Chapter 12

7.2K 247 3
                                    


"Is this your house na po?"
Tumango naman ako kay Sanya at ginaya siya papasok ng gate.
Sinadya talaga namin ni kuya na hindi ipapark yung sasakyan sa loob para hindi sila magising.

Parang sumakit nga ang pang upo ko sa tagal ng byahe namin.Inabot pa talaga kami ng gabi kasi ang daming arte ni kuya.

"Papasok na ba tayo?"pagtatanong ko kay kuya.Senenyasan niya naman akong sandali lang.
Tumango naman ako dito saka niya kinuha ang phone at nilagay sa tenga niya.Mukhang may tinatawagan pa siya.

"Are you excited to meet them?"nakangiti kung tanong kay Sanya.She giggled and hug my waist.Tumango naman ito saakin at impit na tumili.

Hindi halatang excited siya sa pinapakita niya.

"Yes po hihi!I really want to meet them."Napabuntong hininga na lamang ako.Kung hindi lang sana sa kaartehan ko noon ay malamang matagal na silang nagkita.

"Hello?Natutulog na po ba sila?"
Napalingon naman ako kay kuya ng magsalita ito.Sino naman ang tinutukoy niya?

"Yes po sir,kanina pa.Sandali lang po at pagbubuksan ko kayo ng pintuan."narinig kung sagot sa kabilang linya.Sa pag uusap palang nila ay alam kung kasabwat niya ito sa surpresa niya kuno.

"Okay okay,thankyou."huling wika nito bago binaba ang tawag.
Humarap naman siya samin ng anak ko at mukhang mag eexplain ng gagawin namin.
Sheezz!Nakaka kaba!

"Since natutulog na sila sa kwarto nila,papasukin lang natin yun.Saka mo i-oon yung ikaw nila Sam.Ikaw naman Sanya,tumabi ka sa gitna nila at ako naman ang bahala sa confetti."napangiwi ako sa sinabi niya.Yun na yun!?Pero bakit may pa confetti pang nalalaman?

"Yes yes Tito!"maligayang sagot naman ng anak ko.Napalingon sila saakin ng hindi ako umimik.Tumango na lamang ako para wala ng problema.Kung mag rereklamo ako ay malamang na tatagal lang kami dito sa labas.

Napa igtad pa ako no'ng bumukas ang pintuan ng mismong mansyon.Natulala ako ng wala sa oras ng makitang wala itong pinagbago.I Miss my home...
Pumasok naman kami at sadyang namangha ang anak ko sa nakita.Hindi mawala sa mata nito ang kislap at ang boses nito na maririnig mong "Wow!"

"Its really big in person po pala ng house niyo.Tito Show me the pictures of your house po pero its not that big,I really didn't expect this big."mangha parin itong naglibot ng tingin sa buong bahay.
Sa Canada naman kasi ay hindi masyadong kalakihan pero sapat na sa aming dalawa kasama ang dalawang kasambahay.

Hindi rin talaga ako natutong magluto at maglinis ng bahay kaya wala akong choice kundi ang mag hire ng kasambahay.

"Ready na kayo?"sabay naman kaming tumango ni Sanya sakanya.
Sumunod naman kami ng maglakad na ito papunta sa kwarto nila Dad.Nadaanan pa namin ang kwarto ko.

"Thats my room,Sanya Oh.Look!"excited kung usal sa anak.Napalingon naman siya sa tinutukoy kung kwarto.Namilog naman ang mga mata nitong binalik sakin ang tingin.

"Can I see it?As in now na?"
Bat ang conyo mo na?Gusto ko sana itanong pero wag nalang at baka iyakan pa ako dahil inaasar ko ang pananalita niya.

"Shhh,wag kayong maingay.Later niyo ng tingnan ang kwarto ni Mommy dahil diyan naman kayo matutulog mamaya."pareho kaming Napanguso ng anak ko dahil sa sinabi ni kuya.
Ang hina na nga ng boses namin pero dinig na dinig niya pa.

Huminto kami sa mismong pintuan ng kwarto nila.
Napalunok ako ng mariin dahil sa iba't ibang nararamdaman.May parte sakin na kinakabahan,excited at masaya.

"Papasok na tayo huh,"hindi ko na siya magawang sagutin dahil binuksan na nito ang pintuan.Pumasok naman kaagad siya saka sumunod ang anak ko,samantalang ako ay dahan dahang sumunod sakanila.
Nagpakawala ako ng isang malakas ng buntong hininga.

Dilim ang bumungad saakin kaya dumeritso ako sa switch ng ilaw.Nasa gilid naman si kuya at si Sanya ay dahan dahang gumapang sa gitnang bahagi ng kama.

"On the count of three,one,two,and three!"nanginginig ang kamay kong pinindot ang switch.Napapikit pa ako dahil sa sinag ng ilaw.

"W-What's happening?"napamulagta ako ng madinig ang matinis na boses ni Mommy.

"GrandaMa!Surprise!!"kung matinis ang boses ni Mommy ay mas matinis naman ang sa anak ko.Tumili pa ito at pinugpog ng halik ang pisngi ni Mommy.

Parang hindi ko magawang kumurap habang pinagmamasdan si Mommy at Daddy.
Marami ng nagbago sa physical na anyo nilang dalawa dahil narin sa panahon at edad nila.Pumuti na ang ibang bahagi ng buhok nila pero hindi parin mawawala ang awra nilang maganda.

Nanubig naman ang mga mata ko ng makita ang ayos ni Daddy.Sobrang laki ng pinayat nito at nanatiling nakahiga habang nagtatakang nakatingin sa anak ko at saamin ni kuya.

"S-Surprise!"nanginginig ang labi ko habang sinasabi ko iyon sakanila.Saka palang siguro nag sink in sa utak nila anf lahat ng nangyayari.Humagulgol ng iyak si Mommy kaya mas lalo akong naiyak.Si Daddy naman ay tulalang nakatitig saakin na parang natatakot na kumurap.Na parang sa oras ng pag kurap nito ay mawawala ako sa paningin niya.

"Omygod!Ang baby at ang apo ko!Hindi ko ito iniexpect,pero sobrang saya kung makta kayo."napayuko ako ng maramdamang hindi tumitigil sa pag buhos ang luha ko.Narinig ko narin ang hikbi ng anak ko.

"G-Grandpa,are you not happy to see us?"napalingon naman ako kay Sanya dahil sa sinabi.
Napakagat labi naman si Sanya na naghihintay ng sagot mula dito.

"I-Im just speachless,I didn't expect this to happen.Welcome my Princess and to my b-baby."dahan dahan naman akong lumapit kay Daddy ng makitang pinipigilan nito ang pag tulo ng mga luha niya.

"Im home,and we will stay here for good."

Hiding Mr.Celebritie's daughter Where stories live. Discover now