Chapter 18: Triple M

14.1K 793 183
                                    

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

CHAPTER 18: TRIPLE M

MIREIA'S POV

Halos hindi magawang idilat ang mga mata na inabot ko ang tumutunog ko na cellphone. Kumunot ang noo ko nang hindi bumukas iyon. Kung walang charge ang phone ko, bakit may naririnig akong nag-ri-ring?

Naghihikab na sinilip ko ang kabilang bedside table at nang makita kong kay Axel ang nag-iingay na aparato ay muli kong ibinagsak ang ulo ko sa unan.

"Axel, your phone's ringing."

He muttered something unintelligible, but he didn't move to answer it. Hindi na rin ako kumilos dahil inaantok pa talaga ako. Madaling-araw na kasi kaming nakauwi dahil late na kaming natapos na mag-dinner. Pumunta rin kasi kami sa coffee shop para magpalipas ng oras dahil sobrang traffic kapag rush hour.

Inaasahan kong hihinto na sa pag-ring ang phone kapag walang sumagot pero nang matigil ang tunog no'n ay hindi pa nagtatagal ang katahimikan ay muling nag-ingay iyon.

Napapabuntong-hininga na umikot ako at ginulungan ko ang natutulog na si Axel. Half of my body was on top of him when I finally reached his phone. Nang makuha ko iyon ay pabagsak na isinandal ko ang mukha ko sa dibdib ng lalaki bago ko sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Mireia?"

"Hmm..." I mumbled sleepily.

"Si Lucienne 'to. I'm calling using Thorn's phone dahil wala akong load. Wala nga lang din siya ng number mo. Itatanong ko lang sana kung gusto mong sumama kaila Lia."

"Lia? Bakit?"

"Para mag-almusal."

Hindi ko na tinanong kung bakit kailangan kaila Lia pa mag-almusal. Para kasing official favorite restaurant nila ang bahay ng babae. Minsan kahit nga ata wala sina Lia at Gun sa bahay ay bumibisita pa rin ang magkakapatid para manguha ng pagkain sa ref ng mag-asawa na laging may laman.

"Next time na lang siguro. Hindi pa gising si Axel—" Natigilan ako nang lumingon ako sa lalaki at nakita kong bukas na bukas na ang mga mata niya habang nakatingin sa kisame. Nagsalubong ang kilay ko nang makita kong pulang-pula ang mukha niya. "Well he's awake now, but Naynay probably cooked breakfast already."

"Sige sabihan ko na lang sila Lia. Pero mamaya after breakfast daan kami sa inyo ha? Schedule ni Thorn at Axel today para sa annual wellness exam nila. Sila na lang atang dalawa ang hindi pa tapos sa magkakapatid."

"Annual wellness exam?"

"Yup. Lia started it awhile back. Every year may check-up ang magkakapatid para masiguro na in good health sila. They're always busy and cancer runs in the family. They hate doing it, specially Axel, pero hindi naman sila makakatanggi kay Lia."

Dagger Series #4: UnadornedWhere stories live. Discover now