Chapter 25

5.9K 160 8
                                    


"I'll just take a bath.Mom,Dad."
Tumango na lamang ako sa sinabi ni Sanya.Mukhang hindi maganda ang mood niya dahil ginising ko ito ng makarating dito sa bahay.

Inihatid lang talaga kami ni Jace dahil may emergency daw ito.Tumawag yung manager niya kanina na urgent daw talaga.
Naiintindihan ko naman siya dahil alam ko ang pasikot sikot ng trabaho namin.

"Anong nangyari dun?Bakit parang nalugi yun?"napabuntong hininga naman ako bago siya hinarap.

"She's not just in a mood,"kibit balikat ko dito.Ayaw ko ng magsalita pa dahil alam kong may gagawin siya.Sobrang over protective pa naman siya pagdating sa pamangkin niya.

"Yun nga lang ba?"bakas sa boses nito ang hindi naniniwala sa sinabi ko.Napaiwas nalang ako ng tingin dito dahil nanunuri na ang mga mata nito.

"O-Oo nga,"napapikit pa ako sa inis ng mautal ako sa harapan niya.

"Your not good in lying,sabihin mo na.Ill just listen promise."pinakita pa nito ang hinliliit niyang daliri.

"Listen lang huh,wag kang padalos-dalos."paninigurado ko dito.Mahirap ng hindi kami magka intindihan dahil sa ugali niyang padalos-dalos.

"Oo nga!Cross my heart hope you die—"

"Baliw!Hope to die yun!"naiinis kung singhal dito.Dinamay pa talaga ako sa kaabrulmahan niya.

"Easy easy,okay?Highblood ka naman masyado.So ano nga yung nangyari sa anak mo?"Mabigat ang paa kong lumapit sa pwesto niya.

"She's hurt.Feeling ko kasalanan ko ang lahat kuya eh.Bakit parang ayaw ng tadhana na maging masaya nalang kami ng anak ko."yun palang ang nasabi ko pero naiiyak na ako.Sobrang iyakin ko talaga sa ganitong usapan.You cant blame me naman kasi nasasaktan ako para sa anak ko.

"Go on.im just here,ready to become your shoulder to cry on."kahit naiiyak ay hindi ko mapigilang ngumiti ng palihim.
Kahit sobrang loko niya ay siyang super caring niya sakin.Minsan nga gusto ko nalang na ganito siya lagi.Pero iba parin ang feeling na may kapatid ka na madaldal at joker.

"H-Hindi tanggap ng pamilya ni Jace si Sanya,kuya."halos gumaralgal na ang boses ko habang sinasabi iyon sakanya.

"Ako yung nasasaktan sa sitwasyon ni Sanya.H-Hindi niya deserve ang ganitong buhay.Mali ba ako na pinakilala ko na siya bilang anak ni Jace?Mas naging magulo kasi ang sitwasyon ng anak ko simula ng sinabi ko ang totoo sakanya.S-Sana naging kuntento nalang kami,k-kaming dalawa lang ni Sanya sa buhay."halos hindi na ako makahinga dahil sa pag iyak ko.
Mali nga ba ang desisyon kung bumalik dito sa Pilipinas!?
Parang mas gumulo ang buhay ng anak ko dito.

"You both don't deserve this.Wala kang mali na nagawa,hindi lang talaga umaayon sa ngayon ang tadhana.Balang araw magiging okay din ang lahat.Dont give up,always remember na nandito lang kami nila Dad and Mom for you."

———-

"Mom,How was your vacation?"I just called Mom and Dad para kamustahin silang dalawa.

"We were enjoying our stay here,anak.Its very beautiful and relaxing,di bali next time isasama ko kayong lahat para makapag bonding tayo."bakas sa boses nito ang kasiyahan at rinig na rinig ko ang hampas ng alon mula sa speaker.

Speaking of dagat,matagal na ang huli kong punta sa beach.Ang naaalala ko ay nasa High School days pa yun.

"Hmmm,we really needed that.A fresh air and Space..."wala sa sarili kung usal dito at marahang hinigop ang kapeng bitbit ko.

Hapon na at napagdesisyunan kong sa harden magkape.
Si kuya naman ay umalis dahil may investors daw na haharapin.While Sanya naman ay tinuloy ang pagtulog pagkatapos maligo.

Hinayaan ko nalang at mukhang pagod na pagod.

"You sound problematic,anak.Bakit hindi kayo sumunod dito?Isama mo narin ang makulit mong kapatid at ang apo ko."she suggested,I just shrugged kahit hindi niya nakikita.

"Sa susunod nalang,Mom.Kailangan niyo rin ng quality time ni Dad.Pag nandyan kami ay kukulitin lang kayo ni Sanya at Kuya."pag tanggi ko dito.Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.

"Fine,next time talaga isisingit ko ang bakasyon natin sa schedule's niyo.Pasalubong nalang ang madadala ko sainyo."napangiti naman ako sa sinabi nito.She still love shoppings and buying some pasalubong kahit hindi naman kailangan.
Mom is really materialistic while dad naman is work-coholic and okay if what Mom buy for him.Hindi ito bumibili kahit ng mga damit niya kaya si mommy nalang ang gumagawa non for him.

"Hmmm,okay na ako sa buhangin Mom."pagbibiro ko pa dito kaya napahalakhak ito sa kabilang linya.

"Kayong magkakapatid talaga may lihim na pagka-maloko.Ill hang up muna,anak.hahanapin ko muna ang Daddy mo.Kahit naka wheelchair na kung saan parin nakaka abot."kahit hindi ko siya nakikita ay alam kung napapangiwi na ito.

"Take care lang kayo diyan ni Daddy,Mom."yun ang huli kong sinabi bago ko ibaba ang tawag.

Gusto ko rin ng katulad nila Mom and Dad na love story.Kuntento at masaya sa buhay.Lagi nilang sinasabi na kahit hindi daw nila magampanan ng tama ang pagiging magulang nila saamin ay ginagawa nila ang lahat at best nila.

Pero para saakin ay sila ang perfect parents.Ramdam ko ang bawat pangangaral at oras na nilalaan nila saamin ni Kuya.
Tapos no'ng time na nabuntis ako.Sobrang baba ng tingin ko sa sarili ko non dahil feeling ko hindi ko deserve ang maging anak nila.

Deserve nila ang anak na laging sila ang priority at perfect.
Hindi kagaya ko na wala man lang may ipagmamalaki.Pero nawala lang ang agam agam na iyon sa laging sinasabi nila saakin.

"Hindi kami nagsi-sisi na ikaw ang naging anak namin.Kahit ano kapa,kahit sino kapa ay lagi ka naming tatanggapin.Always remember na were always here Loving you no matter what.Talikuran ka man ng mundo ,kami ng Daddy mo ay laging nasa tabi mo."

Hindi ko man lang namalayan ang pagtulo ng luha ko habang iniisip yun.Hirap na hirap na ako pero mananatili akong matatag para sa anak ko.
Tama sila,nandiyan sila na pagkukunan ko ng lakas.

Ill be more stronger than I am right now.

Susunod.....

A/N:nahihirapan na ako sa mga susunod na chapters.Feeling ko nawawala na ako sa plot na ewan.Kung hindi man ako makapag update,ibig sabihin non busy ako sa buhay estudyante ko.
Thankyou for reading and sa mga nag comment,ito na mga Mare!Dont expect to much kasi hindi ako professional tulad ng sinasabi ko lagi.❤️❤️❤️Godbless!

Hiding Mr.Celebritie's daughter حيث تعيش القصص. اكتشف الآن