Chapter 23

212 27 1
                                    

                         DAVE'S POV.

"Bro ano ba ginagawa mo dito? Lunch na ah?"

Tiningnan ko kung sino ang nagsalita. It's Mack. My bestfriend since primary school. Nandito ako sa likod ng classroom namin. It's been two weeks since the incident happen at medyo nakakarecover na rin. Kaya ngayon bumalik na rin ako sa pag-aaral.

Wala sana akong balak dahil mamimiss ko lang siya dahil bawat sulok ng school maalala ko siya pero hindi ko sisirain ang pangarap ko dahil balang araw mahahanap ko rin siya. Gagawa ako ng paraan para maging succesful at makita ko siya. Hihintayin ko ang pagbabalik niya. Kung ito ang sakripisyo ng pagpayag ko na magpagaling siya sa New York siguro kaya ko ring magsacrifice ng oras para mahintay siya at magkasama kami ulit. At sana sa panahong iyon ako ang hinahanap niya. Ako pa rin ang taong mahal niya. Ang lalaking hanap niya.

Lunch na pero ayaw kong sumabay sa kanila mag eemote lang ako doon dahil naalala ko lahat ng memories namin do'n.

           

"Kumain ka na babe" sabi ko ng ibigay ko ang lunchbox niya. Nandito kami ngayon sa favorite spot namin sa canteen at its lunch na.

"Ano ba kasi 'to?" Sabi nito ng ilapag ko sa harap niya. Nagtatakang tiningnan niya ako bago binalik ang tingin sa lunchbox.

"That's your favorite" sabi ko dahil hindi niya pa rin binuksan. Nagulat siya.

"Oh adobo?" She smiled widely at me. Masaya siya kapag favorite niya ang nakakain niya. I can see in her eyes how much she excited to taste it.

"Yup so eat up. I know you'll like it" tangong sagot.

"Oh thank you so much babe" sabi nito at tumayo bigla. Nagtaka ako ng una pero namula ng hindi ko inaasahan na may dadamping malambot sa pisngi. I bit my lowerlip to hide my smile kahit namumula na ako sa kilig.

           

"Hoy baliw!!" Napabalik ako sa realidad ng sigawan ako ni mack sa tenga. Tenga mismo, mismo,MISMO. Napatayo ako dahil do'n at walang sabing binatukan ko siya ng malakas. Muntik pa siyang masubsob kung hindi niya lang nabalanse ang katawan.

Pfttt

"Ano ba!!" sigaw ko habang nakasimangot. Bwesit na 'to plano ko na sanang mag-isa pero nandito na namang maingay na 'to.

"Arayy!!" daing niya. Sinamaan niya ako ng tingin kaya nakipagsamaan din ako ng tingin. Bumuntong-hininga na lang ako bago sumalampak ulit ng upo. Tumayo naman siya sa harap ko na nakapamewang.

"Ano ba kasi ang ini-emote emote mo ha!?" Sigaw nito sa mismong mukha ko. Mukha ko talaga.

"Ano ba! Naririnig kita kaya hindi mo na kailangan isigaw sa mukha ko. Iyong laway mo tumatalsik!" sigaw ko sabay hilamos sa mukha. Bwesit to.

"Kasalanan yan ng laway hindi ako. Sinigawan lang kita pero hindi ko sinabing tumalsik siya. Sisihin mo ang laway hindi ako" sambit niya.

My brows furrowed in confusion. What the hell?! Padabog akong tumayo at iniwan siya. Tsk. Bwesit talaga ang lalaking iyon. Imbes na makapag emote iniinis ako. Damn.
Narinig ko pang sinisigaw ang pangalan ko.

"Hoy dave! Wag mokong iwan dito. Ikaw na nga dinadamayan iniwan ka pa. Haystt ang buhay nga naman parang life." dugtong pa nito. Tanga talaga ng lalaking 'to. Bakit ko nga ba naging bestfriend itong bwiset na 'to?

Sa sobrang inis ko hindi ko na namalayan na may nakabunggo akong babae. Nabitawan niya lahat ng libro na dala niya. Napaupo agad ako para pulutin lahat ng libro niya nakakalat ngayon. Naagaw tuloy namin ang atensyon ng mga dadaan. Tapos na ata ang lunch. Pagkatapos ko pulutin inabot ko sa kaniya na hanggang ngayon ay nakatayo lang.

"I'm sorry miss. I'm sorry talaga. Hindi ko napansin. Sorry" paumanhin ko. Namula siya kaya dali dali niyang kinuha ang libro. Inalalayan ko pa baka kasi hindi niya kaya andami pa naman. Ang kakapal pa. Nasa dalawa ang makapal apat naman ang maninipis.

"I-its okay." nauutal na sabi nito habang binubuhat ang libro. Hindi makatingin sa akin pero kita kong namumula ang pisngi niya.

"Are you okay? Hey let me help you" Sabi ko ng muntik pa niyang mabitawan ang mga libro sa pagmamadali pero nahawakan ko agad kaya kinuha ko na lang. Babawiin niya sana kaso hindi ko pinayagan kaya nagpresinta na lang akong ihahatid siya.

"I help you." Sabi ko. She blushed because of what I said. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Umiwas siya ng tingin."Let's go. Where's your classroom?" I ask.

Nanginginig niya pang tinuro ang classroom kung saan siya nag-aaral. Nagtaka ako ng una dahil parehas lang ang classroom na pinapasukan namin. Ibig sabihin magkaklase lang kami.

"Let's go" aya ko. Tumango lang siya at nauna na sa paglalakad. When Im about to step my feet ,a heavy arm tap my shoulder.

"Aba sino iyon? Nangchichix ka na ah. Sinabi ang pangalan? Ano ang itsura? Maganda ba bro?" Sunod sunod na tanong nito. Hindi ko na kailangan lingunin kung sinong bwesit na lalaki ang nandito sa tabi ko.

Linayasan ko lang siya at sumunod sa babae ng hindi sinasagot ang tanong niya. Mang-iinis lang 'yan at mapipikon lang ako.

I followed the girl holding her books. I look at her head to foot. Hmm small height. She's pretty. Hair under her shoulder and white skin. Kaya kitang kita yong pamumula ng pisngi niya kanina. Tumigil siya ng nasa pintuan na kami kaya nagtaka ako. Inabot ko na lang sa kaniya ang libro. Kinuha niya 'yon at tumingin sa akin. Sa unang pagkakataon ay ngumiti siya sa akin.

"Thank you dave" she thank me with a sweetsmile. Nagtaka ako kung bakit alam niya ang pangalan ko. She chuckled slight. "Everyone here is talking to you. You're the heir of number one top in whine company. I feel honored that I'm one of people that wanted to talk you or a little conversation with you. Thank you for helping me with my books. Hope you can lunch with me so I can treat you for holding my books."

Nahiya ako ng kunti kaya napangiti ako ng alanganin at nagkamot pa ng ulo.

"It's fine. You don't need to treat me. I help you because I know you need it. But thanks for the invite. Maybe next time. So I gotta go." inimwestra ko pa ang upuan ko dahil ang bwesit na mack eh palapit na para mangbwesit na naman. Ngumiti naman siya at tumango. Kaya nagmadali akong lumakad para makaupo na agad sa dulo katabi ng bintana. Umupo ako at tumingin sa katabing upuan. Ngumiti ako ng malungkot dahil siya ang naaalala ko. Lagi kami magkatabi sa klase dahil suportado nila ang relasyon namin.  Masaya ako dahil maraming saksi sa ilang taong pagsasama namin.

Napatingin ako sa umupo. Nahihiyang tumingin ito sa akin at ngumiti ng alanganin. Ang babae kanina. I don't know her name. Ngayon ko lang siya nakita dito. Maybe one of transferred.

Ngumiti lang ako at tumingin sa harap kaso dapat pala hindi ko na ginawa dahil nakasalubong ko ang naunuksong tingin ni Mack. Bwesit 'to ibubugaw pa ata ako sa katabi ko. Siniringan ko lang siya at tumingin sa bintana. Dadaan pa yan dito dahil sa likod lang ang upuan niya. Ng dumaan siya ay pasimple niya pang sinipa ang sapatos ko kaya napatingala ako sa kaniya. Ngumiti siya ng nanunukso. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Naputol lang 'yon ng dumating ang prof para magsimula na ang klase. I need to listen dahil ilang linggo rin akong hindi pumasok kaya kailangan kong makahabol. Napatingin ulit ako sa katabi ko. Nakita ko si shane nakangiti sa akin pero ng kumurap ako ang babae kanina ang nakita ko. Nginitian ko siya ng tipid at tumingin sa bintana habang nakikinig.

I miss you so much wifey.



Lady in red✓

The Love Of FateWhere stories live. Discover now