CHAPTER 14

11.1K 222 69
                                    

CHAPTER FOURTEEN

“Hala kain!” nagising ako ng biglang may sumipa sa kamang kinahihigaan ko. Minulat ko ang mga mata ko. Walang ganang tiningnan ko ang lalaking sumipa sa kama ko. May hawak hawak 'tong plato.

Parang binugbog ng maraming beses ang katawan ko. Hindi ko maigalaw. Masakit ang pagkababae ko at buong katawan ko.

“A-Ayaw...” nanghihinang sabi ko sabay iling ng ulo.

Nainis naman ang lalaki sa naging sagot ko at walang sabing binuhos nito sa mukha ko ang pagkaing dala habang nakahiga.

Hinila nito ang buhok ko at pinilit na buksan ang bibig ko sabay umang ng pagkaing binuhos sa mukha ko. Hindi ko binuksan ang bibig ko kahit anong pilit nito.

“Ayaw mo ha?!” inis na sigaw nito. Kinagat ko ang kamay nito kaya napahiyaw 'to sa sakit at napalayo sa akin habang hawak-hawak ang kamay na kinagatan ko.

Tinuro ako nito. “De puta!” mura nito sabay dura sa mukha ko. I closed my eyes. Ilang sandali lang ay narinig kong pabagsak na sumara ang pintuan.

Minulat ko ang mga mata ko. “Save mee... I can't take it being here any longer...” I whispered kasabay ng paglaglag ng isang butil na luha galing  sa kaliwang mata ko.

“Saan ninyo ako dadalhin?” nanghihinang tanong ko sa dalawang lalaki ng marahas nila akong hinila patayo.

Walang sumagot sa tanong ko. Napasinghap ako ng tinakpan nila ang ulo ko at tinakpan ang bibig para hindi ako makapagsalita. Tinali din nila ang kamay at paa ko bago nila ako binuhat.

Nagpumiglas ako pero mas malakas sila sa akin. Wala akong nagawa kundi ang tumitig sa kadiliman. Wala akong makita. Napaigik ako sa sakit ng pabagsak nila akong nilapag. Masikip ang kinaroroonan ko ngayon. I tried to move but the space they put me was very small. My heart was
racing wildly. Saan nila ako dadalhin?

Ilang sandali lang ay narinig kong umandar na ang sasakyan. Gumalaw ako pero hindi ko magawa. Nasaan ako? Ang init. Hindi ako masyadong makahinga. Nagsimula ng sumikip ang dibdib ko.

My eyes widened as I realized I was in the trunk of the car. Sinubukan kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil sa nakatakip sa bibig ko. Ramdam ko ang pawis sa noo at leeg ko.

“Hmmmm... helmmm...” masakit sa katawan ang posisiyon ko ngayon.

Lumipas ang ilang minuto ay huminto na ang sasakyan. Binuhat ulit nila ako at walang awang binagsak sa sahig.
Tumama ang ulo ko sa isang matigas na bato. Medyo nahilo pa ako dahil sa lakas ng pagkakatama nun. May mainit na likidong tumulo galing sa ulo ko patungo sa pisngi ko.

Hindi pa nga ako nakakabawi sa pagkahilo ay may humila sa buhok ko at hinawakan 'to ng mahigpit. “A-Aww...” tinanggal nito ang nakatakip sa ulo ko.

Nilibot ko ang buong paningin ko at nakitang nasa isang kakahuyan kami. Dito nila ako dinala. Nakapalibot ang mga kasama nitong lalaki sa amin habang nakangisi.

Parang himinto sa pagtibok ang puso ko ng may malamig na bagay ang dumapo sa sentido ko. Unti-unti kong inangat ang tingin ko sa lalaking mahigpit na nakahawak sa buhok ko at may hawak ng baril na ngayo'y nakatutok sa ulo ko.

Hindi ako nakagalaw.

“E video pa ba natin to pre?” rinig kong taong ng isa sa kanila.

“Oo naman! Remembrance!”

“Sa paanong paraan mo gustong mamatay... hmmm?” nakangising sambit ng lalaking may hawak sa akin.

Hindi ako makapagsalita dahil sa nakatakip sa bibig ko. Naluluhang tiningnan ko lang 'to.

NICO'S MAD LOVE [BOOK 1]Where stories live. Discover now