Chapter 30

5.7K 175 6
                                    



"Kuya,gumising kana.Nandito na tayo."mahinang inuga ko pa ito sa kinauupuan niya.
Naampungatan pa siya pero kalaunan ay dumilat narin naman.

"Ang bilis naman,"inaantok na usal nito.Ano bang pinaggagawa nito at sobrang pagod niya!?

"Paki gising naman si Sanya,kuya."pakikisuyo ko dito dahil magkatabi lang naman sila.
Tumango naman ito saakin bago hinarap ang pwesto ni Sanya.
Hindi pa siya gaanong maka-kilos dahil naka hilig si Sanya sa balikat niya.

Nauna na akong lumabas dahil baka naiinip na si Jace sa labas.
Nilibot ko kaagad ang tingin sa buong parking lot ng hindi ko makita si Jace.Saan ba nagpunta yun.

Maglalakad na sana ako para hanapin ito ng bumukas naman ang pintuan sa back seat ng sasakyan nito.

"Im still sleepy,Tito."nakapikit na usal ng anak ko habang karga ni Kuya.Mukhang hindi niya ito nagising ng tama dahil nagtatrantums na.

"Gusto mo bang iiwan ka namin dito sa sasakyan?Akala ko ba gusto mo ng makita si Grandpa and Grandma."pang uuto ni kuya dito.Kaagad namang napamulat ang mata nito at nagpa-baba na.
Mukhang nagising na siya dahil sa pinagsasabi ni Kuya.

"Who told you that im sleepy pa?Lets Go,your so mabagal Tito."nanguna na ito kaagad sa paglalakad at nagtungo sa pwesto ni Jace at dito nagpa karga.Nasa likod pala ito na bahagi ng mga sasakyan kaya hindi ko siya nakita kaagad.
Napailing nalang kami pareho ni kuya tinitingnan silang dalawa ni Jace.

"Iba talaga topak ng anak mo,Sam.Mabuti nalang at gwapo ako."napangiwi ako sa sinabi nito,anong konek!?Masyadong mahangin at bilib sa sarili.

Iniwan ko nalang siya dun at lumapit na sa pwesto ng mag-aama ko.
Gosh!Parang hindi talaga ako masasanay sa na tawagin silang ganon.Ang dati ko lang pinapangarap ay abot kamay ko na talaga.

"Ahmm,lets Go?"tanong ko sakanila.Tumango naman saakin si Jace kaya nagpa tiuna ako sa paglalakad.
Mabilis naman kaming nakapasok sa entrance at naghintay sa waiting area.Sumunod naman saamin si kuya na may dala-dala ng kartolina ngayon.Asan niya ba nakuha yun?Wala naman kasi siyang dala kanina kaya nakakapag taka.

"What is that,Tito?"naunahan ako ni Sanya sa pagtatanong kaya nakinig nalang ako sa usapan nilang dalawa.
Naupo ako sa isang mono-block na naka hilera sa gilid.Napalingon naman ako sa gilid ko ng maupo si Jace dito.Hindi ko nalang ito pinansin dahil kakaiba na naman ang nararamdaman ko.Bakit ba hindi ako masanay sanay sa presensya niya?

"Kartolina to,"
Sagot naman nito kay Sanya at umupo.Dahil sa ginawa nito ay hindi maiwasang tingnan siya ng mga taong dumadaan.
Lumayo ako ng bahagya sa pwesto niya dahil nakaka hiya talaga siyang kasama.Okay lang naman na maupo siya,pero bakit sa semento pa.Hindi nga siya madumi dahil may nag me -maintain pero para siyang baliw.

"What I mean is—aanhin mo yan?"tanong ulit ni Sanya ng hindi makuha ang gusto nitong malaman.Nailing nalang ako ng maupo rin ito sa harapan ni Kuya.

"Ano bang ginagawa sa papel?Diba sinusulatan?Try mo kayang kainin?"usal nito at pinagpatuloy ang ginawa gawa.Natawa ako ng bahagya ng makitang pinaningkitan ng mata ni Sanya si Kuya.Tinatanong naman kasi ng maayos pero kung saan saan pa napupunta.Ang dami daming pasikot-sikot kumbaga kaya lagi silang nagbabangayang dalawa.

Tatayo na sana ako para suwayin sila ng may kamay na pumigil sa pala pulsuhan ko sa pamamagitan ng paghawak dito.Napatigil naman ako at takang tiningnan si Jace.Parang binuhusan ako ng mainit na tubig dahil sa biglang pamumula ng mukha ko.Paniguradong kasing pula ng kamatis ang itsura ko.

"B-Bakit?"Halos magpapadyak ako sa inis dahil nautal pa talaga ako Kahit yun lang ang tinanong ko.

"Where are you going?"
Pagbabalik ng tanong nito bago bitawan ang kamay ko.Bigla naman akong nadismaya dahil doon.Sana hindi nalang niya binitawan ang kamay ko—-
Para akong Aning dahil sa mga pumapasok sa isipan ko.

"Susuwayin ko lang yung dalawa.Nakakahiya,ang daming dumadaan."sagot ko naman dito At kunwaring May binibilang sa kamay ko.Pero dahil sa ginawa ko ay Para akong nasisiraan ng bait.Ano bang binibilang ko sa kamay ko!?

"Let them be,Para hindi rin sila mabored."usal nito kaya mahina akong napabuntong hininga.Tiningnan ko ulit ang pwesto nila kuya na ngayon ay nagtutulungan sila ni Sanya sa pagsusulat ng kong Ano sa kartolina.

Dahan dahan naman akong bumalik sa kinauupuan ko.

"Ano nga pala yung binibilang mo sa kamay mo kanina?"dugtong nitong tanong kaya napakamot ako ng ulo.Ano nga ba ang isasagot ko dito.Awkward akong kunwaring natawa saka siya hinarap.

"N-Nagugutom na ako,"halos sampalin ko ang sarili ko dahil sa lumabas sa bibig ko.Sa dami dami ng pwedeng sabihin Bakit yun pa?Anong paki alam niya kung gutom kana!?

"Hmm,May dala akong cookies nasa kotse nga lang.Pasalubong ko sana kay Sanya,kukunin ko muna At papalitan ko mamaya Para maibsan Kahit papano ang gutom mo."sasagot sana ako dito ng Mabilis itong umalis.Bigla naman akong naguilty dahil hindi naman talaga totoong nagugutom ako.
Isa pa,Para pala yun kay Sanya.

"Mom,look po.Im sure makikita kaagad to nila grandpa and grandma."masayang usal ni Sanya At pinakita sakin ang kartolinang sinulatan nila kanina.Kaya pala naki-alam siya sa ginagawa ni kuya ay para naman pala kila Mom And Dad.

"Wow!Siguradong matutuwa sila niyan."puri ko dito,ngumiti naman ito saakin at tumabi.Naupo siya dun sa inuupuan ni Jace kanina.

"Its not done pa eh,i'll make it more beautiful pa po.Where's Dad anyways?"tanong nito at nilibot pa ang tingin sa buong paligid,mukhang nagtataka at nawala bigla ang Daddy niya.

"May kinuha lang sa kotse niya pero babalik din naman kaagad yun."maiikling tugon ko dito.
Tumango naman ito saakin at muling bumalik sa pwesto ni kuya na nagcecelphone na ngayon.

Napatayo naman ako ng dumagsa ang taong kababa-ba palang ng eroplano.Nasa station 1 kami dahil dito daw sila maglalanding.

"Kuya,mukhang kasama na sila dito sa mga pasahero."tawag ko ng pansin kay kuya kaya dali dali naman itong tumayo at hinawakan ang kamay ni Sanya tungo sa pwesto ko.

"Akin na yan,Sanya.Ako nalang ang mag tataas para kitang kita nila."usal ni Kuya kay Sanya,akmang kukunin niya na ito ng nilayo ito ni Sanya sakanya.

"No!Ako ang magtataas nito.Its Unfair!I made it,so i'll be the one who's gonna hold this!"inirapan pa nito si Kuya at umakyat sa upuang kinauupuan ko kanina.

Tinapik ko naman sa likod si kuya dahil naka-nganga ito habang pinagmamasdan si Sanya.
Ang totoo ay wala naman talagang ginawa si Sanya kundi ang kulitin siya.Si kuya ang gumawa lahat pero inangkin na ng isa.

"Better luck next time,kuya."

Hiding Mr.Celebritie's daughter Onde histórias criam vida. Descubra agora