Chapter Ten

389 35 3
                                    

"Mommy, when are we going back to our house?" Tanong ni Sephy habang nasa may pool area sila.

"Soon, baby." Sagot ni Vixyn habang hinihilot ang sentido dahil medyo masakit ang ulo niya. "Why, do you wanna go home na?"

"Mmmm..." Anito na tila ba iniisip pa ang isasagot. "Nope. I'm still enjoying it here at Mamita and Papito's house. They have this huge pool and we get to swim every day." At saka ipinadyak ang mga paa upang makalangoy habang naka-salbabida. "Why can't we have this at our home?"

Napangiti siya sa tanong ng anak.

"Because this will cost us much, it's high maintenance when you have a pool in the house." Paliwanag niya.

"But they have it here."

"Well, because they can afford it." Patuloy niya sa pagsagot sa anak habang sinusubukan niyang hindi indahin ang pananakit ng ulo. "We can't."

"Why can't we afford it?" Ayaw paawat ng anak niya. "Mamita is Daddy's Momma, right? Then we can ask her to give us a pool too?"

Doon na siya tumayo mula sa kinauupuang silya at lumipat sa may gilid ng pool at doon umupo.

"Come here, Seph." Tawag niya kaya naman lumangoy palapit ang anak. "We already talked about this before, haven't we?" Hindi porket mayaman sina Mamita at Papito niyo ay manghihingi na tayo nang manghihingi ng kung anu-ano. Your Daddy is giving us everything we need, even your wants, but some are too much and we shouldn't ask for that. Because-"

"Greed is evil." Sagot nito sa kanya na ikinangiti niya.

"That's right." At saka hinaplos ang ulo ng anak habang naroon din ito sa gilid ng pool. "We must always be thankful for everything we have, okay."

"Okay." Nakangusong sagot nito kaya naman kinurot niya ang pisngi nito.

"I pity your kids." Biglang may sumingit kaya't napalingon si Vixyn sa kanyang likuran. "They can't have what they want because you can't give it to them." Sarkastikong sabi ni Lovely. "Kung may silbi ka lang sana at tinutulungan si Percy para kumita ng pera eh di sana, hindi kayo nakiki-siksik rito sa mansyon para lang makapag-swimming ang mga bata." Inirapan pa siya.

"Excuse me?!" Hindi niya nagustuhan ang mga pinagsasasabi ng haliparot na iyon.

"Percy should've married someone who has a higher status in life or someone who came from a reputable and wealthy family so that his kids could enjoy a luxurious life." Talagang pinatatamaan siya. "Ang liit na nga ng sahod niya bilang agent tapos yung asawa wala ring trabaho kaya tinitipid na lang ang mga anak sa magagandang bagay. Hay, kawawa naman talaga. Tsk tsk tsk." Palatak pa nito na ikinapanting na ng tenga niya.

"You really don't know when to stop, do you?" Tanong niya at saka tumayo na mula sa may gilid ng pool. "Pilit ka pa ding habol nang habol sa asawa ko na parang aso! Are you a lost puppy, Lovely?" Pinagkrus niya ang mga kamay sa harap ng dibdib. "You're still bitter because he chose me over you! Simula pa naman talaga noon ay wala ka nang pag-asa sa kanya dahil hindi ka niya kayang mahalin. Ikaw lang naman ang nagpipilit sa sarili mo sa kanya diba? The only hope you had was the arranged marriage but sadly, you didn't get it."

Kitang-kita sa mukha ng babae ang pagka-asar sa sinabi niya.

"Marunong ka na talagang lumaban at sumagot ngayon ah!" Sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. "Before, you're just a helpless girl without a memory. Iyakin ka pa nga diba, pero ngayon palaban na." Humakbang ng isang beses. "You did change, even the way you look." At may mapang-asar na ngiti na naman. "Losyang na ang itsura mo, nanay na nanay. You do not even look appealing anymore. Baka maghanap na ng iba si Percy ha." Sabay halakhak.

F.L.A.W Series Book 3: RUBYWhere stories live. Discover now