Chapter 16

64.4K 1.8K 54
                                    



Chapter 16
Takot

Antok na antok pa ng binuksan ni Clementine ang mga mata nang marinig ang malakas na buhos nang ulan at pag kulog sa labas. Pag mulat ng mata niya tumambad sa kaniya ang hubad na dibdib ni Alejandro kung saan siya naka unan.

Agad namula ang pisnge niya at dahan dahang tumayo para hindi magising ang lalaki.

Madilim papala sa labas.

"Hmmm" daing ni Alejandro at mas lalong hinigpitan ang yakap sa bewang ng babae kaya napabalik itong sa pagkakahiga.

"Alejandro" mahina niyang bulong at pilit tinatangal ang yakap.

"Hmm. Don't go. Just sleep." nakapikit at antok na antok nitong sabi.

"Teka lang. Titignan ko lang si Apple. Takot yon sa kulog"

Doon lang siya pinakawalan ni Alejandro. Niluwagan nito ang yakap. Dahan dahan naman iyong tinangal si Clemetine. Pag upo niya tsaka niya lamang naalalang wala nga pala siyang suot na damit.

Hala.

Iginala niya ang paningin sa buong kwarto. Nag kalat ang mga dmait nila sa sahig. Dahil mahaba naman ang kumot, ihinarang niya iyong sa katawan niya habang pinupulot ang damit sa tabi.

Agad niya iyong sinuot at inayos ang sarili bago walang ingay na lumabas ng kwarto.

Pag baba niya nakita niya ang orasan sa may salas.

Alas dos na pala.

Tahimik siyang nag lakad papunta sa kwarto nila ni Apple at dahan dahang binuksan ang pinto. Pag pasok niya nakita niyang tulog na tulog na ang bata sa kama.

Napangiti siya nang lapitan ito at hinalikan sa noo bago ayusin ang kumot.

Napag desisyonan niyang maligo muna dahil nararamdaman niya ang lagkit sa katawan. Kumuha siya nang pang tulog at tsaka dumaretsyo sa baniyo.

Dahil madaling araw na, dinalian niya ang pag ligo at mabilis iyong tinapos. Nag tuyo lang siyang nang katawan bago mag bihis at mag suklay.

Pag labas niya ganon padin ang itsura ni Apple, tulog na tulog.

"Nasan ba yun?" paling lingan siya nang mapagtantong nawawala ang cellphone niya.

Napabuntong hininga si Clementine ng maalalang nasa side table iyon ng kwarto ni Alejandro kaya wala siyang nagawa kung hindi umakyat ulit sa itaas.

Mas dinig ang malakas na pag bagsak ng ulan at kulog sa itaas na palapag kaysa sa unang palapag.

"Huhuhu"

Natigil sa pag lalakas si Clementine nang marinig ang isang mahinang hagulgol pero sapat na iyon para marinig niya. Dahan dahan siyang nag lakad pausnod kung saan niya iyon narinig.

Farah...

Hindi na siya kumatok pa at binuksan na ang pintuan ng kwarto nito. Madilim ang kwarto at tanging ang sinag ng buwan lang na nag mumula sa bintana ang ilaw doon.

Unang dumako ang tingin niya sa kama pero wala doon si Farah kaya kinabahan siya.

"Farah?" mahina niyang tawag at tuluyan ng pumasok.

Narinig niya ang mahihinang hikbi nito at sinundan kung saan iyon naririnig.

Sa tabi ng kama.

Babysitting The Mayor's DaughterWhere stories live. Discover now