Chapter Seventeen

436 38 9
                                    

Percy couldn't take away his eyes from his wife. For him, she looked absolutely different from the woman she married years ago.

Ibang-iba na ang datingan nito. Ang mga tindig at pati ang paglalakad ay iba na. Ibang tao na ang kaharap niya, gamit ang mukha ng asawa niya.

"Careful with those." Ani Perseus na itinuro ang hawak ni Vix na armalite.

"This?" Na itinaas pa ni Vixyn ang hawak na baril.

"Yeah, that!" Nanlalaki pa ang mga mata.

"It feels good in my hands. It's like I've been using this for a long time already. Na nakalimutan ko lang dahil nga sa amnesia ko." Ani Vix. "Iba sa pakiramdam kapag hawak ko ang baril."

She feels powerful as if she can do anything at all, even if it is reckless or impulsive.

"Don't get used to it." Masungit na sabi ng mister. "Dahil pagbalik na pagbalik natin sa Pilipinas ay hinding-hindi ka na hahawak ng kahit na anong baril."

Kumunot ang noo niya. Nasa loob na sila ng turbojet na gamit ng airforce at patungo na sa pupuntahan.  Alam niyang naririnig sila ng ibang mga kasamahan ngunit binalewala na lang niya.

"Why?"

"What do you mean why? Of course, it's dangerous and you're not allowed to possess firearms without approval or legal papers."

"What if we need it for protection?"

"You won't need it, I'm here. I can protect you and the kids."

"You're not always around." At iniwas na ang tingin sa asawa. "Ilang beses na bang may nangyari na wala ka sa tabi namin? Sa tabi ko para protektahan kami? The only one who protected me and the kids were me."

Hindi nakasagot pabalik si Percy dahil totoo naman ang sinabi ni Vix. Tila ba tinamaan sa sinabi ng asawa.

"You're right, I wasn't always there when you needed me." At nag-iwas na din ng tingin.

"That's the more reason why I need a gun for protection. I cannot always count on you, I need to protect our kids in case you're away."

"This isn't the right time to discuss that matter. Let's talk about that when this is over." At tuluyan nang tumalikod upang hindi na makipag-usap.

Lahat sila ay may isa-isang earpiece upang doon sila makakapag-usap at magkarinigan kapag nasa gitna na sila ng laban mamaya.

None of them uttered a word because they all need to empty their minds and focus on the mission. Vixyn is internalizing to get Ruby out of her system. She needs her old self so she can fight on her own instead of being a burden to everyone, especially to her sisters and her husband.

Nang makalapag na sila sa may Texas ay lumipat naman sila sa isang armored truck. Malapit na sa border ng Mexico ang lugar kung nasaan ang buong sindikato ni Weber.

"Just follow the plan. Watch each other's back and don't get killed." Bilin sa kanila ni Diamond bago umalis kasama ang grupo nito.

Ang grupo ni Diamond na Alpha Team ang unang sumugod roon bilang parte ng plano nila. Nang mahuli na ang mga ito ng mga kalaban ay sila naman ang naghanda. Nang marinig nila si Agent Gunner na sinabing pumosisyon na ay nagsimula na nilang gawin iyon.

"This is it, sisters. We have to make sure not to fail this one." Ani Em na parehong tinapik sina Ruby at Amethyst."

"We will not." Sagot ni Amethyst bago pintunog ang mga buto sa daliri.

F.L.A.W Series Book 3: RUBYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon