CHAPTER 30 Celebration

550 26 38
                                    

Celebration

LUCID JAZE'S POV

Pagtapos kong magbihis mabilis akong makaramdam ng gutom. Alak lang laman ng sikmura ko kagabi.

Nagugutom nako.

Nakasalubong ko sa hallway si Sibin rito sa second floor na naka pangtulog pa din.

Halatang kakabangon niya lang pero ang gwapo niya pa rin. Messy hair, sobrang pula ng labi at glass skin ang pisngi.

Napaka unfair kapag ako ang gigising mukha akong lantay na kangkong.

Napangiti siya nang magtama ang paningin namin. "Good morning, birthday girl."

"Good morning." Hindi ko maiwasang mapangiti.

"How's your sleep?"

"Ayos naman na. Ikaw?"

"Good. Have you eaten breakfast? Don't forget to drink medicine for a hungover." Halata ang pag aalala niya.

Para naman pinisil ang puso ko. "Salamat. Sumabay ka ng mag breakfast."

"You're inviting me----to have breakfast with you?"

Nagsalubong ang kilay ko. "O-Oo. Bakit, big deal ba 'yon?"

Lalo siyang napangiti. Ang ganda at puti ng ngipin niya. "I'm good with that. Tara?"

"Hindi kana magbibihis?"

"No. Ayokong naghihintay ka." Halos mapunit na ang labi niya sa kakangiti. Ayos lang ba siya?



Pagbaba namin sa 1st floor rito sa Dining Room, bumungad ang karamihan na naka birthday hat, natatambunan sila ng usok ng Vape habang si Zahavi naman ay may dalang Cake.

Ka agad kong napansin na parang may kulang sa kanilang pito. Wala si si Chaos.

"GISING NA SI BESPRENSSS!" Sigaw niya pagkita sakin.

Halos maglaway ako sa mga naka hapag na pagkain sa pahabang lamesa na tila may fiesta. Sa isang sulok napansin ko yung malaking tarpolin na may naka sulat na "Rest In Peace Pandak" na may letrato ako na nakanganga habang tulog.

Sa isang letrato naman nakatayo ako habang problemado ang mukha na may pakpak sa likuran at ang background ay hagdan patungo sa kalangitan.

Put---- dino-dog show ako ng mga hayop na 'to ah.

Binigay ko ng nakamamatay na tingin si Zahabi dahil alam kong siya ang may pakana nito.

"Happy Birthday!!"

"Hapibetday Besprens!!"

"Pibirthday Lucido!"

Happy beer day Lil sis!"

Masiglang sigawan nila.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa sayang nararamdaman ko kahit medyo may sama ng loob sa letrato ko sa gitna.

"♪Happy happy happy birthday! sayo ang inuman, ikaw ang pulutan!" Kanta ni Atreus na nagpalaki ng butas ng ilong ko.

Malakas na batok ang natanggap nya sa mga ungas.

"Tangina mo Atreus."

Biglang nagpagitna si Tres. "Game! Game! 1 2 3!"

"♪Happy Birth-day Happy Birth-day...Happy-Birth-day toooo...youuuu~♪"

Pasyon ba to tangina?

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Where stories live. Discover now