Chapter 34

5.6K 140 9
                                    



"Mom,what are you talking about?"
Yun ang tanging lumabas sa bibig ko ng marinig ang sinabi nito.
Shes always like this if may problema o may ikinalulungkot man siya.

"Hinahanda  ko lang ang sarili ko sa oras na bumukod kana.Alam kong malapit nayun at masaya ako rito para sayo."bakas sa boses nito ang kagalakan kahit puno ng lungkot ang mga katagang binibitawan niya.

"Wala pa naman sa isip ko yan,Mom.Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari sa susunod na araw at sa susunod pa."Hindi ko mapigilang mapa buntong hininga habang sinasabi iyon sakanya.
Wala pang kasiguraduhan ang kahahantungan ng buhay namin ng anak ko at ni Jace.

"Hindi ko naman kailangang magdalawang isip sa bagay na iyan,Samantha.Ang importante ay ang nararamdaman niyong dalawa.Hindi bat nililigawan kana niya?Anong balak mo dito?"
Umiwas ako ng tingin dito ng maramdaman ang mapanuri nitong mga mata.
Ano nga ba ang balak ko!?
Pati ako ay hindi alam kung ano nga ba ang kahahantungan nito.

"I-I really don't know—-Hindi talaga ako sigurado,Mom."tumango tango naman ito saakin bago lumapit sa pwesto ko at marahang hinawakan ang kamay ko.

"Always follow your heart no matter what.Pakinggan mo ang nilalaman ng puso mo at malalaman mo ang sagot dito."
Lihim naman akong napangiti habang pinagmamasdan siyang seryuso sa sinasabi niya para sakin.

"Kahit ano man ang maging desisyon mo ay tatanggapin namin ng bukal sa loob ng Daddy at Kuya mo.Alam kong mahal mo siya at magiging masaya ako pag sinagot mo na siya."bakas sa boses nito ang panginginig kaya Napa kagat labi ako at pinipigilang maluha.

"G-Gagawin ko yun,Mom.Thankyou so much sa pag papaintindi sakin."ang kaninang luha na namumuo palang ay kusang kumawala sa mga mata ko.
Kinabig ko siya at niyakap ng mahigpit.Ang tagal na pala naming hindi nakakapag usap na dalawa,yung kaming dalawa lang talaga.

"Tama na nga ang iyakan!Dapat masaya tayo,So kailan mo siya sasagutin?"napasinghot naman akong lumayo sakanya at marahan naman niyang pinahiran ang mga luhang natuyo na sa pisngi niya.

"B-Baka sa susunod na linggo—"

"Anong susunod na linggo!?Dapat ngayon na!"pag putol nito sa sasabihin ko pero mas lalo akong napangiwi ng madinig ang sinabi niya.

"Agad agad talaga,Mom!?"hindi ko mapigilang bulalas.Ngumisi naman ito na parang may magandang naisip.
Hindi ko mapigilang kabahan sa klase ng ngisi na binibigay niya saakin ngayon.

"A-Anong binabalak mo,Mom?"bakas sa boses ko ang kaba.Pero mas lalo lang akong nginisihan ni Mom.

"What if puntahan natin sila ng Dad mo?Then i'll do the rest.Ako ng bahala."proud na usal nito sa magiging plano niya.
Umiling naman ako kaagad dito.Baka may importanteng pinag uusapan yung dalawa tapos makiki-gulo lang kami ni Mommy.

"Hindi ata magandang plano yan,Mom.Baka mapahamak tayo diyan."tutol ko kaagad dito at baka mag back fire ang naisip na plano nito.

"Wag ka ngang nega,Anak.Ako ang bahala basta Go with the flow ka lang huh?"magsasalita pa sana ako ng higitin niya ako papalabas ng dining.At halos mapudpod ang suot kong doll shoes sa pag hinto ng paa ko.Pero mas lalo lang akong hinila ni Mom.

"Your so heavy,don't do that.Rarayumahin ako sa pinag gagawa mo."reklamo nito pero mas lalo ko lang diniinan ang pagtapak sa sahig para hindi ako nito mahila.

"Parang binubugaw mo naman ako niyan,Mom.N-Nahihiya ako eh,baka sa susunod ko nalang siya kakausapin tungkol diyan."
Hindi naman ito sumagot pero patuloy parin ako nitong hinihila.
Nagpadala nalang ako dito ng maramdaman ang bigat ng pag hinga nito.Ang kulit naman kasi,malamang ay hinihingal na ito.

"Don't worry kasi,basta sumang ayon ka lang sa sasabihin ko mamaya."bawat yabag ng paa ko ay sobrang bigat dahil ayaw ko talaga sa magiging plano ni Mom.

Ano nalang kaya pag nagsama sila ni Kuya sa pang gaganito sakin!?Malamang ay magkaka sundo silang dalawa dahil parehong mahilig sa plano plano na yan.

"B-Back out nalang ako,Mom."pigil ko ulit dito pero pinaningkitan lang ako nito ng mata.Mukhang napikon na ata sa pag rereklamo ko.Napalunok ako ng bahagya at ngumiti ng pilit.

"Sabi ko nga tara na,"awkward kung usal dito kaya napalitan ng ngiti ang naka Busangot na mukha nito kanina.

Parang si Kuya talaga.Ang pikon nila huhu!Paano na ako nito!?



"Jace,hijo!"napapikit ako sa hiya dahil mukhang naantala ni Mommy ang pinag uusapan nila.
Ang seseryuso naman ng mukha nilang napabaling saamin.

"Yes,Tita?"ng makita nila kami ng tuluyan ay saka palang sila ngumiti saamin.

"Nakaka abala ba kami?"tanong pa ni Mommy at naupo sa tabi ni Dad.
Wala sa sarili naman akong humatak ng upuan para sana maka upo ako ng marinig ko ang tikhim ni Mom.

Napabaling naman ako sakanya na ngayon ay nginunguso ang upuan na nasa tabi ni Jace.Kaagad akong umiling dito pero pinandilatan lang ako nito ng mata.

Wala akong nagawa kundi ang lumapit sa pwesto ni Jace.
Tumayo naman ito kaagad at pinaghila ako ng upuan.
Nahihiya naman akong umupo dito at mahinang nagpasalamat.

Rinig na rinig ko naman ang hagikgik ni Mommy kaya mas lalo akong nanlumo.

"Pwede ba akong makisuyo sayo,Jace?"pag uumpisa ni Mommy.Pinagpapawisan naman ng malamig ang kamay ko dahil dito.

"Ofcourse,Tita.What it is po?"kaagad na sagot naman ni Jace kaya mas lalong lumawak ang ngiti sa mga labi ni Mommy.

Napailing iling naman si Kuya at Daddy dahil alam nilang may pinaplano si Mommy.

"Pwede bang pumunta kayo ni Samantha sa mall?Nakalimutan kasi ng kasambahay na bumili ng gatas ni Sanya.Yung apo ko kasi na iyon ay hindi nakaka-tulog kung hindi nakaka inom ng gatas."kaagad namang tumango si Jace dito at mukhang nauto ito ni Mommy sa kakaiba niyang pag acting.Ibang klase din kasi maka arte ang Nanay ko.

Ang galing lang talga nito na pati si Sanya ay naisali niya.Sabagay,hindi naman tatanggi si Jace pagdating kay Sanya.

"Okay lang naman,Tita.Its my pleasure to help po.At isa pa,para rin naman yun sa anak ko."dugtong naman ni Jace sa sinasabi niya at dahan dahang tumayo na.

"Thats great!Ano pang tinutunganga mo diyang Samantha?Umalis na kayo."taranta naman akong napatayo sa pwesto ko dahil sa lakas mg boses ni Mommy.
Hindi naman halatang excited siyang paalisin kami.

Muntik na akong matisod ng mabangga ang paa ko sa gilid ng lamesa.Buti nalang at kaagad akong nahawakan ni Jace sa may bewang.

"Mag iingat ka,"tanging tango nalang ang sinagot ko dito at nahihiyang lumayo sakanya.

"Aalis na nga lang kayo may pa ganyan ganyan pa.Kinagat tuloy ako ng langgam dahil sa ka sweet-an ko—este ka sweet-tan niyo pala."

Susunod.....

A/N:Guyssss Annyeong!Gusto ko lang sabihin na e-uunpublished ko ang ibang chapters dahil mag sa-sign ako sa ibang flatform.Hindi lang naman ito,pati narin ata ng iba ko pang story.Sana support niyo parin ako sa journey ko po.
Bali sa Novelah na makikita ang story ko once na ma released na.
Thankyou so much sa pag suporta saakin dito at sana ay patuloy niyo parin akong suportahan.Yun lamang at maraming Salamat.

Hiding Mr.Celebritie's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon