Chapter Twenty-Six

503 42 4
                                    

"Ako na ang sasagot sa magic show." Ani Thaddeus.

"What? Yun lang ang sagot mo? Ang kuripot mo naman!" Pang-aasar ni Morpheus. "Naturingang Mayor na tumatakbo sa pagka-Senator tapos magic show lang ang sasagutin mo sa birthday ng pamangkin natin? Tsk tsk."

"Atleast may sasagutin, eh ikaw ano ang ambag mo sa party?" Balik naman sa kapatid.

"I'll be the host of the party." Mayabang na inayos pa ang suot na coat.

"Tangina mo, yun lang ang ambag mo?!" Mura ni Thadd kaya't pinandilatan ito nina Perseus at Vixyn dahil naroon din sa salas si Poseidon at naglalaro. "Sorry." Anito na nahiya bago binalingan muli ang kausap na kapatid. "Eh wala ka namang ilalabas na pera dun so ikaw yung kuripot- nimal ka!" Pabulong na sabi nito.

"Dyan ka nagkakamali, laway ko pa lang puhunan na. Kung naisasanla nga lang to, baka marami ang magdala ng batya at timba para salukin eh. That's the charm of a Morpheus Montenegro. Makita lang nila ako, para na silang nanalo sa lotto."

Sabay na binatukan nina Percy at Thadd si Morph kaya't natawa si Vixyn.

"Magsitigil na nga kayo, kung anu-ano ang pinagsasasabi niyo!" Saway naman ni Adelina sa mga anak. "Almost everything has been finalized for Sephy's birthday next week. I just wish your father could come so we can reunite as a family." Sabay buntong-hininga.

Nagpalitan ng tingin sina Percy at Vixyn dahil alam nila na sila ang dahilan kung bakit nangyari iyon sa pamilya.

It's been weeks since their last encounter with Don Matheus. The old man is really angry and wouldn't want to talk to them. It was Vixyn who first approached her Mother in law and patched things up.

Kahit ang mga kapatid ni Percy ay sinubukang kausapin ang ama na makipag-ayos na ngunit sadyang matigas ang matanda at ganoon din ang anak. Percy is also still mad at his father's remarks about his wife but he took the first step toward fixing the problem. He apologized to his father but he also wanted him to apologize to Vixyn but the old man refused to do so resulting in no communication after that.

Inakala na nga nila na magkakaayos na at mabubuo ang pamilya dahil nagkabati na din ang magkapatid na Thaddeus at Morpheus mula sa naging alitan nito patungkol kay Valerie. Ang babae na ang umiwas sa dalawa upang wala nang gulo.

"He'll come around." Ani Thadd. "Hindi rin niya matitiis ang mga apo niya."

"I hope so. Kilala niyo naman ang papa ninyo, masyadong matigas at walang binababaan kahit pa siya ang may kasalanan."

"Ikaw lang naman Ma ang hindi niya kayang pagmataasan. He begged for you to come back, right?" Si Percy.

"That's another story and I don't think we should be discussing that here." Wika ng matanda kaya't napalingon ang lahat kay Morph.

"Why are you all looking at me like that? It's not a sensitive topic for me. Papa cheated on Tita Addie with my mom and that's how I was made. I know it's bad but I'm thankful for them coz I wouldn't be here on earth if they didn't have done that." Sabay baling sa matandang donya. "I'm sorry, Tita."

"Don't be, you silly. Of all the bad things that have happened before, you're the only good one that comes out of it. Hindi ka man nanggaling sa akin ay anak pa rin ang turing ko sayo. I treated you like Thadd's twin." Nakangiting sabi ng ginang.

"Ma, kilabutan ka nga sa sinasabi mo." Pagsingit ni Thaddeus na ang itsura ay tila ba nandidiri. "Him, being my twin is hilarious. Walang maniniwala tungkol dyan dahil yang mukha niya, yan yung masarap upakan noon sa klase. Yung pagbungad pa lang sa pinto, sarap ng batuhin ng sapatos." At malakas na humalakhak na sinabayan din ni Percy at sinegundahan pa.

F.L.A.W Series Book 3: RUBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon