Chapter 13

7.2K 222 2
                                    



"Grandma,do I really look like Mommy when she's at my age?"daldal ni Sanya sa Lola niya habang nasa hapag kainan kami.

Simula ng makilala niya si Mommy at Daddy ay walang tigil ang bibig nito kakadada.Ang daming tanong at curious sa kahit anong bagay na may kinalaman sakin.

"Oo naman,she so maarte din like you when she's at your age.Do you know that she used my lipstick going to School?"napayuko ako sa sinabi ni Mommy.Wala akong maalala na ganon pero maraming nagsasabi na sobrang arte ko daw non.

Napahalakhak naman si Dad habang nakikinig sa pag uusap nilang dalawa.

"Haha!She had a boyfriend back then,5 years ago.I thought she was just joking around,but she kissed that Guy in front of me saying goodbye and I love you in his boyfriend."sinamaan ko ito ng tingin pero tinawanan lang ako nito.Ako nalang ang naging topic nila hanggang matapos ang pagkain sa umagahan.

Hiyang hiya ako sa anak ko pero tuwang tuwa naman siya sa naririnig.Bigla akong kinabahan ng sabihin niyang—
"I wanted to be like her po,"natataranta naman akong nag explain sakanya na wag munang isipin ang mga ganong bagay.
Baka gusto niya rin akong gayahin na mag boyfriend sa edad na limang taon!?

"How are you,Sam?"napalingon naman ako kay Dad ng magsalita siya.

Nasa library kaming dalawa dahil may sasabihin daw siyang importante.Ngumiti naman ako dito bago siya sinagot.

"Im fine,Dad.But,I feel bad for myself for not Showing up in 5 years.I really wanted to see you,pero t-takot akong makita ka.Ang kalagayan mo,tiniis ko lahat ng nasa malayo ako kasi n-natatakot ako."huminga ako ng malalim dahil biglang sumikip ang dibdib ko.Gusto kong klaruhin lahat at ayusin ang sarili ko sa mga panahong nilunok ako ng takot.

"No'ng panahon na akala ko ay mawawala na ako sa mundo ay sobrang natakot din ako.Natatakot akong hindi na maka balik sainyo ng Mommy at kuya mo.Natakot din akong baka hindi ko na kayanin sa mga natamo dahil sa trahedya.Pero pinilit kong maka balik,pinilit kung balikan kayo kasi hindi pa ako pwedeng mawala.Hindi pa kita nakikita at ang apo ko."Napasinghot ako ng maramdaman ang mga luha kung nagbabadya.Hindi ko kayang pigilan ang emosyon ko dahil sa narinig.Alam ko naman na mali ako sa part na takot siyang makita.
Ayaw ko lang naman siyang makita na naghihirap at nagdurusa.

"Okay na ang lahat ngayon kaya wag na muna natin itong pag usapan.Pumapangit ako pag umiiyak ako eh.Kaya ikaw ay alam mo na,"natawa pa ito ng bahagya at pinahid ang namumuong luha sa mga mata niya.
Nagawa niya pang magbiro para lang mapagaan ang usapan naming dalawa.

"A-Ano nga po pala ang dahilan kung bakit niyo ako pinapunta dito?Im sure about sa business ito dahil dito mo pa talaga akong gustong maka usap."pilit kung hinihinahon ang sarili ko at inayos ang sarili ko na parang basahan na.Ang haggard ko na masyado,pero nasa bahay lang naman ako kaya okay lang.

Pag business kasi ang pag uusapan ay laging nasa pribado kaming lugar na nag uusap.Tulad dito sa library,at opisina ng kompanya.
If about naman sa family ay laging nag uusap sa hapag kainan,pwede din sa harden o kahit sa kwarto pa mg bawat isa.

"Hindi parin pala pumapalya ang memorya ng bunso ko.Pero sa totoo lang ay kailangan kana ng kompanya natin."turan nito habang hindi inaalis sakin ang tingin.

Handa naman na ako sa ganitong usapan kasi napag isip-isip ko narin ito.Kailangan ko rin magtrabaho para kay Sanya.Ayaw kong iasa lahat kay kuya ang gastusin ni Sanya.Nahihiya narin ako sa pamilya ko,feeling ko pabigat na kami masyado ng anak ko sakanila.

"Napag isipan ko na po talagang mag trabaho.Gusto kung mabigyan ng magandang buhay si Sanya na gamit ang perang pinag hirapan ko.Gusto ko sana na ako na bahala sa lahat ng gastusin ni Sanya at sakin.Kaya sana Dad ay hayaan mo na ako ang gumastos lahat kay Sanya."walang pag aalinlangan kong saad dito.Inuunahan ko lang siya dahil alam kong gagawin niya ang mga bagay na iyon na walang pahintulot ko.

Kahit nasa Canada kami ay nagawa niya paring bayaran ang gastusin ni Sanya sa School.Wala rin akong nagawa non dahil tapos na.

"Okay I promise na hindi ko na gagawin ang ganong bagay.Masaya ako at maayos mong napalaki ang apo ko at nag matured ka narin bilang isang magulang."nakangiti pahayag nito at may kinuhang papel sa isang folder.

Totoo naman kasi,once na naging parent kana ay wala kang choice kundi ang mag matured talaga.
Naiisip ko no'ng wala pa akong anak ay sobrang liwaliw ko at laging nag shoshopping.Ngayon ay narealize kung spoiled talaga ako sa pamilya ko.Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko ng walang ka hirap hirap.

"I have a business proposal to you,kindly read it."napangiwi naman ako sa sinabi nito.
Alam ko na talaga kung saan nagmana si kuya.

Ang akala ko ay mag uusap palang kami pero may kontrata na kaagad.

Business Contract of
Samantha Samaniego
And
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
JACE DEL MUNDO


What the heck!?

Napalunok ako ng ilang beses at kinusot ko pa ang mata ko dahil sa nabasa.

"D-Dad?"nanginginig kong tawag dito.Nakangiti pa ito na parang may iniisip na kung ano.Hindi ako makapaniwalang masasabi ko ulit ang pangalan na iyon.

Alam nila ang totoo kung nararamdaman kay Jace pero bakit naman ganito ang pinaggagawa ni Dad.His up to something,at alam kung hindi ito magiging madali.

"Its your chance,sigurado akong mapapansin ka niya.Hindi ako tumatanggap ng 'hindi' dahil na plano ko na lahat ng ito.Next week ay mag uumpisa na ang project niyong dalawa.At gusto ko siya maging Daddy ni Sanya."napapikit ako ng mariin dahil nag sisink in sa utak ko lahat ng nangyayari.

At alam kung tatagal ang project na ito dahil hindi lang ito basta bastang commercial.Parang isang maikling serye ito na abot hanggang limang episode.
Parang mahihimatay ako sa nabasa ko sa kontrata.

"P-Paano kung may asawa't mga anak na siya?"

Hiding Mr.Celebritie's daughter Where stories live. Discover now