CHAPTER 3 Warning

814 41 9
                                    

Warning From Zerin

LUCID'S POV

Habang naglalakad ako sa hallway hindi ko maiwasang kabahan dahil pansin ko ang maiinit na matang nakasunod sa'kin at walang room na hindi maingay at nagkakagulo.

May nadaanan akong room kanina na nag sisigawan at naghahagisan ng silya.

Napaka tarantado ata ng mga estudyante rito.

Natigilan ako sa paglalakad ng may grupo ng lalaki na humarang sa dinaraanan ko.

Ito yung mga lalaki nakatambay kanina sa Bench na tumawag sa'kin.

May tattoo siya sa leeg na anghel na may sungay at may piercing sa ilong at labi.

Nakakatakot ang mukha nya dahil sa mga tattoos sa katawan ngunit nangingibabaw ang pagiging magandang lalaki dahil sa ganda ng hubog ng katawan niya.

Ano kayang nangyari sa kanya bakit naging ganyan ang kahihinatnan ng buhay.

"Are you lost, darlin'?" Nakangisi at kinagat ang labi

Napaurong ako sa kinatatayuan ko.

"Natatakot ka ba sa'kin?" Humakbang siya sa harapan ko at pilit na hinahawakan ang pisngi ko.

"H'wag mo akong hawakan." Diin na sabi ko.

"Wanna play with me? Saglit lang tayo. Just one round, please?"

Nangilabot ang buong katawan ko sa sinabi. Napaka hayop.

Napasinghap ako ng hawakan nya ang balikat ko at dahang dahang hinaplos patungo sa braso.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan.

Sa paraan pa lang ng tingin niya para na akong hinuhubad sa isipan.

"Sabi ng h'wag mo akong hawakan!" Mabilis kong tinabing ang kamay nya at buong pwersang sinapak ang pisngi nya.

Napaungol sya sa sakit nang mabilis na tumakbo  sa likuran ko ang mga kasamahan nya para hawakin ang magkabilang kamay ko.

"Bitawan nyo ako!" Sobrang higpit ng pagkahawan nila sa kamay ko. Halos mabali ang buto ko.

"Tarantado ka! Anong karapatan mong----urgh!"

Sa isang iglap nabaluktot ko ang braso niya at sinipa ang kanyang binti.

Tsh, mahina.

Pansin kong biglang nagsilapit ang mga estudyante para makinood, mukhang nasisiyahan sila sa nangyayari at wala silang balak na umawat.

Biglang tumawa ng malakas ang lalaking sinapak ko at pinunas ang dugo sa labi.

"You're brave, interesting. You can be my Queen of Street gang."

Napaurong ako ng bigla niyang ilapit ang mukha nya sa tenga ko.

"You look tasty." Bulong niya.

Nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan at tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang halikan niya ang tenga.

Kusang gumalaw ang katawan ko upang itulak siya ng malakas.

Binigyan ko sya ng nakamamatay na tingin pero nginisian lang ako.

Hindi na ako nagsalita pa dahil alam kong mahirap kumausap sa mga gagong walamg katinuan sa isip.

Dumeretso na lang ako sa paglalakad at aksidenteng nabangga ang braso niya.

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Where stories live. Discover now