Chapter 14

7.1K 227 4
                                    



P-Paano kung may asawa't mga anak na siya?"Wala sa sarili kung usal dito.Hanggang ngayon ay wala parin silang alam tungkol sa Ama ni Sanya.

Natatakot din akong ipaalam sakanya na may anak siya at baka may sarili na siyang pamilya at anak.Hindi ko maatim na maka sira ng isang pamilya.Mas mabuti ng itago ko nalang para hindi masaktan ang anak ko.

Baka kasal na siya kay Stacy...

Tatanggapin ko ang trabaho para sa anak ko,hindi para sabihin kay Jace ang tungkol sa anak ko.

"Tsk,nevermind.I'll accept your proposal,Dad.Not for Jace but for my daugther."mariing usal ko dito.Tumango naman si Dad saakin saka kumuha ng ballpen at binigay sakin.

Walang pagdadalawang isip ko naman itong pinirmahan.

"May dalawang araw ka pang free bago magsimula.Mag enjoy muna kayo ni Sanya sa dalawang araw na yun."nakangiting saad ni Dad at inayos ang mga papeles na pinirmahan ko.Tinago niya ito sa drawer bago pinagulong ang wheelchair nito.

Pumunta naman ako kaagad sa bandang likuran niya para ako na mismo ang umalalay dito.

"Thankyou so much for everything,Dad.Ill make sure that I will do my best for this very first project in 5 years."

————-

"Mom,can we buy this cute little bag?"pang apat na store na namin itong napasukan,pero lahat nalang ay gusto niya.Parang mamumulubi ako sa pagiging gastarera ng anak ko.

Isa pa,may bag naman na siya na ganyan pero medyo magka iba lang ang kulay.

"Diba may ganyang bag ka naman?Kumain nalang tayo sa favorite mong mcdo."pang uuto ko dito dahil baka magwala ito dito pag hindi ko pinagbigyan.
Ngumuso naman ito saakin at muling tiningnan ang bag na nagustuhan niya.

"But they are not the same.look at this,this is light blue.While my bag at home is sky blue and a little bit darker than this."pagpupumilit nito at pinag aaralan ang kaibahan no'ng sa bahay niyang bag.
Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Magkano ba yan?"tanong ko dito pero ako rin naman ang tumingin sa tag na naka kabit dito.
Nakaka-kaba kasi nasa branded section itong pinuntahan niya.
Meron naman akong Black card dito na bigay ni Daddy pero ayaw kong gamitin.Kaya nga mag wowork na ako para hindi umasa sakanila pero mapapasubo naman ako ng dahil kay Sanya.

Nagulantang pa ako sa nakitang price ng bag na ito.Ang liit liit no'ng bag tapos ganito ka mahal!?

"Ma'am,do you want to take this?"napalingon naman ako kaagad sa gilid ko ng magsalita ang saleslady.

"W-Wala na bang discount to,Miss?"bulong ko naman dito dahil sobrang mahal talaga.Kaya naman pala sumasakit ang ulo ni Mom noon sa mga pinag bibili ko.
Tapos ang sakin naman ang sumakit dahil nagmana pa talaga sakin ang anak ko.

Ang mahal naman kasi ng
16,999 pesos.Piso nalang at magiging 17 k na.

"Since kayo po ang unang bumili ng product na ito,ay pwedeng maging 16,555 po ito."mas nanlumo ako sa narinig.Magkano lang naman pala ang magiging discount nito.
Nilingon ko naman si Sanya na ngayon ay hindi na maalis alis ang tingin sa bag.

"Baby,can you pick another bag nalang.Yung medyo malayo sa design ng mga bag mo sa bahay?"pilit ang ngiti kung usal dito.Nawala ora-mismo ang ngiti sa labi ko ng mangilid ang luha nito.Ang hirap pa naman nitong patahanin.

"D-Dont you love me? Don't you want to make me happy?"nangungunsenya pa ang bata.Wala na.Pag ito umiyak dito ay sobrang mahihirapan na ako.

"K-Kukunin ko na ito,Miss."tanging nasabi ko nalang sa saleslady.
Ang kaninang nangingilid na mata ng anak ko ay napalitan ng pag ngisi.Sino ba naman ang hindi magiging masaya?Sa mahal no'ng bag niya.Kaya sa susunod talaga ay hindi ko nalang siya isasama sa pamimili sa mall.

"Gosh!Thankyou thankyou so much,Mom!"tumili pa ito sa sobrang saya at pinugpog ako ng halik.

"Your welcome sweetie,but this is our last shop to visit huh?We need to save more money for your studies."malambing kung usal dito at pinangaralan na kaagad para hindi na magpumilit pang manuro ng kung ano-ano.

"Yes po!Last na ko na po ito then lets eat na."hindi parin mawala wala sa mukha nito ang kasiyahan.
Ngumiti naman ako dito at hinalikan ang nuo niya.

Mag tatrabaho pa ako ng mas maigi nito para sa anak ko.
Isang ngiti niya lang ay natutunaw na ako.Ayaw ko siyang makitang umiiyak,parang ako yung nasasaktan sakanya.

"Come again,Ma'am."nginitian ko nalang ang saleslady ng binalik na nito sakin ang credit card ko.
Ang anak ko naman ang kumuha ng paper bag na naglalaman ng bag niya.

"Bye bye po!"masiglang pagpa paalam ni Sanya sa Saleslady.

"Where are we eating,Mom?"nakangiting tanong nito saakin,hinawakan ko naman ang kamay niya baka mawala ito sa dami ng tao.

"In your favorite fastfood,mcdo lang muna tayo ngayon."sagot ko naman dito at naglakad na tungo sa fastfood.

"I want chicken po and burger,"hindi pa man ito nakaka upo ay may order na siya.Tinaguan ko naman ito at pinaupo ng maayos sa stool.

"Wait me here,i'll just order our foods."pag papaalam ko naman dito at mabilis niyang tinanguan.
Tiningnan ko muna siya bago tuluyang umalis.

Nang nasa linya na ako ay pasimple ko itong tiningnan.May kinuha ito sa bag na cellphone saka nag pipindot dito.

"Can I take your order,ma'am?"
Bungad ng crew sakin kaya nginitian ko muna ito bago sagutin.

"2 orders of chicken and Rice,2 burgers and 2 floats."saad ko dito.Inasikaso naman kaagad ang order ko at binigay sakin ang number para mailagay nila sa table namin.

Bumalik naman ako sa pwesto ni Sanya na dala ang number.

"Wait lang natin sandali yung foods."pagpapaliwanag ko kaagad kay Sanya.Hindi ako nito sinasagot at patuloy parin ito sa pag pipindot ng cellphone.

"I said—-"
Naputol ang sasabihin ko ng may babaeng kumalabit saakin.
Taka ko naman itong nilingon pero halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng makilala ito.

"Nahulog mo yung wallet mo,Miss."nakangiting usal nito at binigay ang wallet ko.Nanginginig ko naman itong kinuha sa kamay niya.
"Im Stacy by the way,"dugtong nito kaya mas lalo akong nangatog.

Magsasalita na sana ako ng may tumawag sakanya.

"Heyy!babe,our son wants to have some Rice."

Hiding Mr.Celebritie's daughter Where stories live. Discover now