Chapter 17: Like

14.1K 864 178
                                    

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

CHAPTER 17: LIKE

MIREIA'S POV

"Hello? Earth to Mireia?"

Muntik kong mabitawan ang hawak ko na libro nang maramdaman kong may magaang kamay na humawak sa balikat ko. Ang nag-aalalang mukha ni Lucienne ang nalingunan ko. Sa tabi niya ay nakahinto ang stroller ng natutulog na si Cookie.

"Did something happen?" Bumaba ang mga mata niya sa hawak ko na libro. "Sabi ni Axel isa ka sa pinakamatalinong tao na nakilala niya pero sa tingin ko kahit genius ay mahihirapan magbasa ng pabaligtad."

Gulat na napatingin ako sa libro. Baligtad nga iyon.

"Nag-away ba kayo ni Axel?" tanong ng babae.

"H-Ha? Hindi."

"Sure? Kasi galing ako sa itaas at nakita ko si Axel. I asked him if he wants to eat and he said no."

Sa paraan ng pagkakasabi niya no'n ay parang isang malaking sign ng problema ang pagtanggi ni Axel na kumain.

"I also saw a tray of food outside his office that remain untouched."

Kunot ang noo na sinarado ko ang libro na kahit isang salita ay wala naman talaga akong naintindihan. "Hindi pa kumakain si Axel?"

Pinagmasdan niya ako. "Hindi talaga kayo nag-away?"

I can feel the hesitation in the way she's talking to me. Like she's currently in mother hen mode. It might be because she's pregnant and hormonal or because Axel's involve— No. Sa tingin ko kahit sino sa mga Dawson ang involve ay magiging ganito ang akto niya.

"We didn't. He's just really busy."

She pursed her lips for a moment as if considering my words. Afterwards, she shrugged and plopped down beside me on the sofa.

"Pero I guess kasalanan ko rin. They won't be busy if not for me," I said quietly.

"Lagi namang busy ang mga 'yon. Lalo na si Axel. Nasa research man siya, malaking parte ng cases nila ang nakadepende sa trabaho niya."

"I'm not even paying them."

"Family discount."

"I'm not family."

Sumilay ang ngiti sa mga labi ng babae. "Tell that to those men."

Malakas na napabuntong-hininga ako. Ilang beses ko ng sinabi iyon sa magkakapatid. Even before the evidences came up, I was already planning on paying them. Ano pa ngayon na kumpirmado ng kailangan ko talaga ang serbisyo nila?

"Ano nga bang nangyari at nagpapakalunod na naman si Axel sa trabaho?"

The memory of the picture of that room full of what seems like thousands of photographs flashed in my mind. "They confirmed that I'll be the next victim." Sinandal ko ang noo ko sa magkasalikop ko na mga kamay. "Hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung bakit may taong makakagawa ng ganito."

Dagger Series #4: UnadornedWhere stories live. Discover now