Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.




Naiyak na rin ako. 






Alam ko din kase gano ka-idol ni Mafe si Deanna. Setter din ang kapatid ko. Katulad ng yakap ni Deanna kay Jia, alam kong sobrang mahalaga tong pagkakataon na to para kay Mafe na maacknowledge ng taong inspirasyon niya sa paglalaro.






"Pinahirapan mo ko dun Mafe ah? Sayo ako kinabahan e." -Deanna






Alam ko namang pinapagaan niya lang pakiramdam ng kapatid ko. Yet, I am thankful. Eversince nagkakilala si Mafe at si Deanna, naging mabait na ate narin talaga si Deanna para sakanya. 





"Thank you." Pabulong ko lang na sinabi kay Deanna pagtingin niya sakin. 






She only nodded.






Ewan ko ba sa language na meron kami ni Deanna pero alam niyo yun. We don't need many words para maexpress ang sarili namin sa isa't isa. 






After nga mag-iyakan ni Mafe at Deanna, tinawag na si Deanna ng teammates niya for the interview. Wala akong duda na MVP si Deanna. Alam ko wala yun sa isip niya kase ganun lang talaga siyang tao. Walang yabang kahit konti sa katawan. I am proud of her. During that service ace, naluha ako. Nung makita ko yung mukha niya sa screen, nakita ko lahat ng pagod, hirap, sakit na tiniis niya para makarating sa kung anong meron siya ngayon. Pero may nangibabaw. 






Kitang kita ko yung determinasyon nyang ipanalo hindi lang ang team, hindi lang ang Ateneo, kundi pati rin ang sarili niya laban sa lahat ng negativity rin na gumugulo sakanya all these times. Narinig ko na lahat ng pagdududa niya sa sarili niya. Nakita ko lahat ng time na muntik na siyang sumuko. Pero ngayon, ang nakikita ko lang ay yung Deanna Wong na naipanalo na ang sarili niya.






"OUR UAAP '81 MVP! NO OTHER THAN KAPITANA. MARIA. DEANNA. IZABELLA. "MASTER PLAYER". WONG!!!!"







Wala na. Umiyak na si Kapitana.





Build Me UpNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ