Chapter 16

7.1K 195 5
                                    


"You look familiar,nagkita na ba tayo noon?"ang kabang nararamdaman ko ay nadagdagan naman dahil sa tanong niya.

"S-Siguro,baka nakita mo lang ako sa circle of friends mo."feeling ko gumaralgal ang boses ko dahil sa pilit kung pinapa hinahon ang sarili ko.

Akala ko no'ng una ay kaya ko na siyang harapin.Iba parin talaga pag nasa harapan mo na ang tanong minsan mo ng minahal mula sa malayo.

"Hmm,I see."hindi ko na siya magawang sagutin o kahit tingnan man lang.
Nahihirapan akong huminga pag nasa malapit siya.Pano pa kaya kung nasa eksena na kami!?

Parang pinaglalaruan talaga kami ng tadhana.Sa dinami dami ng eksenang paninindigan namin,bakit yung mag jowa pa!?
Okay na sana yun sakin eh,pero bakit ang daming plot twist!
Parang sinasadula ko na ang buhay ko dahil dito.To make it short i'll summarize the story nalang.

Simula College hanggang magka trabaho sila ay nanatiling matatag ang relasyon nila.Pero hadlang ang pamilya ng lalaki dito dahil may naka takda na ditong dapat ipakasal.

Pero pinaglaban parin nila ang pagmamahalang dalawa.Hanggang sa sumuko na ang lalaki sa relasyon nilang dalawa.

No'ng time na ikakasal nayung Guy sa babaeng gusto ng pamilya niya ay saka naman nalaman no'ng girl na buntis siya.
Ayaw niyang maramdaman ng anak niya anak lang siya sa labas kaya pumunta siya sa ibang bansa.
Then after so many years ay babalik ito muli para manatili na sa bansang kinalakihan niya.

Pero ang susunod ay secret nalang muna.Mali kasi ang pagkaka intindi ko sa kontrata.Akala ko commercial lang pero series pala itong gagawin namin.
Hindi ko naman kasalanan na mali ang pagkaka intindi ko dahil sinadya iyon ni Dad.Yun talaga nabasa ko pero may dugtong pa pala yun.

Wala na akong nagawa kasi naka pirma na ako.Hindi ko alam kung magiging masaya ako sa pagiging supportive ni Daddy sa lovelife ko.

"May gaganapin muna tayong meeting bago simulan ang eksena!"narinig kung sigaw ng isang staff malapit saamin.

Tumayo naman ako kaagad para makalayo ako sa pwesto ni Jace.
Pero feeling ko nanadya siya,kahit parang tinatakbo ko na ay nagawa parin ako nitong sabayan sa paglalakad.

Dahil sa pagiging desperada kung makalayo dito ay inabot akong karma.

"You don't have to walk that fast,be careful."nahihiya naman akong lumayo dito.
Natapilok lang naman ako mabuti nalang at nasalo ni Jace.Kung hindi ay hahalik talaga ako sa semento.

Habang tinitingnan ko siya ay biglang lumitaw sa mga mata ko ang anak ko.Yung time na umiiyak siya dahil sa tatay niya.
Pagkakataon ko na ba ito?

"C-Can we talk later?Meron lang sana akong sasabihin.Dont worry,importante iyon kaya hindi masasayang ang oras mo."kusang lumabas iyon sa bibig ko habang naka harap siya.

Ngumiti naman ito saakin bago ako tanguan.Napapitlag pa ako ng alalayan niya akong maglakad.Hinayaan ko nalang siya kahit parang mahihimatay na ako.

Magagalit kaya siya sakin pag sinabi ko ang totoo?Magagawa niya pa kaya akong ngitian kung sasabihin kong may anak siya sakin?Pero sana kahit anong mangyari ay matanggap niya ang anak ko.Kahit hindi niya na ako tanggapin basta ang anak ko lang ay sapat na.

Nang makapasok kami ay pinaghila muna ako nito ng upuan bago umupo sa tabi ko.
Huminga pa ako ng malalim dahilan para malanghap ko ang natural nitong amoy.
Hindi sobrang tapang at sweet,pero sobrang nakaka adik naman.

"Hello dear Samantha Samaniego and our star Mr.Jace Del Mundo."nakangiting turan ng magiging Director namin.
Tinanguan naman siya ni Jace kaya ngumiti nalang ako dito.

"N-Nice to meeting you po,"nautal pa ako sa una dahil nasa akin ang buong antensyon ng team na makakasama namin.

Nanibago ako sa ganitong set up.Sa limang taon ba namang nasa bahay lang ako sa Canada.Hindi na ako nasanay sa atensyon simula noon.

"Ang thougtful ng tagapag-mana ng Samaniego Company's.Anyways,Alam kung hindi ka basta basta dahil nakita ko na ang dati mong mga photo shoot.Sobrang nasurpresa lang ako ng sinabi ng CEO na ang unika-ija niya ang sina-suggest niya.Sino ba naman ako para tanggihan ang boss at High standard din ang sina-ggest nito."kahit nahihiya man ay nagawa ko itong nginitian ng natural.Bakas sa itsura nito ang paghanga kaya mas lalo akong kinabahan.Baka dahil sa sobrang expectations nila sakin ay hindi ko magawa ng maayos ang trabaho.

"Thankyou so much sa compliment po,but I will do my best para sa expectations niyo.Matagal na akong hindi nakaka harap sa camera kaya sana ay matulungan niyo akong mag adjust."natural ang bawat linyang sinasabi ko.Kailangan kong maging natural at makisama para mas mapadali ang trabaho ko.

"Ofcourse hija,lets talk about Mr.Del Mundo naman.Anong masasabi mo sa magiging ka love team mo sa seryeng ito?"ngumiti ito sakanya at tiningnan pa ako nito bago magsalita.

"Im excited,Pakiramdam ko ay nasa Hollywood na ako sa sobrang ganda ng makaka tambal ko.Ill difinitely do my best para sa seryeng ito.And this is my last series bago ako umalis sa showbiz."Halong halo emosyon ang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya.

May hiya dahil sa sinabi nito tungkol sakin at tanong kung bakit aalis siya sa showbiz.Pero wala ako sa posisyon para magtanong sakanya ng mga personal na bagay.

Pero sana ay masabi ko na ang totoo sakanya ang lahat...

Susunod.....

A/N:Gosh!This is so fetch mga mare!Short update lang muna dahil nabusy ako sa studies ko.
Bawi ulit ako next time,hanggang Chapter 25 lang ata to or 30.Pero kung sisipagin ay baka aabot to sa 35 mga mare...Thankyou for reading and godbless you all!

Hiding Mr.Celebritie's daughter Where stories live. Discover now