Chapter 19

237 32 0
                                    

                      DAVE'S POV.

"Mr. Sectret agent. Akala mo siguro hindi ko 'yon mapapansin. Magaling ka sa totoo lang nagawa mo 'yon agad. Bilib na rin ako diyan sa talino mo. You think I'm the one who starting it but yeah sure it's true I'm the one who started all of it." Paliwanag nito sabay palakpak.

Paano niya nakita 'yon?

Pero bakit niya hinayaang makita ko 'yong mga ginagawa niya kung alam naman niyang may nakalagay doon. Tiningnan ko siya ng matalim. Hindi sumagot.

"So anong mga nakita n'yo doon? Video? What for?Evidence? Poor you pero hindi n'yo 'yon magagawa dahil papatayin ko kayong lahat. So sino ang uunahin ko?" Sabi nito habang nagpapalipat lipat ng tutok ng baril sa aming tatlo nila mom.

Sa bawat minutong lumilipas mas dumadagdag ang kaba sa dibdib ko. Nababahala ako pweding susunod na mangyayari.

Ang tagal ng mga pulis. Tsk.

Kinilabutan ako ng huminto ang tutok ng baril sa akin. Diretso niya akong tiningnan sa mata ng may galit. Napalunok ako. Bago pa may magsalita may narinig kaming tawag ng arena ng mga pulis. Napahinga ako ng malalim dahil sa wakas may makakatulong na rin sa amin.

Dahil sabay-sabay naming hindi inaasahan iyon ay pareho kaming napalingon pero nagawa ko 'yong ibalik sa baril na nakatutok pa rin sa akin. Sinipa ko ito pataas kaya napabalik ang tingin niya sa akin. Hindi inaasahan ang nangyari. Lumipad sa ere ang baril sasaluhin ko sana ito ng itulak ako ni beg Campo. Doon na nagsimula ang hudyat ng gulo. Fuck!

May mga pumasok na mga armadong lalaki na hindi ko kilala at paniguradong mga kasamahan ni beg Campo. Marami sila. Sinuntok ko ang mukha ni beg Campo. Tumayo ako para kuhanin ang baril ng sipain ang likod ko kaya napatalsik ako sa gilid.

"Dave!!" Sabay na tawag ni mom at dad sa akin bago ako alalayan dahil muntik na akong matumba dahil sa hilo. Napahawak ako sa ulo ko dahil umiikot ang paningin ko. Ng maayos na ang paningin ko tiningnan ko ang paligid.

Si mom hawak na ng mga armadong lalaki at pilit na kumakawala. Si dad nakaluhod sa harap ni beg at nakatutok ang baril sa kaniya. Kinilabutan ako sa nangyari. Nakatayo ako malayo sa kanila. Hindi ko napansin na nakuha nila si mom ng hindi ko napapansin kasi kanina lang ay tinulungan pa nila akong tumayo.

"Ano tutulong ka pa? Sinasabi ko na papatayin ko na kayo di ba?" Hinihingal na sabi sa akin beg.

Hinihingal man ay lumapit ako kaso napatigil rin ng itutok sa akin ni beg ang baril. Natulos ako sa kinuupuan.

"Sige lapit pa" si beg.

Babarilin sana ako ni beg ng may nauna ng bumaril sa kaniya mula sa pinto. Nakita ko si gelo kasama ang ibang pulis. Dahil doon nabitawan ni beg Campo si dad at nababa niya ang baril. Si dad dali daling pumunta kay mom para makawala. Pumunta ako kay mom at tinulungan din.

Tinulungan kami ni gelo na makaalis doon. Naglakad kami papunta sa pinto. Kaso napatigil kami dahil sa sigaw ni beg.

"Sige paglumapit kayo papatayin ko ito. Sige lapit pa ng may mabawas din. Sayang naman pagbisita ko eh. Ano aved kaya mo ba?" Sabi nito.

The Love Of FateWhere stories live. Discover now