CHAPTER 10 (0.2)

671 34 13
                                    

Rumors 0.2

LUCID JAZE'S POV

"Ako?" Takang tanong ko.

"Oo. Noong nakaraang araw na wala ka, nabalitaan namin na nasa Hospital ang 3rd Division Captain ng Son of Anarchy. Sa pagkakarinig ko malala ang naging lagay nya." Sumalubong ang kilay ko. "Knock out pa rin hanggang ngayon."

"O tapos? Anong kinalaman ko don?"

Pinagbibintangan ba nila ako ang may gawa non sa kanya?

Tss, kung ako man 'yon 'di lang hospital ang bagsak niya.

"Alam mo naman siguro ang Division Captain sa bawat Gang 'no? Hayst paano mo nga pala malalaman eh wala ka naman alam sa mga bagay na ganyan." Dagdag pa nya at kumamot sa kilay.

"Wala nga." Pa inosenteng sagot ko. "Sinong 3rd Captain na sinasabi mo?"

"Yung lalaking sinubukan kang pakainin ng patay na daga sa Cafeteria."

Bahagya akong nagulat sa sagot nya.

Ahh. 'yon.

"3rd Division Captain yon. Ang sinasabi ng iba ikaw ang may kagagawan ng nangyari sa kanya." Halata sa boses nya ang pagkainis.

"Ako? eh hindi nga ako makalakad nang maayos sa ankle sprain ko."

Wala akong oras sa ganong bagay, tangina bakit hindi na lang ako nanood ng anime.

Pinatong nya ang mga paa sa ibabaw ng lamesa."Ayun na nga eh. Ikaw ang pinupukaw nila tsaka imposibleng mapatumba mo ang isang Captain eh isa ka lang naman hamak na dugyot."

Hinigpitan ko ang pagkasabunot ng buhok kaya napasigaw siya sa sakit.

"Ahh! Aww! Sorry na!" Tinali ko na ang buhok nya.

Humarap sya sakin at namilog ang mata ko dahil sa sobrang gwapo nya pero ang tutulis ng kilay.

"Jaze. Hanggat maari 'wag ka munang lumabas labas dito sa classroom."

Bigla akong nakaramdam ng kaunting kaba sa tono ng pananalita nya. "Bakit?"

"Hindi matatahimik ang buong Gang ng Son of Anarchy hanggat hindi sila nakakaganti sa may gawa non sa 3rd Division Captain nila lalo na isa ka sa mga suspek." Usal nya at nag iwas ng tingin. "Baka nga matagpuan naming pa lutang lutang ang katawan mo sa dalampasigan at ayokong mangyari sayo yon!"

Mabuti naman pala ang ugali nya kahit may pagka masungit.

Napangiti ako at parang pinisil ang puso ko. Nag aalala ba sya sakin?

"Kahit na nakakainis ka ayoko pa rin m-mapahamak ka." Inis na sabi ng biglang lumungkot ang mukha. "Ayoko ng maulit ang nangyari noon kaya...poprotektahan kita tulad ng hindi ko nagawa sa kanya." Yukong usal nya.

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Where stories live. Discover now