Special Chapter

60.5K 1.5K 205
                                    



Special chapter
Baby


"Ate, mamaya ka na."

"No, gusto ko dito."

"Austine, wag kang malikot!"

"Hey, Hey, Magigising ang mama niyo."

Boses ng mag aama ko ang gumising sa akin mula sa malalim na tulog. Napamulat ako ng may maramdaman na nakadagan sa tyan ko. Ang tatlong bata na nag aagawan sa pag yakap doon.

Si Austine ay naka unan sa may bandang itaas. Ang dalawang babae ay nag aagawan sa pagyakap. Si Alejandro naman ay nakaupo sa tabi ko ay pilit na pinipigilan ang dalawang bata sa pag dangi sa tyan ko.

I'm 7 months pregnant kaya malaki laki na ang tyan ko and it's a boy! Tuwang tuwa kaming lahat ng malamang lalaki iyon.

Nakauwi narin kami sa probinsya namin noong maliit pa ang tyan ko para bisitahin sila Tiya at Totoy. Pinaalam ko din kay Apple ang nangyari kay lola. Iyak ito ng iyak ng bumisita kami sa simenteryo. Buwan buwan naman ay umuuwi kami doon para bumisita.

"Baby" tawag ni Alejandro ng mapansing gising na ako.

Napaangat din ang mga bata sa tyan ko ng dahan dahan akong umangat para maupo. Inalalayan ni Alejandro ang braso ko at nilagyan ng unan ang likod para maging komportable.

"Mama, Gising ka po namin po? Sorry Mama." nanlalambing na yumakap sa akin si Austine.

"Ma, Sorry."

"Sorry, Nanay." Si Apple at Farah na yumakap din sa kabila ko.

"No, It's ok. Ang tagal ko ring nakatulog." niyakap ko pabalik ang tatlo. Si Alejandro ay sumandal sa headboard para sumali sa amin.

"Ma, Diba po pupunta tayong mall para bumili pa ng gamit ni Agustine?" si Farah habang hinahaplos ang tyan ko.

"Ate, It's Caden nga." angal ni Apple.

"Chester!" si Austine.

Laging nag aaway away ang tatlong ito sa gustong ipangalan sa magiging kapatid nila. Kami naman ni Alejandro ay wala pading maisip hanggang ngayon.

It's saturday at napagusapan nga namin na mamimili kami ng ibang pang gamit. Madami na talagang gamit pero gusto lang mag dagdag ni Alejandro at ng mga bata.

Kumpleto na lahat ng kailangan ni baby sa nursery room. Mula sa crib, damit, sapatos, unan, laruan, pampers at kung ano ano pa. Hindi pa malaki ang tyan ko non ay lagi ng bumibili si Alejandro ng kung ano ano.

"Mag bibihis lang ako. Mag bihis na kayo hmm?" binigyan ko sila ng tig iisang halik sa noo.

Sabay sabay nag tanguan ito bago nag unahang tumakbo papalabas at pumasok sa kaniya kaniyang kwarto.

Tatayo na sana ako para pumunta sa closet ng pigilan ako ni Alejandro at paupuiin lamang.

"Ako na ang kukuha, Baby. Maupo ka nalang." hindi na ako nakipag talo dito dahil alam kong mag pipilit din siya.

Nang bumalik ito, may dala dala na siyang blue sleeveless na maternity dress. Ibinaba niya iyon sa kama bago ako alalayan patayo at tinulungan mag bihis.

"I miss my babies" malungkot ang boses nito habang sinusuot sa akin ang dress.

"What? Eh kakalabas lang ng mga bat- Alejandro!" sigaw ko dito at pinag hahampas ang braso ng halikan niya ang dibdib ko. Akala ko ay ang mga bata ang tinutukoy niya.

Babysitting The Mayor's DaughterWhere stories live. Discover now