CHAPTER 7 Levi

735 33 5
                                    

Levi Ackerman

LUCID JAZE'S POV

"Anyway, my name is Levi." Pakilala nya.

Ang daldal pala nya pero mas okay na 'yon. Ang awkward kung karga karga ako tapos walang nagsasalita sa amin.

"Ahh Levi." Pronounce ko sa pangalan ni Levi Ackerman.

(*Pronunciation: Levay)

"It's LeVI Haha, I guess you watch anime also."

Tumango ako. "Matanong ko lang. Bakit ang dami mong tattoos sa katawan?" Linakasan ko na ang loob ko.

Hindi naman siya mukhang siraulo tulad nina Chaos at Seven kung wala lang syang piercings sa magkabilang tenga.

Akala ko magagalit siya sa tanong ko. "Haha! May sarili kaming Tattoo shop nearby. Nakita mo pala hehe. That's embarrassing."

Namula ang tenga niya. Kagatin ko kaya?

Karga karga pa rin ako ni Levi ackerman sa likuran nya ng tanaw ko sa 'di kalayuan ang ibang kaklase na mukhang nag basketball.

Nangunguna na don si Zahavi at Zerin lalo na si Chaos at Seven na hindi maipag hihiwalay ang pwetan.

Halos ibaot ko ang mukha ko sa batok ni Levi.

Nakakahiya kung makita nilang ganito ang sitwasyon ko dahil sa katangahang taglay ko.

"J-Jaze, 'w-wag mo masyadong idikit ang mukha mo sa leeg ko." Liningon ko si Levi na sobrang pula ng tenga nya.

"Sorry."

"Uyy si Levi!"

"May kargang babae?!"

"Nakabingwit ng bebot ah!"

"Tanga isa lang ang babae sa school"

"LOH! SI BESPRENS!"

Rinig kong sigaw ng kaklase pero nangingibabaw ang boses ni Zahavi.

Halos manlumo ako ng magtama ang paningin namin ni Chaos at Seven na salubong angv kilay ng dapuan ako ng nakamamatay na tingin ni Chaos.

Tss. Ano na naman ginawa ko?

"What happened to her?" Tanong ni Rin.

"She got injured. Ankle sprain." Sagot naman ni Levi.

"Ehh?! Paano naman na injured si Besprens? Tinulak mo 'no? Alam kong may sama ka ng loob sa kanya." Dilat matang pagbabanta nya kay Levi.

"What?! Why would I do that?" Kabado bente ni Levay.

"Kanina pala may lalaking nag aya kay Lucid na lumabas." Ngisi ni Miles.

Bakit kailangan nyang isabog sa usapan?

"Eh?! Talaga Besprens? May nanliligaw na sayo?" Tanong ni Zahavi.

"Tss!" Napalingon ang lahat kay Chaos. "Sino naman ang manliligaw sa pangit na 'yan?"

Binigyan niya ako ng panlalait na tingin at pinaikot ikot ang bola sa kamay.

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Where stories live. Discover now