Chapter Twenty

467 40 17
                                    

Napabalikwas ng bangon si Ruby dahil sa isa na namang masamang panaginip. Nasasanay na siya at hindi na gaanong iniinda ang mga iyon dahil unti-unti na rin naman siyang nakakaalala. Isa pa ay nababawasan na din ang takot niya at mukhang pati ang sakit mula sa hinanakit niya sa ginawa ng asawa ay nababawasan na din.

Kung sa iba ay maganda iyon dahil ibig sabihin ay mas iniisip ang kapakanan ng pamilya at mas mahalaga na maging maayos sila, para sa kanya ay hindi. Nangangamba siya na baka dumating ang araw na wala na siyang maramdaman- na wala na siyang magiging pakialam pa sa lahat ng bagay.

Nilingon niya ang kama at napansin niyang wala na ang dalawang bata roon. Sinipat niya ang orasan at pasado alas otso na ng umaga. Marahil ay nasa labas na ang dalawa at excited na namang magswimming.

Nag-angat siya ng tingin nang bumukas ang pinto at tumakbo papunta sa kanya si Sephy at tumalon sa kama.

"Good morning, Mommy!" Masayang sigaw nito. "You're up, we can go now!"

"Ang aga pa para magswimming Seph." Na hinila ang anak para paupuin sa tabi niya at halikan sa pisngi. "Did you had your breakfast?" Tanong niya.

"Yup, We're done. Daddy ordered for breakfast already." Sabay turo sa may pintuan at saka niya nakita na naroon ang mister at buhat si Sedi na lumalantak sa hawak na saging.

Umiwas lang siya ng tingin sa asawa dahil bakas sa mukha nito ang guilt sa nangyari kagabi.

"What did you eat?" Paglalambing niya sa anak habang sinusuklay niya ang buhok nito gamit ang kamay niya.

"A waffle with eggs and bacon." Nakabungisngis nitong sagot, halatang masaya ang gising at nakalimutan na ang pagtatampo nito sa ama.

"Why didn't you wake me up? Sabay sana tayo nagbreakfast."

"Daddy said not to wake you up coz you're tired." Na nilingon pa ang tatay. "Daddy will join you, di pa siya nag-eat ng breakfast niya eh. Nagcoffee lang siya."

Tinanguan na lang niya ang anak nang hindi tinitingnan ang asawa.

"Later na kayo magswim ni Sedi sa pool ha. It's too early pa." Na bumangon na mula sa kama.

"We're not gonna swim at the pool Mommy, coz Daddy said we're going on a trip." At muling tumayo sa ibabaw ng kama at nagtatatalon. "We're going to an island!"

Doon lamang niya nilingon ang asawa kaya't lumapit na ito para magpaliwanag.

"Sa Isla Fortalejo." Ani Percy. "I've already talked to one of the owners- Abraham Fortalejo and he made some arrangements for us. His cousin, Engr. Apollo Fortalejo is a friend of Morpheus. Ang construction company ni Morph ang kinuha ng mga Fortalejo para itayo ang resort nila sa isla."

Tumango-tango lang siya sa sinasabi ng asawa.

"Bakit tayo pupunta ng isla? Doon ba ang next location ng campaign parade ni Thadd?"

"Cancelled muna ang lahat ng campaign ni Thadd dahil sa nangyari kahapon. The police are still investigating who gave the order to those men."

"Cancelled? Eh bakit pupunta pa din tayo ng Isla Fortalejo?"

Ibinaba muna ni Perseus ang bunso sa kama at saka siya hinarap.

"Because I owe my family big time so I need to make it up to them." at saka kinuha ang mga kamay niya. "I'm sorry for making you wait, for not keeping my promise and-" na binitin pa ang sasabihin. "for making you feel like you're not my number one priority. Kayo ng mga bata ang pinakaimportante sa buhay ko at walang makakapagpabago niyon."

F.L.A.W Series Book 3: RUBYWhere stories live. Discover now