CHAPTER 2 Decision Making

925 43 40
                                    

Decision Making

LUCID JAZE'S POV

"Sino ka ba sa tingin mo para utusan ako?"

Namumula nga ang pisngi niya.

Nag iwas siya ng tingin bago mag clear throat at matikas na tumayo sa harapan ko.

"Wh-What the hell did you say?"

Oh, bakit ka nauutal pre?

Napa smirk na lang ako bago bumalik sa pag-upo.

Kung siya nga ang Boss rito hindi siya magdadalawang isip na dapuan ako ng kamao kahit pa babae ako.

Napansin kong papalapit si Facemask sa gawi namin.

"Chaos, let her stay until tomorrow."

Natigilan kaming lahat nang magsalita si Sir.

"Tapos na kayo? Can we continue to our discussion?" Kaswal na wika ni Sir Nozel.

Ramdam kong dinapuan muna ako ng tingin nung si Chaos bago naglakad patungo sa likuran.

Napabugtong hininga si Sir. "Why won't you let her stay, Chaos? Baka sa susunod na araw may crush kana kay Ms Toledo."

Bumulas ang malakas na hiyawan nilang lahat na may halong kilig maliban kay Kaguluhan.

"Yuck. Kadiri." Rinig kong sabi ni Chaos.

Kadiri ka rin, pakyu.

"Haha! Balik sa discussion."

"Ano nag kiss ba kayo Besprens?!" Nakangising kabayo ni Zahavi sa tabi ko.

"Hehe, kita mo namula pisngi ni Bossing?" Sabat nung isa na hindi ko kilala.

Mabilis na nagsalubong ang kilay ko. "Hindi, nagtama lang ilong namin."

Ang tangos kasi ng ilong niya.

"Weh?! Sayang naman!" Nguso pa. "Buti 'di ka tinakot dahil siguradong mapapalayas ka pag binully ka niyan ng may pagmamahal." Ang lakas ng tama. "Ayieee~ shetty."

Hindi ko na lang siya sinagot at deretso ang tingin sa harapan.

Ang daldal.

"Hayst! Buti na lang talaga! Sabagay, buong pagsasama namin ni minsan hindi ko siya nakitang nanakit ng babae."

Napalingon ako kay Zahavi. Nakangiti lang siya habang nakatuon ang paningin sa harapan at nagkukunwaring nakikinig.

"Makikita mo lang ngumiti yan kapag komportable siya sa isang tao." 

Lumingon ako sa likuran kung saan nakaupo yung si Chaos.

Nasa kaliwa nya si Facemask sa kanan naman si Seven yung SSG President.

Nagulat ako nang biglang siyang lumingon pero hindi ko pinahalata baka bawas angas ako.

Yung mga mata nya parang mukhang inaantok palagi, ang pupungay.

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora