Chapter 3

69.7K 2K 398
                                    



Chapter 3
Coffee

"Ayoko nga ng gulay!" itinulak nito ang pingan sa harapan niya dahilan para tumapon ang laman na pagkain non.

Napatulala ako sa pagkaing nasayang.

Sayang ang pagkain.

"Farah masamang mag tapon ng pagkain." panenermon ko pero parang wala siyang pake. Nakadikwarto siyang naka upo at mag kakrus ang braso.

"Clemetine" napalingon ako ng marinig ang boses ni Ate Wena. Kasama nito si Apple na hawak hawak ang kamay. Nakatingin din ito sa pagkaing itinapon ng bata.

"Nanay" lumapit sa akin si Apple.


Si Farah na nag taka kung bakit may boses ng bata ay napalingon sa anak ko. Tinignan niya ito mula ulo hanggang baba.

"Nanay sino siya?" mahinang bulong ni Apple sa akin at napakapit sa dulo ng suot kong damit.

"Siya Si Farah. Siya yung aalagaan ko dito nak"

Ngumiti naman si Apple kay Farah at medjo lumapit.

"Hello. Ako si Apple. Anak ako ni Nanay Tin" kumaway siya.

Ang bata namang nakaupo ay umirap sa anak ko.

"I don't care, fruit kid. Don't talk to me, i hate fruits" umiwas ito ng tingin at humarap sa lamesa.

Maldita talaga tong batang to.

Hinarap ko si Apple at tsaka niyuko para magkasing pantay kami.

"Nak doon ka na muna kay Ate Wena. Tatapusin lang ni Nanay to ha"

"Opo nanay" ngumiti siya at tsaka muling lumapit kay Ate Wena.

Nakita ko ang dismayadong ngiti nito dahil sa ginawa ni Farah. Tinanguan ko nalang siya bago balikan si Farah.

"Teka lang kukuha ako ng bago mong pagkain"

Pumunta ako sa may kusina nila para lagyan ng bagong kanin at ulam ang pingan. Nilagyan ko iyon ng manok at kaonting gulay para kainin niya.

Pag balik ko ganon padin ang itsura nito at seryosong nakaupo. Inilapag ko sa harap niya ang pagkain.

"Oh ayan, Kumain ka na"

Mukha naman siyang ginanahan ng makita ang fried chicken sa plato. Tinangal niya ang pag kakakrus ng braso niya at tsaka kinuha ang manok.

Tuloy tuloy ang pagkagat niya doon at hindi pinapansin ang kanina kaya kinuha ko ang kutsara at nilagyan iyon ng kanin.

"Ahh" itinapat ko sa bibig niya ang kanin.

Tumigil siya sa pag nguya at inis akong tinignan.

"Tsk" kinuha niya ang kutsara sa kamay ko at siya mismo ang nag subo sa sarili niya.

Dahil ayaw niyang pakialaman siya. Sinalinan ko nalang ng gatas ang baso niya at nag intay sa tabi na matapos siya. Sobrang kalat ng pingan at tapon tapon din ang kanin sa tabi nito dahil minsa'y may nahuhulog pag susubo siya.

"Ikaw lang ba talaga mag isang kumakain? Hindi ba kayo sabay ng tatay mo?" tanong ko sa kuryusidad. Sa amin kasi ay hindi kami nakakakain pag hindi kami kumpleto sa mesa.

"No. Lagi siyang busy" uminom siya ng gatas sa baso.

"Eh nandyan naman na siya ah. Kahit hapunan?"

Babysitting The Mayor's DaughterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora