Chapter 14: Chain

14.2K 800 182
                                    

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries

CHAPTER 14: CHAIN

MIREIA'S POV

"Mabuhey!"

"Kailangan nating mag-celebrate! Balik tayo ulit sa bar!"

Umiling si Pierce sa suhestiyon ng kapatid na si Trace. "No, we're not-"

Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil masayang itinaas ng lahat ang mga kamay nila. Maging si Gun ay tumatango-tango rin. Si Axel lang ata ang nakatulala sa kawalan habang hawak niya ang mga labi niya.

"Let's go!" Trace shouted.

"Wait... bakit tayo mag ce-celebrate ulit?" tanong ko.

"You're married!" pumapalakpak na sabi ni Belaya. "Tara na!"

Napamulat ako ng mga mata at napabalikwas ako ng bangon. Iyon nga lang ay muli akong napatumba pabalik ng kama nang ma-realize ko na balot na balot ako ng kumot. Nagbaba ako ng tingin sa sarili ko at sinubukan kong alisin iyon pero parang hindi lang iyon basta nakapaikot sa akin kundi nakatali rin.

Naguguluhang tumingin ako sa tabi ko nang makaramdam ako ng paggalaw. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong tulog na tulog sa tabi ko si Axel.

"Carry me!"

"Mireia"

"Grooms should carry their brides. Hindi ako aalis dito kapag hindi mo ko kinarga!"

"I'll carry you but be quiet for me please? Baka magising pa sila Naynay mo."

"Okay!" I happily agreed. Inilagay ko ang hintuturo ko sa tapat ng bibig ko. "Shhh!"

"Good girl."

"I am?" I whispered.

"Yes."

Nakangiting itinaas ko ang mga kamay ko at napapabuntong-hininga na binuhat na nga niya ako paakyat ng hagdanan.

I looked around me and aside from my current state, the room also look like it's been raided or a storm pass through it. Nakakalat sa lapag ang mga sapatos ko at ang bag ko na tumapon na ang laman dahil siguro basta ko na lang iyon initsa. Sa pagtataka ko ay may mga nagkalat din na bulaklak ng bougainvillea.

"That's your bouquet. Pinitas niyo nina Belaya at Trace sa labas ng bar."

Impit na napatili ako at napaatras nang bigla na lang bumasag sa katahimikan ang boses ni Axel. Kung hindi lang niya hinawakan ang kamay ko para hilahin pabalik ay baka gumulong na ako pabagsak sa sahig. When I looked up, I met Axel's sleepy eyes.

Dagger Series #4: UnadornedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon