Chapter Thirteen

383 37 3
                                    

Vixyn is still trying to act normal. Medyo nabawasan ang mga panic attacks niya ngayong may mga sessions siya ulit kay Dra. Salcedo. They couldn't reverse it anymore, her condition is irreversible and there's nothing they could do to stop her memories from coming back.

Ang ginagawa na lamang nila ay pinapakalma siya at sinusubukan na i-divert ang isip niya sa ibang magagandang bagay. If she can keep herself busy or if her mind is busy thinking about good things then she won't be able to think about the bad ones which can trigger her condition.

Nagkaka-panic attack lang naman siya sa tuwing may magpapaalala sa kanya sa mga panaginip niya. Kumbinsido na siya na hindi lang basta panaginip iyon kundi alaala niya iyon sa nakaraan.

"Why can't I go with you?" Tanong ni Sephy habang kumakain sila ng maagang hapunan sa bahay.

"Because it's not a party for the kids." Sagot ni Percy sa anak.

"But it's a party for Uncle Thadd." Katwiran naman nito.

"Yes, baby, it is." Si Vix. "It's his campaign party. But kids are not allowed in there. That occasion is for adults only." Na hinaplos ang buhok.

"But I want to go." Nakasimangot na sagot nito at nilalaro na ang pagkain.

"Ganito na lang, since Saturday na bukas, mamasyal na lang tayo." Suhestiyon ni Perseus na ikinatuwa naman ng bata.

"Talaga, Daddy?"

"Yeah, why don't we go to the mall? Watch movies, play in the arcades, buy some toys and eat out. What do you think?"

"I like that." Sabay biglang napanguso.
"But, you have work to do even on Saturdays right, Daddy?"

Sanay na kasi silang lahat na kahit weekends ay may trabaho ang padre de pamilya. Bibihira lang itong magbakasyon dahil ganoon ito kadedikado sa trabaho.

"For you baby, I won't go to work." Sabay kurot sa pisngi ng bata.

"Really?" Na mukhang excited na.

"Promise!" Na nakipag pinky swear pa sa anak.

Nang dahil sa usapin na iyon ay mas napabilis ang pagpayag ni Seph na magpaiwan at maagang matulog sa gabing iyon. Pormal na iaanunsyo na kasi ang pagtakbo sa Senado ni Thaddeus kaya naman imbitado ang lahat ng partido nito.

Simple ngunit elegante ang suot at ayos ni Vixyn dahil ayaw niyang mapahiya ang asawa at pamilya nito lalo na't marami ang taga media na mag-ko-cover sa party na iyon.

"Ang swerte ko talaga dahil napakaganda ng misis ko." Puri sa kanya ng mister habang nakaharap siya sa salamin ng tokador.

"Sus, nambola ka na naman." Iiling-iling niyang sabi. "I'm ready to go, are you?"

"I am. Mabuting umalis na tayo at baka magising agad ang mga bata at hindi na naman tayo makaalis." At akmang lalabas na ng kwarto nang balingan siya muli. "Have you forgot anything?"

"None." Sabay iling. "I have my bag here." Na itinaas pa ang clutch bag.

"What about your medicine?"

Saka lang niya naalala ang gamot na inireseta sakanya ni Doc Celeste. Para daw makalma siya at maiwasan ang panic attacks niya. Simula ng inumin niya din iyon ay hindi na siya basta basta mabilis magalit at nakokontrol na niya ang sarili.

Kinuha niya sa bedside table ang gamot at ininom iyon bago sila tuluyang umalis. Nagmamadali na sila dahil malapit nang magsimula ang party at paniguradong kanina pa sila hinahanap doon.

Nasa biyahe na sila ay ilang text at tawag na ang natanggap nila mula sa pamilya. Maraming reporters ang naroon at naiilang si Vix na humarap sa camera. May mga kinausap pa muna ang asawa niya na ilang mga tao nito sa NBI at mga ilang kapulisan na itinalaga roon upang maging escort at magbantay sa gabing iyon para na rin sa kaligtasan ng bayaw.

F.L.A.W Series Book 3: RUBYWhere stories live. Discover now