV

Pag labas ko sa bahay mabilis kong ni lock ang pinto. Ni check ko na rin kung may nakabukas na bintana at mga nakasaksak na outlet.

Pansin kong nakatingin lahat sila sa'kin pag harap. Para bang ang kupad kupad kong kumilos.

Binigyan ko sila ng nagtatakhang tingin bitbit ang helmet ko nang magatama ang paningin namin ni Chaos.

Ang mga hangal nanaman kanya kanyang nakasakay sa mga bigbike at streetbike nila at ang karamihan hindi ko kilala pero pamilyar sakin.

Tinignan ko isa-isa ang mga bigbike nila. Ang a-astig nilang tignan.

"Why so pretty?" Ngiti ni Seven na nakatayo sa tabi ng Harley davidson.

"Matik pag ma angas ka." Ngisi ngisi ko.

"Hahaha! You should wear jacket, mainit."

"Hindi na."

"You sure? baka umitim ka." Bahagyang syang yumuko.

Tumango ako at ngumiti sa kanya nang bumulas ang malakas na hiyawan ng mga hangal na nanonood pala sa amin.

"Yieee!"

"Kaya naman pala parati nang naka ngiti si Seven these days!"

"Girlfriend mo boss?"

"Kiss kiss!"

"Ayieee~"

"Kasalan na ba to bossing?!"

"Bagay kayo! Big and small!" Dinapuan ko ng blankong tingin kung sino man ang hayop na sumigaw na 'yon.

"Yieeee may nagseselos sa sulok!" Banat ni Zahavi.

Napakamot ako sa ulo sa sigawan ibang miyembro ng Fibonacci Gang dahil pamilyar silang lahat.

"Don't mind them." Namumulang tenga ni Seven.

"Tapos na ba kayo?" Napalingon kaming lahat kay Chaos na naka sandal sa kotse habang cross-arms.

Kineling ko ang ulo ko sa loob ng kotse nang makita ko si Camille na may pinapahid sa mukha kaharap ang salamin.

Kasama pala siya. Buti naman.

"Uhh.."

"Hoy tomboy!" Napalingon ako kay Miles na naka Raptor na kulay itim na may mga gamit sa likuran.

Naka shades pa habang nakatali ang buhok. Ngayon ko lang pansin may hitsura pala ang hangal. Malakas rin ang dating niya parang si Chaos.

"Saluhin mo pag mamahal ni——" Hinagis nya yung suot na shades sakin, buti nasalo ko. "Mag shades ka. Diba mahina 'yang mga eyes mo sa araw? Suot mo 'yan."

"Hi Lucid!" Ngising dungaw ni Tres sa bintana.

Kanina lang naka motorsiklo mga to ah. Papaanong naka palit ka agad ng sasakyan.

"Salamat dude." Tumango ako at sinuot ang shades bago tumungo sa motorsiklong regalo ni Justin.

"Dyan ka sasakay besprens?"

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Where stories live. Discover now