CHAPTER 14 The Prey

643 29 8
                                    

The Prey

LUCID'S POV

Hindi ako makapag focus sa discussion dahil sa kwento ni Chaos.

Stepsister nya si Hazel na ex-girlfriend ni Seven.

Bakit ba hindi ko naisip 'yon?

Kaya pala sakay ni Chaos yung bike na 'yon sigurado akong naalala niya yung kapatid niya.

Hindi naman halata na may pakealam 'tong si Chaos sa kapatid niya.

"That's all for today..." Napangisi ako. "Let's continue the discussion tomorrow, good day."

"Good day Ma'am!"

"Yes! Tapos na rin!"

"Men, gising na"

"Loko tulog ka nang tulog sa klase"

"Gisingin mo si Zahavi"

Napailing ako sa mga katabi ko. Buong klase ng history subject natutulog lang sila.

Baka mahawa ako sa katamaran nila.

Maya maya lang ay pansin kong wala pa si Ma'am English kanina pa. Late na ng 20 minutes.

Sumalubong ang kilay ko ng makita kong derederetsong pumasok sa classroom iyong bang humarang sakin na may tattoo sa leeg kasama ang mga bata nya na naka pamulsa, ang datingan nila para ba silang nag hahamon ng away. Akala mo kung sino.

"Hoy! Sinong may sabing pwedi kang pumasok"

"Yabang"

"Hindi ka ba marunong mag paalam"

"Chaos, you have visitor"

Galit na sigaw nilang lahat sa kanya pero ngumisi lang sya.

Sa t'wing nakikita ko ang mukha nya kumukulo ang dugo ko dahil sa pang babastos na ginawa nya sa'kin.

(*Sa Chapter 3)

Linibot nya ang paningin sa kabuuan ng classroom, nanigas ako sa kinauupuan ko ng dumapo ang mga mata nya sa'kin at ngumisi na parang may balak na namang gawin.

"So you're here."

Binigyan ko siya ng masamang tingin ngunit naglakad pa rin siya palapit sa'kin nang iharang ni Zahavi ang sarili sa harapan ko.

"I heard what you've done." Nakangiting sambit nya ngunit bakas sa tono ng pananalita ang pagkainis. "Do you want to die, you jerk?"

"Hahaha! Why you are so pissed off?" Sakristong tono. "She's my woman though."

Kumuyom ang kamao ko, nangangati ang kamay kong sapakin muli ang mukha niya.

"Lay your filthy hands on Lucid and I'll make your ass miserable." Hindi ko kita ang mukha ngunit ramdam ko ang inis sa pananalita.

Napalunok ako ng pansin ko ang pag iiba ng awra sa loob ng klase.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kauting kaba kay Zahavi.

Si Zahavi ang tipong hindi mabilis magalit at hindi seryoso sa buhay.

Sa ngayon hindi ko alam kung galit ba sya o ano.

Fibonacci Gang Book #1 (Under Revision)Where stories live. Discover now