Chapter Twenty-One

517 48 19
                                    

"Dapat kasi sinabunutan mo para natauhan." Sabi ni Tarynah pagkatapos humigop ng kape. "Ang bait mo kasi eh kaya kinakayan-kayanan ka lang ng bruhang iyon. Dapat ipakita mo kung sino kang talaga- ikaw ang legal na asawa at umaarte siya na parang isang kabit na habol nang habol sa asawa mo!"

Napalakas ang boses nito kung kaya't napalingon sa kanila ang mga tao sa loob ng isang coffee shop.

"Lower your voice down, Rynah. Pinagtitinginan na tayo." Saway ni Ruby sa kaibigan.

"Ay sorry naman, nadala lang ako. Kasi naman, nakakainis tong si Inspektor eh, base sa kwento mo, utong-uto siya sa pagiging best actress ng ex-fiancee niya. Tss!"

"Nang dahil sa kagustuhan niyang tumulong sa mga nangangailangan, kahit masaktan kami ng mga bata ay gagawin pa din niya." Ani Vix habang nakatitig sa kanyang kape.

"Kaya nga dapat maging tigre ka na, ang bait-bait mo kasi eh. Dapat ipakita mo na may pangil ka din para matakot sila."

Vixyn chuckled at her friend's remark. If only Tarynah knows her true identity, she would be surprised. Dahil hindi lang pangil ang mayroon siya kundi kamandag na maaaring makapatay ng sinoman.

"Hangga't maaari, ayoko ng gulo kaya hinahayaan ko na lang."

"Pero lahat ng bagay ay may hangganan, maski pasensya." Mabilis na balik sa kanya. "Kaya huwag mong paabutin doon at baka sumabog ka."

Nginitian na lang niya ang kaibigan at nagpatuloy sa pag-inom ng kape. Tatlong linggo na ang nakalipas nang makabalik sila mula sa bakasyon sa Cebu. Hindi na niya tinangka pang pag-usapan ang nangyari doon dahil tuluyan nang sumama ang loob niya. Unti-unti na talaga siyang nawawalan ng gana, ng pakiramdam sa mga bagay-bagay.

Kaya naman nagkaroon ng tila pader sa pagitan nilang mag-asawa. Percy is trying to talk to her but she dismissing everything. He made the choice and he should stick to it. She remembered how she was hurt when after she told him not to go, he still left her in their room and went to check on Lovely. And it keeps on playing inside her mind that triggers her anger towards him until it all goes away. No anger, no pain just plain nothingness.

At iyon ang kinababahala niya ang mawalan na siya talaga ng pakialam sa lahat. She's slowly becoming Ruby, the bearer of her dark past, a woman without a soul, without emotion.

Tatlong araw nang wala sa bahay ang asawa niya dahil sa trabaho nito. Naroon si Percy sa may Ilo-ilo para sa isang imbestigasyon. Bukas pa ang uwi nito at hindi niya alam kung magkaka-ayos na ba silang dalawa.

"Enough of me, ikaw naman ang magkwento." Udyok niya sa kaibigan upang maiwala ang paksa sa kanya.

"Well, eto malapit nang grumaduate. Sa wakas ay matatapos ko na din ang accounting, kaloka kasi puro numbers." Sabay halakhak.

"What are your plans after you graduate? Itutuloy mo pa din ba ang trabaho mo doon sa Plaza Orlov?"

"Hindi ko pa alam eh. Hindi pa ako makapagdesisiyon tungkol dyan." na umiiling-iling pa.

"But it's one of the most luxurious malls in the world, so you should continue working there. Sabi mo nga ayos naman ang sweldo doon kaya nga makakatapos ka na diba?"

"Oo nga kaso, ano eh."

"Ano?" takang-taka siya sa kaibigan dahil ni minsan ay hindi nito pinapalampasan ang kahit na anong oportunidad pagdating sa trabaho. "May ibang kumpanya kang gustong pasukan?"

"Parang ganun na nga." anito na may alanganing ngiti.

"Anong parang ganun nga? May problema ka ba Rynah?" Nag-alala siya para sa kaibigan.

F.L.A.W Series Book 3: RUBYWhere stories live. Discover now