Chapter 32

5.5K 170 7
                                    

Malayo palang ay tanaw ko na ang sasakyan ni Jace at tanging si kuya lang ang nasa labas.Mukhang kanina pa siya naka abang kaya nangungunot na ang nuo nito.Masyado pa namang maikli ang pasensya nito sa mga hintay hintay na yan.
Pero sanay na ako sakanya,kahit no'ng nag aaral palang ako.Lagi kasi niya akong hinihintay sa parking lot.College na siya habang ako ay nasa High School.

May time na iniiwanan niya ako dahil ang tagal ko daw.Five minutes lang naman akong late,pero iniwanan na ako.Nagsumbong ako kay Dad non kaya binalikan niya parin naman ako.Nagsayang lang siya ng effort na umuwi tapos babalikan ako.
Pero kahit ganon ay hindi niya parin ako matiis.

Pero ngayon ay medyo naging okay naman.Mainitin lang talaga ulo niya non dahil siguro sa stress sa studies niya.

"Bat ang tagal mo?Mag kakalahating oras na kaming naghihintay dito sa sasakyan."pambungad kaagad ni Kuya ng makarating ako sa sasakyan.Nasa labas kasi ito ng sasakyan at malamang ay nasa loob na silang lahat.Wala narin ang mga bagahe sa labas,baka nasa compartment na.

Nagtagal muna ako sa loob kasi May mga kumukuha ng litrato sakin.May kusang lumapit pa Para lang makapag picture.Hindi ko naman matanggihan dahil baka Anong issue na naman ang ibato nila sakin.

Saka mas nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang bulong bulungan kanina.Nagbubulungan silang kamukha lang daw ito ni Jace dahil kumukuha daw ito ngayon ng lisensya sa isang kompany airlines.Hindi ko nga lang alam kung saan nila nabalitaan yun.Pero nagpapa salamat ako dun.

"May nagpa picture lang kasi kanina."maikling tugon ko dito at sumakay na sa passenger's set.
Mabuti nalang at malaki yung sasakyan ni Jace na BMW.Hindi kami nagsisiksikan na parang mga sardinas.

"Okay ka lang ba?Mabuti nalang at nag post ako sa instagram kanina lang.Meron kasi akong recent photo na nasa isang airline company ako."mahinang usal nito.Mukhang ayaw niyang marinig ng iba kaya lumapit ako ng bahagya dito para sagutin siya.
Kaya naman pala ganon nalang ang usapan nila dahil updated sila sa social media ni Jace kahit wala na ito sa showbiz.

"Im okay,Mukhang okay din naman yung ginawa mo kanina.Bigla silang nagdalawang isip kung ikaw ba talaga yun o hindi."bulong ko rin dito at umayos lang ako ng upo ng pumasok si kuya sa back seat.

"Sa bahay ka nalang mag dinner,hijo.Pagpapasalamat lang sana sa pagsundo mo samin."pag aaya ni Mom ng magsimula ng magmaneho si Jace.
Tumingin naman ito sa salamin dahil kita naman sila mula rito.
Nasa ikalawang bahagi ng hilera sila Dad,Sanya and Mom.While kuya naman ang nasa pinaka dulo.Mas mabuti narin yun at ng hindi na makapang asar ng kung ano ano.

"Baka may ibang appointment pa siya,Mom."ako na ang sumagot dito dahil nakakahiya naman.
Siya na nga yung naging driver namin at baka may iba nga siyang pupuntahan o kong ano pa man.

"Bakit?Jowa ka ba ni Jace para sumagot ng tanong na para sakanya?"nanlumo naman ako sa sinabi ni Kuya.Inirapan ko ito sa inis at ngumuso.Tinawanan naman ito ni Jace kaya mas lalo akong nanlumo dahil dito.Nasa pinaka dulo na nga siya umaabot parin dito ang pang aasar niya.

"Actually,I don't have any appointments right now ma'am,Sakin okay lang naman.But ofcourse,Sam.Can I have your permission for joining your early dinner with your family?"bigla akong nahiya sa sinabi niya.Bakit ko nga ba pina pangunahan yung tao.Iba epekto sakin no'ng ma'am niya,sobrang nakaka gentleman pakinggan.
Tanging tango nalang ang tugon ko dito.Nginitian naman ako nito kaya halos mawalan ako ng ulirat.Ang OA man pero iba ang dating!

"Tito,what is jowa po?"napalingon ako sa back seat ng marinig ang tanong ni Sanya.Wala talagang pinipiling lugar ang pagka curious ni Sanya.Basta makuha niya lang ang gusto niyang malaman.Once na iniiba mo yung usapan ay mas lalo siyang matitrigger na kulitin ka.

"Sagutin mo ng maayos yan kuya.Ang dami mo kasing nalalaman kaya yan.Siguraduhin mo lang na walang kabulastugan."ungot ko dito pero inismiran lang ako ng kuya kong isip bata.Siguraduhin niya lang na hindi katarantaduhan ang isasagot niya sa anak ko.Kung ano Pa naman ang maririnig at malalaman nito ay na a-adopt niya.

"You know girlfriend and boyfriend?Or kasintahan in Tagalog.Yun yung jowa.If nagsawa na sila sa pagiging mag jowa saka naman sila mag aasawa.Tapos gagawa ng bab—"

"Kuya!!"

"Samuel!!"

Magkasabay na suway namin ni Mommy sakanya.Napakamot naman ito ng ulo at nginisihan lang kami pareho ni Mommy.Napapailing nalang si Dad habang si Jace naman ay natatawa.

"Kung ganon po mag asawa sila Mom and Dad?We are family naman po."ako naman ang napabuntong hininga sa pagka curious ng anak ko.

"Ask mo muna si Mommy mo kung sasagutin niya ako saka ko siya papakasalan."napakagat labi ako sa sinabi ni Jace.
Ngiting aso naman si Kuya habang sila Mom and Dad na nagpipigil ng ngiti.
Wala to!Iniisahan nila ako.

"Then marry Dad,Mom.And I wanted to have Brother na.So may ibubully na ako then i'll make them cry."napamaang naman ako sa sinabi ni Sanya.Kung ano ano nalang lumalabas sa bunganga niya eh hindi naman niya naiintindihan.

"Kilos kilos din Brother in Law.Rinig mo naman siguro ang sinabi ng unija hija mo."dagdag na pang aasar ni kuya kaya halos mangulay kamatis na ako.Feeling ko nag iinit mukha ko tungo sa paa ko.

"Samuel,itigil mo na yang pang aasar mo.Bigyan mo muna kami ng apo bago mo kinukulit ang kapatid mo."ang kaninang mapang asar na mukha nito at napalitan ng pagka lukot.Mukhang nagkapalit kami ng sitwasyon ngayon.
Kung mapang asar si Kuya ay si Mommy naman ay nagpapalit ng sitwasyon.Pero once na magsalita na si Dad at suwayin kami ay saka lang kami tatahimik.Pero ngayon ay mukhang nag eenjoy din siya sa pag gigisa kay kuya.

"Meron din akong nabalitaan na may namamagitan daw sainyo ng secretarya mo?Lagi mo raw binibilhan ng foods saka hatid sundo."pang aalaska ko dito.Pero totoo naman talaga yun,nabalitaan ko ng minsan akong mapadpad sa kompanya.Kilala ko rin naman yung secretarya niya.May kaliitan pero sobrang puti naman.Mabait siya at masayang kasama.

"Kunti nalang talaga iisipin kong bakla ka.Wala ka ba talagang girlfriend ngayon?Baka naman boyfriend ang mayroon ka."dugtong ni Mommy kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ni kuya.

Pikon.

"Mom im not!Mapili lang talaga ako.Saka marami akong inaasikaso sa kompanya.And about my secretary?She's just my friend.Sobrang ma issue niyo naman masyado.Fling fling lang kaya ko.Saka sayang naman ang ka guwapuhan ko kung hindi kakalat ang lahi ko.Diba Jace,Pare."sinali pa nito ang isa na nanahimik.
Sasagot na sana ito ng pinaningkitan ko siya ng mata.Kahit anong diin mo talaga sakanya ay lagi niyang nalulusutan.Friend daw,sabi nga niya noon na hindi pwedeng maging magkaibigan ang babae at lalaki dahil may isang sisira nito hanggang sa huli.

"Subukan mong umo-o,makikita mo."gigil kung usal dito kaya marahan siyang napalunok.Mukhang natakot ang loko,pero nagbibiro lang naman ako.Gusto ko sana siyang pagtawanan kaya lang mas gusto kong makita siyang namumutla na ewan.Pero kahit ganon hindi parin nababawasan ang kagwapuhan niya.

"Wala na,finished na!May nang uunder di saya na."

Hiding Mr.Celebritie's daughter Where stories live. Discover now