CHAPTER 6 Ankle Sprain

754 34 4
                                    

Ankle Sprain

LUCID JAZE'S POV

Tangnang first day yon.

Unang araw pa lang minahal ko na siya~

Sa totoo lang na babadtrip na ako sa mga hayop na estudyante sa SAHS.

Eskwelahan ba yon o hideout ng mga sindikato?

Kahit ganon paman, hjindi ko alam bakit naisipan ko pang pumasok sa kabila ng nangyari sa mga nakaraang araw.

Nasa gate na ako ng matanaw ko ang mga paparating na bigbike sa 'di kalayuan.

Ang lakas ng tambutso nila naka muffler kasi.

Halos mamilog ang mga mata ko sa aastig ng bigbike nila. Yayamanin.

Nakapagtataka lang, wala si Chaos at Seven.

Nangunguna kasi ang dalawang kambal tas yung iba hindi ko kilala na nasa likuran. Mga lima sila.

Ang seryoso ng mukha nilang lahat parang susugod sa gyera maliban kay Zahavi na palaging nakangiti.

Bomba nang bomba ampota. Yabang.

Lahat ng estudyanteng dumadaan pinagtitinginan sila lalo na yung mga babaeng mukhang dumadayo pa rito na kinikilig na parang bulate sa tabi at yung mga ibang lalaki ang sasama ng tingin na para bang may puot at hinagpis sa buhay.

Naglakad na ako papasok ng may marining akong boses na sumisigaw at pumipiyok pa.

"Lucido~"

"Hahaha hindi ka pinansin tol"

"HOY BUNOT!"

"MJ TAWAG KA NI ZAHAVI!!"

Lumingon ako sa likuran. Pag lingon na agaw ng paningin ko si Seven na naka Harley Davidson kaya lalo siyang nagmukhang bad boy at si Chaos na...

Naka folding bike? Na kulay light Pink?!l

"Fvck, wala na bang mas bibilis dyan?" Inip ni Seven habang hinihintay si Chaos na pumapadyak sa folding bike.

"Haha tara race tayo! Ang talo manlilibre ng donut." Hamon ni Chaos.

Nakakalaglag ng ngalangala ang ngiti ni Chaos pero hindi ako maka get over sa bike nyang maliwanag pa sa kinabukasan ko.

Sobrang light pink kasi at may basket pa sa harapan na mukhang pangbabae.

Lahat ng tropa nya naka Yamaha 1000cc r1, Kawasaki, ninja 400, BMW at Ducati pero yung leader nila naka bike na may basket pa sa harapan.

Ibang klase 'to.

"Kaya pa ba President? Hahaha!" Yung si Cash.

"Hahahaha bilisan mo President!" Tumawa silang lahat kaya sumibangot si Chaos.

"H'wag nyong maliitin ang Racing bike ko." Naka-pout na sabi nya.

Naniniwala na ako sa sinabi ni Facemask number two na isip bata 'to kapag tropa kaharap. Bawas angas.

"Hahaha Folding bike lang 'yan, Chaos! Folding bike!"

Lalong lumakas ang halakhak nila habang nakaupo sa kanya kanyang bigbike.

"What way do you want to die, Cash?" Biglang nagseryoso ang mukha ni Chaos at dinapuan ng nakamamatay na tingin si Cash.

"H-Hindi ka naman ma joke Chaos!" Natatawang sabi ni Cash kuno pero mukhang natatae sa tawa.

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Where stories live. Discover now