Chapter 33

5.5K 145 3
                                    



"Ano pang gusto mo,hijo?Ang alam ko ay si Samantha ang nagluto nitong adobo.Yan lang kasi yung alam niyang lutuin."hindi ko alam kung ma-pa flattered ako sa sinabi ni Mom o mahihiya.
Yun lang naman kasi ang alam ko kasi sanay ako na may kasambahay para magluto,maglaba at maglinis ng bahay sa Canada.

Speaking of Canada.Hindi ko pa pala natatawagan si Mariel.
Siguro ay tatawagan ko siya mamaya para kamustahin.

"Okay lang po,ma'am.Masarap naman saka mas lalong sumarap dahil siya ang nagluto."hindi ko akalaing may ganito siyang side.Yung tipong matatamis ang mga salitang binibitawan na mas nagpapahulog sa mga kamay niya.

"Nabalitaan kong umalis ka raw sa showbiz.Maari bang malaman ang dahilan mo?"pormal na tanong ni Dad ng mailapag niya ang wine glass niya.

Naging tahimik naman si Sanya at Kuya dahil kumakain ang mga ito.Habang kami naman ni Mommy ay nakikinig lamang.

"Ayaw ko po kasing maugnay ang anak ko sa media,Sir.Nang makilala ko sila ni Samantha ay mas nanaig saakin ang kagustuhang ibigay ang normal na pamumuhay.Alam kong alam niyo ang ibig kung sabihin dahil sa kompanyang pagmamay ari ninyo."senserong usal nito dahilan na may kung anong humaplos sa puso ko.

Hindi nga naman madali ang buhay kung may mediang naka palibot saiyo.I already experience How hard it is.Maging anak ba naman ng isang entertainment company.Kahit sa School ko noon ay may umaaligid na media para lang makuhanan ako ng litrato.Gayon din ang kay Kuya,kaya sa private School kami pinasok ni Dad.

"Your so formal,hijo.Just call me Tita and my husband,Tito.If you want you can call me Mommy.hihi!"Napailing nalang si Dad sa inasta ni Mom.Parang ako yung nahihiya kay Jace dahil kay Mommy pati narin kay Kuya.

"I will,Tita."nakangiti namang turan ni Jace kay mas lalong lumapad ang ngiti ni Mom.

Bigla akong natakam sa sweet ng makita ang mango float pero malayo saakin ang pwesto nito.Nasa gilid iyon ni Jace,at medyo malapit sakanya.

Dahan dahan kong inunat ang braso ko pero kapos iyon kaya bumalik nalang sa kubyertos ang kamay ko.

"What's the matter?Do you want this?"presenta ni Jace at tinuro ang cake malapit sakanya.Mukhang napansin niya ang ginawa ko kanina.

Umiling naman ako dito dahil hindi naman yun yung gusto ko.

"Yung mango float sana..."mahinang usal ko dito kaya tumango naman ito kaagad at tumalima sa pagkuha ng pagkain.

"Salamat,"pagpapasalamat ko dito.
Ngumiti naman ito at siya na mismo ang naglagaw ng pagkain sa plato ko.

"Your welcome,Kung may kailangan o gusto ka,just ask me okay?"Nahihiya naman akong tumango sakanya.

"Mom,I want that too."nakangusong turan ng anak ki habang tinuturo ang mango float na nilalagay ni Jace.

Hindi na ako sumagot ng pinaghain na siya ni Jace ng gusto niya.Nasa kabilang bahagi sila ng lamesa kaya kinailangan pang tumayo ni Jace para maabot ang plato ng anak.

"Here,"saad nito ng mailagay na niya ang dessert dito.
Hindi pa man nakaka upo si Jace ng magsalita ulit si kuya.

"Ako,gusto ko rin ng mango float.Paki kuha din ako please."
Feeling ko nang aasar naman siya dahil dinidilaan ako nito.

"Kuya."seryusong usal ko dito dahil nagsisimula na naman siya.

"What?Anong gusto mo ikaw lamg ang pwedeng maki suyo sa jowa mo?"dapat pala tumahimik nalang ako sa kinauupuan ko.

"Ewan ko sayo,"yun nalang ang tanging nasabi ko sakanya.

Nagpasalamat naman kaagad ito kay Jace kaya naka upo na ito ng maayos.

"Sorry talaga kay kuya...ganyan lang kasi talaga siya."bulong ko kaagad sakanya.Ngumiti ito na kita ang mapuputi niyang ngipin.

"Its okay,maliit na bagay."para akong natulala sakanya ng sabihin niya iyon.Why so thoughful ba?

"Jace,pwede ba kitang makausap ng masinsinan?"pag aagaw ng atensyon ni Dad kaya sabay sabay kaming napalingon sakanya.
Seryuso ito at mukhang may importante talagang sasabihin.

"Mauuna na muna ako sainyo.Sumunod ka nalang sa harden,hijo."hindi na niya inantay pa ang sasabihin namin at kusa na nitong pina andar ang wheelchair niya.

Hindi ko magawang kabahan dahil okay naman ang treatment nila sa isa't isa.At alam kung hindi naman sila aabot sa dahas dahil hindi ganong klase si Dad.Nasisiguro kong tanging pag uusap lang ang magaganap sakanila.

"Okay lang ba sayo?Hindi ka naman nagmamadali diba?"magkasunod kung tanong.
Medyo nag alangan ako sa part na mananatili pa siya ng ilang minuto at baka may iba Pa siyang gagawin o appointment.

"Its okay,Wala naman akong ibang appointment ngayon.Ill just excuse myself."sagot naman nito kaya tumango nalang ako sakanya.

Nakangiti namang sumang ayon si Mom sakanya pati si Kuya.Si Sanya naman ay nanatiling kumakain na parang walang paki alam sa paligid niya.

"Gusto mong ihatid kita sa harden?"pag pipresenta ko dito at baka hindi niya alam kung nasaan iyon.

"Wag na!Ako nalang ang sasama sakanya.Bihisan mo nalang itong makulit na anak mo."pagtutol ni kuya at mabilis na pumunta sa pwesto ni Jace at inakbayan ito na parang close na close sila.

"Feeling close naman masyado,"tanging nasabi ko nalang at natawa si Mommy sa gilid na alam kung rinig na rinig niya.

"Hayaan mo nalang sila.Baka for Boys lang talga ang usapan nayun.But for now,ikaw muna ang magkekwento sakin.Marami akong time you know,"ako naman ay napakamot ng ulo,mukhang wala na akong takas sakanya.

"Sige po,"sagot ko naman dito at tinuon ang atensyon kay Sanya na katatapos lang kumain.

"Do you want me to come with you upstaires?We will change your clothes na kasi pawisan kana."umiling naman ito saakin at uminom pa ng tubig.

"I can manage po,may pag uusapan pa ata kayo ni Grandma.Kay Manang nalang po ako magpapasama."tutol nito at tumayo na sa kinauupuan niya.
Lumapit ito kay Mommy at bumeso pa.

"I'll sleep in your room later po,Grandma.Mom,im going na po."saad niya kay Mommy bago ito talikuran at lumapit saakin para bumeso rin.

"Manang!Can you come with me po?Papasama lang ako sa room namin ni Mom."Yun ang huli niyang sinabi na narinig ko dahil naglakad na sila ni Manang papunta sa taas.

"What a cutie!"nakangiting turan ni Mommy habang nakasunod ang tingin kay Sanya.

"She's so adorable anak!Hindi man kayo magkamukha ay magka ugali naman kayo.Ngayon ko lang napagtanto na si Jace pala ang kamukha niya."dugtong nito sa sinasabi niya kaya napangiti naman ako.

She's right,hindi nga kami magkamukha,magka ugali naman.
Habang tumatagal ay mas nagiging matured ang pakiki tungo niya sa tao.Nasa kanya na kasi na pag may bisita at bumebeso siya tulad ng nakikita niya saamin ni Mom kung may bisita.

Ayaw niya daw magmano kasi naka tatanda daw iyon.

"Nakaka lungkot lang dahil ang bilis niyang lumaki.Parang hindi pa ako ready non."yun ang katutuhanang nakaka lungkot.
Ang bilis lang ng panahon at baka hindi ko namalayang nagdadalaga na siya.

"Parte talaga yan ng pagiging ina.Tulad ngayon,hindi magtatagal ay bubukod ka narin at mag aasawa."

Susunod...

Hiding Mr.Celebritie's daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon