Chapter 45

64 8 1
                                    

"God. You should go back! Tell him his mother were in the hospital right now! Your Tito's said that Dave's mother are under medication due of his heart attack. My God this is bad. I will go home. We're going home. Wait for us there."

Hindi ko namalayan na naliligo na pala ako at nagbibihis ng wala sa sarili. Basta ang alam ko kumikilos ako pero ang isip ko tinangay na ng balita ni Mommy.

"Shane, are you okay?" Hindi na nakayanan ni Bianca at nagtanong na. Hindi na ako magtataka kung may napansin siya.

Napakurapkurap ako bago siya binalingan mula sa pagb-blow dry ng buhok. "Huh?"

"You're spacing out. What happened? Did tita said something?" May pag-aalala niyang tanong. Saka ko lang naproseso ang mga sinabi niya.

"Bad news." I trailed off. Mas lalong bumakas ang pag-alala niya kaya hinawakan niya ang kamay ko. Sila kuya Luke ay lumabas muna para tingnan kung may breakfast na. Si manager wella ay busy sa laptop.

"What?! Is tita okay? What happened?" Tarantang sabi niya. Bumalik na naman sa utak ko ang mga nalaman kong balita. Shit I have to tell this as soon as possible.

"It's about Dave's mother." Panimula ko habang humuhugot ng hininga. Nakita ko siyang natigilan bago ako ulit tiningnan.

"Ha? What about Dave's mother? What happened exactly?" Nalilito niyang ani.

"Sh-" naputol ang sasabihin ko sana ng bumukas ang pinto at iniluwa niyon sina Fen. Dumiretso sa akin si fen kaya tiningnan ko siya.

"Hey. Dave's looking for you. He's asking where you are? Why Shane? Are you going somewhere with him?"

Napasapo ako sa noo ng maalala kong sabay pala dapat kaming magbe-breakfast. At saka sasabihin ko ngayon sa kanya.

"Dito lang kayo. Aalis muna ako. Babalik din ako." Tumayo ako at pumunta ng pinto. Pinuntahan ko ang kwarto ni Dave para makausap siya. His mom needs him. He should be there.

"I thought you're not going. Here, let's eat."

Sinalubong niya ako pagpasok ko sa kwarto niya. Nakita ko sa side table ang in-order niyang pagkain. Omelette, ham, hotdog, sunny side up egg. Tumikhim ako bago lumapit sa kanya. Umupo ako sa harap niya. Habang ginagawa ko 'yon ay pinapanood niya ang galaw ko.

"Eat." Inimwestra niya ang pagkain. Hindi ko alam kung uunahin ko ba ang pagkain o ang sasabihin sa kanya. Pero kasi baka...

"Dave let's talk first..."

"Let's eat first. I don't want you to be hungry." Inunahan niya ako. Napanguso na lang ako bago nagsimulang kumain. Kumain kami ng tahimik at mga kalansing lang ng kutsara at tinidor ang maririnig.

Uminom ako ng tubig pagkatapos at pinunasan ang bibig. Nakita kong patapos na rin siya kaya hinintay ko bago ako magsalita. Tiningnan ko ang kabuoan niya at napansing kakaligo niya lang rin at nakaayos na. He's wearing his white T-shirt at black shorts. 

Napatikhim ako ng maabutan niya ang tingin ko kaya iniba ko ang tingin papunta sa labas ng bintana.

"I'm done..." si Dave. I look at him to talk to him. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Dave your mother..." I lead-off. Nakita kong kumunot ang noo niya. He lean his back.

"What about it? Did Mom contact you?"

"No it's not. You must check your phone. Mom tell me about your mom condition." Saad ko habang pinapanood ang reaction niya. Nataranta siya ng kaunti kaya napatayo siya at hinanap ang phone niya.

The Love Of FateWhere stories live. Discover now